Chapter 18: Laboratory Madness!
Eunece,
"Anong nangyayari?" tanong sa akin ni Mia habang nakatingin kami sa elevator patungo sa mga palapag kung nasaan ang mga Variant. Tiningnan ko si Mia bago ako nag kibit balikat dahil maging ako ay hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Para saan kaya ang mga 'yan?" tanong niya sa kaniyang sarili habang pinanonood namin kasabay ng ilan pang recruit ang pagbaba ng isang metal sa pader na magtatago sa mga pintuan ng elevator. Nagbulungan ang kapwa namin Variant pero ni isa ay wala akong naintindihan.
"Tara na." Aya ko kay Mia matapos tuluyang bumaba at takpan ng metal na pader ang elevator, tumango naman si Mia at sabay na kaming tumalikod mula doon. "Eunece, Mia!" napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa aking pangalan.
"Papasok na kayo?"
Hinawi ni Alea ang buhok sa kaniyang noo matapos niya kaming mahabol. Tumango naman si Mia bilang tugon sa tanong niya, huminga siya ng malalim at inayos niya ang kaniyang tayo. "Sabay na tayo!" sabi niya bago ngumiti ng napakalapad.
"Sige ba." Sabi ko naman at sabay na kaming tatlong nagpatuloy sa pag lalakad.
"Ano pala iyon?" tanong ni Alea habang dinadaanan namin ang ilan sa mga kapwa namin recruit. Nagkibit balikat kami ni Mia na halos magsabay. Tinutukoy niya ang kaniyang nadaanan kanina, maging kami ay hindi namin alam kung bakit.
"Para bang pinagbabawalan nilang may pumunta dito o makapunta doon." Sabi ko habang parehong nakikita ang mga itaas ng kanilang ulo. Mas matangkad kasi ako, ewan ko ba kung nasa lahi nila ang maging ganito kaliit.
"Hmm, may point ka." Kumento naman ni Alea at bigla na lamang siyang kumaway kaya tiningnan soya ni Mia nang may pagtataka. "Sino 'yon?" tanong niya kay Alea at tiningnan ang lalaking kinawayan niya kanina.
Tila ba nangasim ang aking mukha nang makita kung paano niya hawiin ang kaniyang buhok at isipit ito sa likuran ng kaniyang kanang tenga at kung paano niya kagatin ang gilid ng kaniyang ibabang labi. "Boyfriend mo?!" gulat na tanong ni Mia, maging ako ay magiging ganoon din ang aking reaksyon lalo na't nasa ikalawang linggo pa lang kami rito.
"Shhh."
Tumigil pa kami sa paglalakad para lang matakpan ni Alea ang bibig ni Mia. Umiling naman siya bilang tugon sa katanungan ni Mia. "Nagkakamabutihan lang kami." Sagot naman niya at mabilis niyang ipinunas ang palad na ginamit niyang pangtakip sa bibig ni Mia sa kaniyang hita.
Napailing na lamang ang kaniyang kausap.
"Ilang taon kana ulit?" tanong ko naman sa kanoya at ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakad. "Ninteen!" sabi naman niya na para bang sinabi na niya noon sa akin ang kaniyang edad. Tumango na lamang ako at sa dinadaanan namin ang aking tingin.
"Ikaw ba?" tanong naman niya sa akin, oo nga pala, si Mia lang ang nakakaalam. Nilingon ko siya at sinalubong naman ng kaniyang mga mata ang sa akin. "Twenty-one na ako." Sagot ko naman sa kaniyang katanungan.
Nagtaka naman ako sa pamamaraan ng kaniyang pagtingin sa akin. "Ang tanda mo na pala!" sabi niya kaya nagsalubong ang aking mga kilay. "Anong matanda, hindi pa ako singkwenta no!" sabi ko naman sa kaniya at tinawanan niya lang ako.
Hindi ko alam kung bakit nauso ang kasabihang, twenty is the new fifty!
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na kami sa harapan ng isang pintuan, wala itong pinagkaiba sa iba pang mga pinto maliban lamang sa sign na nasa itaas nito.
Ako na ang naglagay ng passcod sa may pintuan, ibinigay kasi sa amin ni Zeid Lolita ang passcode sa silid na ito at binigyan niya kami ng pahintulot na pumasok dito at gawin ang iniwan niyang akdibidad para sa bawat isa sa amin.
Ang ipinagtaka ko lamang ay magkakaiba kaming lahat.
"Anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Alea habang papasok kami sa napakalawak at puno ng apparatus na silid. "Kukunan ko lang ng larawan ang mga organismo sa ilalim ng microscope." Sagot ko naman, iyon kasi ang bilin sa akin ni Zeid Lolita.
Tumango naman si Alea at matapos no'n ay dumiretso kami sa mga cabinet kung saan kinuha namin ang mga bagay na gagamitin namin. Madali ko lang nakuha ang sa akin dahil may label naman ang apparatus na gagamitin ko.
Halos isang metro ang layo namin mula sa isa't-isa at ako ang naka pwesto sa gitna ng buong silid. Abala silang lahat sa kanilang mga ginagawa sa mga bagay na kanilang hawak. Nagtataka ako kung saan ko kukunin ang organismong susuriin ko dito sa microscope hanggang sa may mapansin ako sa aking harapan.
Doon ko lamang napagtanto na isang proseso ang aming gagawin. Nagsisimula ito sa isang lalaki na kung saan may mga bagay siyang hinahati at matapos no'n ay ipinapasa niya ito sa kaniyang katabi na isa na namang lalaki.
Paliit ng paliit ang specimen hanggang sa makarating ito kay Mia, may ginawa siya sa dalawang pahabang salamin na ang haba ay nasa pagitan lamang ng kaniyang hintuturo at hinlalaki. Para bang ikinakalat niya ang kung ano man sa isang salamin.
Si Alea ang nasa dulong bahagi ng proseso, isinasawsaw niya ang ipinasa ni Mia sa kaniya na specimen sa tatlong bote ng kemikal at tinapos niya ito sa pagwawagwag sa tubig paalis sa salamin. Lumapit siya sa akin at ibinigay niya ang kaniyang ginawa.
Tumango lamang ako at kaagad ko itong kinuha mula sa kaniyang mga kamay at sinigurong sa gilid ko ito hinahawakan. Inilagay ko ito sa ilalim ng micrsocope, sapat ang liwanag dito sa silid upang makita ko kung ano ang nasa salamin.
May mga inikot ako sa microscope upang maging mas malinaw pa ang aking nakikita at mas lumapit pa. Nang masiguro kong sapat na ang lapit at linaw ay inangat ko na mula sa ibabaw ng mesa ang isang digital camer.
Ipinikit ko ang kaliwa kong mata habang ang isa ay nakasilip sa view finder. Ginalaw ko ang lente ng camera upang matantsa at masigurong malinaw at maganda ang kakalabasan ng larawan. Kaagad kong pinindot at nakuhanan ko ng maayos na larawan ang gumagalaw na mga organismo.
Habang hinihintay ko ang susunod na specimen ay tinititigan ko ang larawan na aking nakuha. Nagtataka ako dahil kakaiba ang hitsura nito, may pagkakalapit sa human DNA pero kakaiba ang pagka buo.
"Saang nilalang kaya galing ito?" tanong ko sa aking sarili at muling ibinaba ang camera nang lumapit ulit si Alea sa akin. Inulit ko lamang ang prosesong ginawa ko kanina at napansin ang pagkakapareho nila ng nauna.
Nagkibit balikat na lamang ako at kinuhanan na ito ng litrato.
Habang tumatagal ay nagbabago ang mga organismo na aking nakikita sa ilalim ng micrsocope. Hanggang sa makabuo ako ng isang hinuha na para bang pinapasuri nila sa amin ang origin ng isang nilalang.
Ilang oras din kami rito, natatagalan kasi sila sa pagkuha ng sample sa bawat specimen na kinukuha ng lalaki sa unahan mula sa maliit na bagay na parang refrigerator.
Bumuntong hininga ako at sa wakas ay nasa kamay ko na ang huling sample na titingnan ko sa ilalim ng microscope. Napaupo na lamang sa sahig ang aking mga kasama dahil sa pagod at stress narin siguro sila.
Inilagay ko na ang sample sa ilalim ng micrscope at sinilip na ito para matapos ko narin ang aking ginagawa. Nagtaka lamang ako dahil mas agresibo ang paggalaw ng mga ito at tila ba nagpupumiglas sila mula sa bagay na kanilang kinadidikitan.
Gayon pa man ay binuhat ko na lamang ang camera at itinutok dito ang lente nito at kumuha ng nasa tatlong litrato. Ilang saglit pa bago ko naibaba ang camera na aking hawak ay lumapit sa akin si Mia habang nakahawak sa kaniyang baywang.
"Tapos ka na?" tanong niya sa akin kaya tumango naman ako. Nang puntong ibaba ko na ang camera ay biglang tmunog ang aming mga cellphone kaya nagkatinginan kaming lahat. Nang sabay namin itong ilabas at ipindot ay nagsamsama ang asul na kulay na inilalabas ng cellphone at naging isang hologram.
"Everyone, no matter what you do, huwag na huwag kayong maglalapit ng kahit kapiranggot na tubig sa mga specimen!" pagkasabi ni Zeid Lolita iyon ay tila ba tumigil ang aming oras nang biglang humatsing ang lalaking kumukuha ng sample mula sa mga specimen.
"Umalis na kayo riyan!" sigaw ni Zeid Lolita at salahat kami'y nagsitakbuhan patunga sa pinto. Natataranta na kami dahil sa ang tagal nitong bumukas at tila ba kakaiba na ang ikinikilos ng lalaking humatsing kanina.
Sinipa ko ang pinto hanggang sa ito'y bumukas at nagkandadapadapa pa kami. Sumara ang pinto at naiwan sa loob ang lalaki, "Siya lang ba ang naiwan doon?" tanong ni Zeid Lolita at nagsimula na naming bilangin ang aming sarili.
"Opo Zeid." Sagot ni Alea at tumango naman ang aming Zeid na kausap. "Ano pong nangyayari?" tanong ko naman sa kaniya. "Ang specimen na sinuri niyo ay may 'di pangkaraniwang sakit na dala, ayon sa mga eksperto, isa raw itong defense mechanism ng nilalang." Sagot naman niya.
Eh kung ganoon, bakit nila ipinagawa sa amin ang pagsusuring iyon?!
"For now, hintayin ninyo ang pagpunta ng medics diyan." Matapos no'n ay natapos na ang pagtawag niya sa amin at eksakto namang paglingon namin sa aming gawing kaliwa upang umalis na doon ay sinalubong kami ng mga Variant na nakasuot ng nakakatawang uniporme.
"Sumama kayo sa amin." Sabi ng nangunguna sa kanila, hindi na kami nagtanong pa at ginawa na namin ang kanilang sinabi. Napalingon ako sa aking likuran ng muli nilang buksan ang laboratoryo at nakarinig ako ng nakakapagdudang tunog.
"Saan ninyo kami dadalhin?" tanong ng isang lalaki na nasa aming likuran. "Kailangan ninyong ma quarantine for safety purposes." Sagot naman ng Variant na lalaki nang hindi man lang niya kami nililingon.
Gumana naman siguro ang aming common sense dahil sa hindi na kami ngatanong pa, kaagad naman naming napagtanto kung para saan ang pag quarantine nila sa amin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit saamin nila ipinasuri ang specimen?
Kasama ba iyon sa aming pagsasanay?
Well, may science naman na itinuturo sa amin si Zeid Lolita kaya ginawa na nila itong oportunidad ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nagtapos sa magandang kahihinatnan.
Isinuot ko na lamang sa aking leeg ang strap ng camera habang kami'y naglalakad patungo sa nasarahang elevator kanina. Hndi ko akalain na napakalawak pala nito at nakaya kaming ipasok lahat, ang akala ko'y pataas kami ngunit biglang bumaba ang elevator.
Pagbukas ng mga pinto ay sumalubong sa aking mata ang hindi gaanong pulidong palapag. Maliwanag parin naman pero nakakabingi ang katahimikan, naunang naglakad ang Variant at sumunod na lamang kami sa kaniyang likuran.
Tatlo kada silid, kayo na ang bahalang pumili sa inyong makakasama." Sabi niya matapos namin tumigil sa harapan ng ilang mga pinto. Awtomatikong kaming tatlo nina Alea at Mia ang magkakasama sa isang silid, kami ang naunang nakapili kaya kami ang naunang pinapasok sa mga silid.
Matapos ng aming pagpasok sa malawak na silid na katulad din sa aming mga kwarto sa itaas ay sumara na ang pinto at kahit na maliit na siwang man lang sa pagitan ng mismong pinto at pintuan ay wala akong nakita.
Umupo na lamang ako sa napili kong kama at inihiga ang aking sarili.
"This is a laboratory madness!" sigaw ni Alea at inihiga narin niya ang kaniyang sarili.
Yeah, kabaliwan ang pagsali ko dito.