CHAPTER 19

1819 Words
Chapter 19:Transparency Oliver, Nasa aking bulsa ang aking kanang kamay habang ako'y naglalakad patungo sa cafeteria. Kakagaling ko lamang kasi sa laboratoryo at katatapos lang nilang suriin ang katawan ng babaeng dinala namin dito kahapon. "Gaya ng dati?" tanong sa akin ng aling Martha matapos kong tumayo sa kaniyang harapan at sa aming pagitan ay ang counter. "Opo." Sagot ko naman sa kaniya at mabilis siyang ngumiti at tumalikod mula sa akin. Sa sobrang tagal ko nang Variant ay natandaan narin ni aling Martha ang palagi kong ino-order sa tuwing titigil ako rito upang mag meryeda at pawiin ang pagod na aking nadarama. Mas matagal si aling Martha sa akin dito, ayon nga sa kaniyang kwento ay dito na raw siya nagdalaga at nakilala ang kaniyang asawa. Hindi siya Variant pero isa siya sa mga espesyal na tao na napili upang magtrabaho sa aming organisasyon. "Isang burger with extra meat ang onion at isang coke mismo." Inilapag niya sa aking harapan ang isang tray na may laman ng pagkain na kaniyang binanggit. Pumalakpak ang aking tenga at masayang inilabas ang aking card at ibinigay ito kay aling Martha. Nginitian lamang niya ako matapos niyang ibalik ang aking card at matapos no'n ay umalis na ako sa pila, may mga susunod pa kasi sa akin. Inilapag ko ang buhat-buhat kong tray sa isang table na bakante, pangdalawahan ito ngunit inupuan ko na lang dahil ito ang nauna kong nakita. Komportable akong umupo at pinagkalis ang aking mga palad bago hinawakan ang aking burger. Malawak ang buka ng aking bibig upang makagat ng buong burger mula sa itaas na bun hanggang sa ibaba. Tumango ako ng malasahan ang masarap na patty nito at kung gaano magsamasama sa aking dila ang lahat ng lasa mula sa mga ingredients. "Nakikiramay ako sa nangyari sa iyong squad."  Napalingon ako sa aking balikat nang may kamay na pumatong dito. Sinundan ko ng paningin ang braso nito hanggang sa makita ko ang kaniyang mukha. "Salamat." Sagot ko naman sa kaniya at pinunasan ang gilid ng aking labi. "So, ano na ang plano mo?"  Umupo siya sa aking harapan at ipinatong niya ang kaniyang kanang braso sa mesa habang ang kaliwa ay nasa sandalan ng kaniyang upuan. "Hihintayin ko pa ang sasabihin ng mga Zeith." Sagot ko naman sa kaniya at ibinaba ang bote ng coke matapos kong uminom dito. "Bakit hindi ka na lang sumali sa squad ni Zeith Santos?" tanong niya ulit sa akin. Umiling naman ako, ilang beses ko nang tinatanggihan ang alok ni papa na sa squad niya ako sumali. "Hay nako." Kumento niya at siya ang bumuntong hininga. Hindi na ako nagulat nang ubusin niya ang laman ng aking inuming coke mismo at ubusin ang natitirang burger sa aking harapan.  "Bakit kasi ayaw mo?" tanong niya ulit, tumingin naman ako sa aking gawing kanan at pinagmasdan ang pagdaloy ng mahabang pili. "Napaka boring sa kanila." Sagot ko naman at nagkatinginan kaming dalawa bago parehong tumawa. "Magsabi ka lang pre kapag wala ka pang squad, pipilitin ko si Zeid Armando na kunin ka." Sabi niya at kasunod no'n ay ang pagtayo niya at sabay tapik ulit sa aking balikat bago siya umalis sa aking tabi.  "Teth Marcos!"  Sinundan ko siya nang tingin nang tumakbo siya palapit sa tumawag sa kanya. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa naubos nang pagkain sa aking harapan, kahit kailan ay wala paring pinagbago ang kaibigan kong iyon, kuripot parin! Biglang sumagi ulit sa aking isipan na wala parin pala akong squad, pinagbawalan din muna nila akong sumama sa mga pagsalakay sa Mirror Dimmension. Simula kasi nang dumating ako rito mula sa aking pagkakabihag ay puro tests ang aking natanggap. Kailangan daw nilang suriin kung wala bang nabago sa lagay ng aking katawan sa sobrang tagal ko sa planetang iyon. Tiningnan ko ang aking kanang hintuturo at nakikita ko parin ang maliit na dot sa dulo nito na kung saan ay kinuhanan nila ako ng dugo. Pagkalabas ko nga sa time paradox ay inihiga nila kaagad ako sa isang stretcher at mabilis na ipinasok sa laboratoryo, hindi nila kaagad inalis ang aking oxygen tank at dahan-dahan nila itong inalis sa aking likuran. Naka oxygen tank din ako ng ilang oras bago nila ako inatasang alisin na ang aking suot na uniporme, siyempre sa dalawang tap lang mula sa aking vector ay nawala na ito. Nilunod kaagad ako ng mga katanungan at para mabawasan iyon ay inilabas ko na lamang ang aking journal. Kaagad ko itong ibinagay sa aking ama, isa siyang Zeith kaya dapat lang. Nagpalipas na ako ng gabi sa laboratoryo at matapos nilang suriin ang aking dugo ay pinahintulutan na nila akong maka labas. Ilang oras palang ako sa labas ng laboratoryo ng tawagin nila akong muli pabalik doon. Sinalubong ako ni papa at ang ilang pang mga Zeith sa aming organisasyon akya marapat lang na magpakita ako ng respeto sa kanila. Sa kanilang likuran ay nakahiga ang babaeng dinala namin dito mula sa planetang pinaninirahan ng mga Leemur. Naka secure ang kaniyang mga kamay at paa at maging ang kaniyang leeg ay naka lock din sa kaniyang hinihigaan. Wala parin itong malay at patuloy lamang ang pagbibigay nila ng oxygen sa kaniya, meron ding clear glass na nakabalot sa kaniyang paligid kaya para siyang nasa loob ng isang bote. Madami silang naging tanong sa akin ngunit ang isinagot ko lamang ay kapareho lang nang aking naisulat sa aking journal. Pinanood ko kung paano nila kuhanan ng dugo ang babae at idaan sa ilalim ng x-ray modificators at kung ano-ano pang tests. Sa kabilang banda naman ng laboratoryo ay nagsasagawa rin sira ng genetic test mula sa espada ng aking ama. Kahit papaano ay nakakuha kami ng sample ng dugo ng nilalang na nakasagupa ni papa at sa mga bumihag sa akin.  Pinalabs na nila akong muli sa laboratoryo at muli raw nila akong tatawagin kapag nagising na ang babae. Sigurado akong ang una nilang itatanong ay kung paano siya napunta sa grupo ng mga nilalang na iyon gayong kauri namin siya, isa siyang tao. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at ibinalik na sa isang namamahala sa cafeteria ang tray at ang platong aking ginamit. Bago ako lumabas dito ay ibinasura ko na muna ang bote ng coke mismo at kasabay no'n ay ang pagdiretso ko sa aking silid. Inalis ko na ang vector sa aking dibdib at ibinaba ito sa ibabaw ng aking cabinet sa mismong tabi ng pinto, maging ang aking cellphone ay iniwan ko na rito. Pumasok ako sa aking banyo at humarap sa aking hindi gaanong malaking salamin at ipinatong ko ang aking mga palad sa aking sink. Tinitigan ko ang aking sarili bago binuksan ang gripo at nagsimulang maghilamos. Maigi kong pinunasan ang aking mukha gamit ang isang tuyong towel na kinuha ko mula sa tabi ng salamin. Kumurap ako ng ilang beses sa salamin bago tuluyang kinindatan ang aking sarili. "Sayang ang gwapo ko, wala pa akong naging jowa." Kumento ko at kasabay no'n ay isinabit ko na pabalik ang tuwalyang ginamit ko upang punasan ang aking mukha. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ako mula sa banyo. Dumiretso ako sa aking mesa at doon ay umupo ako sa aking upuan at hinanap ang aking cellphon. Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko kung saan ko ito iniwan, tumayo na ako mula sa aking upuan at naglakad patungo sa cabinet. Nang makuha ko na ang aking cellphone ay napatingin ako sa laman ng aking cabinet at nakita ko doon ang colar ng aking aso na si Mochi. Ngumiti ako nang kinuha ko ito at tinitigan ang kulay pulang colar na may pangalan ni Mochi. Kaagad akong bumalik at umupo sa aking mesa at kaagad na tinawagan ang aking pinsan kung saan naka tira ang aking aso ngayon. Hindi na niya kasi sinunod ang yapak ng kaniyang ama na maging Variant at mas pinili niyang mamuhay nang normal, alam niya ang tungkol sa lahat ng nangyayari sa organisasyon pero nakakasiguro naman ang mga Zeith na hindi niya kami ilalaglag. "Mochi!" masaya kong sabi nang makita ko ang aking golden retriever, naka upo ito sa isang itim na couch habang nakalabas ang kaniyang dila. Dinig ko naman ang boses ng aking pinsan na sinasabihan si Mochi na tumingin sa cellphone na hawak niya. Napapangiti naman ako kapag inilalapit niya ang kaniyang ilong sa camera ng cellphone at dinidilaan pa. "Kamusta na ang baby ko?" tanong ko sa kaniya kahit pa alam kung hindi siya sasagot sa pamamaraang gusto ko. Lumikha naman siya ng mahinang tunog at tumahol bilang pagtugon. Tumawa naman ako at nakikita ko naman malusog ang aking pinakamamahal na alaga kaya hindi ako masyado nag-aalala para sa kaniyang kaligtasan. "Kamusta diyan insan?" tanong sa akin ng aking pinsan matapos niyang ayusin ang kaniyang cellphone upang komportable silang makaupo ni Mochi sa couch. "Maayos naman, muntik nga lang akong mamatay." Sagot ko naman na para bang isa itong biro. "Ano?!"  Nagulat din si Mochi dahil sa biglang pagsigaw ng aking pinsan, napakamot na lamang ako sa aking batok at ipinaliwanag sa kaniya ang buong nangyari. Habang nakikinig siya sa aking pagsasalaysay ay hinahaplos niya ang tiyan ni Mochi na gustong-gusto nito. "Hala, nakikiramay ako." Sabi niya kaya tumango naman ako. "Paano 'yan, may bago ka na bang squad?" tanong niya ulit sa akin. Umiling naman ako habang sila ni Mochi ay tumayo mula sa couch, muling binuhat ni pinsan ang kaniyang cellphone. "Wala pa eh, baka sa susunod pang linggo, magpapahinga muna ako." Sagot ko naman sa kaniya, kahit pa kating-kati akong sumabak ulit sa loob ng MIrror Dimension. "Ganoon ba." Sabi naman niya habang naglalagay ng pagkain sa bowl ng aking aso. "Hoy, napaka dami." Sabi ko sa kaniya dahil hindi na naman niya tinatantsa ang inilalagay niyang pagkain. "Sakto lang, wala kasi kaming raw meat ngayon kaya ito muna, mamaya pa ako makakabili." Sagot naman niya. Halo-halo kasi ang pagkain ni Mochi, dapat may dog food, raw meat at fresh na itlog. Ilang saglit pa ay napalingon ako naningkit ang aking mga mata nang may nabasa akong mensahe mula sa itaas ng aking cellphone. "Oh, insan, ikaw na ang bahala kay Mochi ha, may emergency kasi, bye." Hindi ko na siya nahintay na sumagot pa at kaagad nang ibinaba ang video call. Hindi ko na nagawang buhatin pa ang cellphone ko dahil nagmadali akong pumunta sa pinto. Isinuto ko ang aking vector upang maisuot kong muli ang aking uniporme at tumakbo papunta sa laboratoryo. Naabutan kong nakatayo sa labas ang mga Zeith at maging ang ilang mga siyentipiko at napansin ko ang pagpasok ng mga Variant sa loob ng laboratoryo. Nakasuot sila ng kakaiba uniporme na isinusuot lamang kapag may toxic na tumagas. "Anong nangyayari?" tanong ko sa isa sa mga siyentipiko at kaagad naman nilang ipinaliwanag sa akin ang nangyari. Napalingon na lamang ako kay papa at bakas sa kaniyang mukha ang pagaalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD