Chapter 20: Upper Floors
Eunece,
"Napaka boring!" reklamo ni Mia na sinang-ayunan naman ni Alea. Pareho silang nakahiga sa kanilang mga kama samantalang ako ay pinagmamasdan lamang sila. Wala man lang kasi kaming pagkakaabalahan dito kundi ang mag tsismisan ng mag tsismisan.
"Kamusta na kaya si Jet?" napataas ang aking kilay mula sa katanungan ni Alea. "Sinong Jet?" tanong naman ni Mia, maging ako ay hindi alam kung sino ang kaniyang tinutukoy.
Umupo siya at pareho niya kaming tiningnan ni Mia, tila ba nagtataka siya kung reyuso ba kami o niloloko lang namin siya, sa kasamaang palad ay seryuso kami.
"Siya 'yong lalaking nadapuan ng virus, 'di niyo alam pangalan niya?" tanong naman niya at ang kaniyang mukha ay para bang nangasim na hindi ko alam. Umiling naman ako at si Mia ay sumagot ng hindi, tiningnan niya kami ng may pandidiri.
"Eh sino lang ang kakilala niyo?" pinagkuros niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang harapan at humalukipkip habang hinihintay niya ang aming sagot.
"Ikaw at si Mia lang." Sagot ko naman at itinaas ko pa ang isa kong hintuturo. "Ganoon din saakin, ikaw at si Eunece lang." Sagot naman ni Mia at siya'y umupo narin mula sa knaiyang pagkakahiga. Mahinang sinampal ni Alea ang kaniyang noo, marahil narin siguro sa kaniyang pagkagulat.
"Mag tatatlong linggo na tayo dito hindi niyo pa alam ang mga pangalan ng mga ka batch natin?!" napailing na lamang siya na para bang hindi makapaniwala. "Required ba?" tanong ko naman at sumandal ako sa aking mga kamay na kumportableng nakapwesto sa aking likuran.
"I mean, yeah!" sagot naman niya at binigyan pa ako ng isang irap. Nagkibit balikat naman si Mia at binigyan niya kami ng isang tingin ni Alea.
"Hanggang kailan ba tayo rito?" pag-iiba ko sa aming usapan. Nakakainip din pala kahit na nasa ilang oras palang kami rito. "Hindi ko alam." Sabay nilang sagot na para bang iisa ang takbo ng kanilang kaisipan.
Ilang saglit pa nang maubusan na kami ng maaring pag-usapan ay naisipan na naming umidlip kahit saglit lang. Hindi pa naman ako pagod pero nagawa ko parin namang matulog kahit papaano.
Ilang saglit pa ay may gumising sa akin kaya kaagad akong napabangon mula sa aking hinihigaan. Kinusot ko ang aking mga mata dahil nakaramdam ako ng pangangati mula sa mga ito. Kumurap din ako ng ilang beses hanggang sa makita ko kung sino ang nasa aking harapan.
"Kukunan lang kita ng dugo." Sabi ng lalaking naka suot ng isang uniporme na kung saan balot na balot ang kaniyang katawan at kulay puti ito. May transparent na salamin na takip ang kaniyang mukha para siguro makita parin niya ng maayos ang ginagawa niya.
Ito ang unang beses na may pumasok dito matapos kaming ma quarantine.
Naglabas siya ng mga aparatus at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang maliit na karayom, ito 'yong bagay na maliit lang pero talagang mapapaaray ka!
"Kaya mo 'yan." Sabi ng lalaki habang pinapahiran niya ng bulak na isinawsaw niya sa alcohol ang dulo ng aking hintuturo. Tumawa lamang ako ng may pagka awkward at huminga ng malalim. Napansin ko namang pinapanood ako ng dalawa habang hawak nila ang kanilang mga daliri.
"Handa ka na? itutusok ko na." Sabi niya kaya't mas bumilis ang t***k ng aking puso. "Teka lang kuya!" pinigilan ko ang kaniyang kamay nang itutusok na sana niya ang karayom sa aking daliri. Napatawa naman ang dalawa sa kaniyang likuran at maging siya ay maikli ring tumawa.
"Kaya mo 'yan, huminga ka ng malalim." Payo niya sa akin na kaagad ko namang ginawa. Kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay ang pagpisil niyang muli sa aking daliri.Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingin ako sa aking gawing kanan upang maiwasang tumingin dito.
Tila ba naanghangan ako nang naramdaman ko ang pagtusok ng isang bagay sa aking daliri. Nakaramdam ako ng kaunting sakit at napaka uncomfortable nito sa dulo ng aking daliri. Ilang saglit pa ay inalis na niya ang karayon.
Hawak ang aking daliri ay ipinunas niya ang lumabas na dugo sa isang glass pannel na parang sa ginamit namin kanina sa laboratoryo.
"'Yan, maayos na." Tumayo na siya mula sa aking harapan at bitbit niya ang kaniyang mga kagamitan. "Salamat po." Pasalamat naming tatlo sa kaniyang bago ito tuluyang umalis sa aming silid. Inihipan ko naman ang aking daliri.
Wala na akong sakit na nararamdaman pero ang pagka hindi komportable nito ay nanatili parin na para bang ang aking mga ugat ay sumasayaw na hindi ko maipaliwanag.
Nagtinginan kaming tatlo bago nagtawanan at kaagad na pinagusapan ang nurse na pumasok kanina.
"Ang cute niya!" sabi ni Mia at napatili mula sa kaniyang kinauupuan. "Sa akin lang siya!" sabi naman ni Alea at nagsimula na nga silang magdebatehan.
"Alam niyo, ganito na lang, mag bunong braso kayo!" sabi ko naman at pareho ko silang hinawakan sa kanilang mga balikat at magkasunod silang tiningnan. Naningkit naman ang kanilang mga mata at tila ba snusuri nila ako.
"Hindi ka namain kaagaw?" tanong ni Alea sa akin kaya naningkit din ang aking mga mata. Umiling lamang ako at tinanguan silang dalawa na para bang tinatanong ko sila kung kakasa ba sila sa suhestyon ko.
Nagpalitan muna sila ng tingin bago sabay na tumango.
Maganda naman ang mukha nong nurse na pumunta rito pero hindi kinilig ang puso ko, kumbaga may nakita na akong mas angat ang hitsura kaysa sa kaniya.
Umupo silang dalawa sa magkabilang dulo ng parisukat na mesa at ako naman ay pumwesto sa kanilang gitna. Pinaghawak ko ang kanilang mga kamay at hinawakan ang mga ito. Kunware'y naging mapanuri akong referee at tiningnan sila ng matalim.
"Ang mananalo ang siyang magkakaroon ng tiyansang landiin ang nurse!" kasabay ng pagbitaw ko ng salitang iyon at binitawan ko na ang kanilang mga kamay. Habang magkahawak ang kanilang mga kamay at pilit na itinutumba ang isa't-isa ay umatras lamang ako at nanood.
Siyempre in character parin ako bilang isang referee at sinisita ko sila kung ginagamit nila ang buong katawan nila upang mapalakas pa ang pwersa ng kanilang kamay.
Halos lumabas ang mga ugat sa kanilang noo at leeg, namumula narin silang pareho pero patas parin ang laban. Ako naman ay kunwareng kumuha ng pamunas at pinunasan ang mga pawis na tumatagaktak mula sa kanilang noo at papunta sa kanilang mga mata at bibig.
Nagpalipat-lipat din ako upang kunware'y masahein ang kanilang mga balikat at binubulongbulongan ko pa sila ng kung ano-ano.
Hanggang sa nagsigawan kaming dalawa ni Alea dahil siya ang nagwag!
"Ang ingay!" reklamo ni Mia, nagkatinginan naman kami ni Alea at sumigaw pa at mas lalong na excite. "At dahil ikaw ang panalo madam, pwede mo nang landiin ang nurse na iyon nang walang kaagaw!" anunsyo ko at itinaas ko ang kaniyang kanang kamay.
Tumili naman siya at tumawa lamang ako.
"Nye nye nye." Nakatakip sa kaniyang tenga si Mia habang tinitingnan niya kami ng masama ni Alea. Nagtawanan na lamang kami hanggang sa mapagod kami sa kakatawa at humilata na lamang sa sahig.
Lumipas ang ilang oras at nakakain narin kami para sa aming hapunan. Naghahanda na kaming matulog dahil tapos na nga kaming kumain at mag linis ng aming sarili nang biglang bumukas ang pinto ng silid na aming tinutuluyan.
Sabay-sabay kaming napalingon sa persona na nasa aming pintuan at nagkunot ang aking noo. Mas pumasok pa siya sa aming silid at sa kaniyang likuran ay may ilan pa siyang mga kasama, may hawak din silang mga damit.
"Ililipat namin kayo sa laboratoryo." Iyon lamang ang sinabi ng naunang lalaki sa iba pa at matapos no'n ay ibinigay nila sa amin ang isang uniporme na kagaya sa kanila. Itinapat ko ang aking vector sa uniporme upang mapasok ang bio data nito at tuluyan kong magamit.
Naglaho ang uniporme sa aking harapan at nang isuot ko ang vector sa aking dibdib ay pinindot ko ito ng tatlong beses upang mapili ang bagong uniporme na nailagay dito.
Kaagad naman itong bumalot sa akin kaya ngayon pakiramdam ko'y may buhat-buhat akong bato sa aking katawan dahil sa may kabigatan pala ito. Sumunod na kami sa kanila sa paglabas at nagkita-kitang muli kami ng aming ka batch.
Kumaway si Alea sa kanila habang kami'y hindi sila pinansin, hindi naman namin sila gaanong ka close kaya hindi ko naman masasabi na na-miss ko sila. Bumuo kami ng isang dalawahang linya at sumunod sa lalaking nasa aming harapan.
Ang ilan sa kaniyang mga kasama ay nasa aming likuran at may inii-spray sila habang kami'y naglalakad palayo mula sa aming mga silid at pabalik sa malawak na elevator.
Nahuli ang mga may hawak-hawak na sprayer at hinintay muna namin sila bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ako pamilyar sa palapag na ito dahil ngayon lamang ako nakapunta rito ngunit parang alam ko kung nasaan ako. Tiningnan ko si Mia na nasa aking tabi at saktong tumingin lamang siya sa akin, tinitigan ko siya na para bang tinatanong kung alam niya kung nasaan kami.
Nagkibit balikat naman siya.
Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad, bakante ang hallway na dinadaanan namin at mga tubo lamang ang aking nakikita, maliwanag parin naman ang silid pero parang napakalamig at napakatahimik hanggang sa maabot namin ang isang pintuan.
"Variant's Department?" bulong ko sa aking sarili nang mabasa ang sign sa itaas ng pintuan. Inilagay na ng lalaking nangunguna sa amin ang passcode at dinig ko ang pagbukas ng pinto. Tahimik kaming lahat at ang tanging ingay lamang na aking naririnig ay ang aming mga padyak habang tinatahak namin ang napakalawak na palapag na ito.
Hindi katulad ng nilakaran namin kanina, parang mas may buhay dito at may mga nakikita rin akong mga Variant na dumadaan sa mga corridor malayo sa amin. Madaming liko ang aming ginawa at masasabi kong walang pinagkaiba ang palapag na ito sa palapag naming mga recruit.
Ngunit ang parang sa kanila ay mas maluwang at mas presko ang dating at hindi mo talaga maiisip an nasa loob ka ng isang gusali na nasa ilalim ng lupa. Ewan ko ba't kakaiba sa pakiramdam, may ilan kasing pasilyo dito na may mga display na siyang nagpadagdag sa preskong disenyo dito.
Sa buong panahon na naglalakad kmai ay hindi ako tumingin sa aking harapan ng higit sa isang minuto, nahaharangan naman kasi ako ng isang ulo. Iginagala ko na lamang ang aking paningin habang kami'y patungo sa kung saan man kami dadalhin ng nangunguna sa amin.
Hanggang sa naningkit ang aking mga mata nang may makita akong isang lalaki sa hindi kalayuan, nakatayo lamang siya at nakatingin din sa akin. Para bang mas inaaninag pa niya ako, ganoon din ang aking ginawa pero hindi ko nakita ng maayos ang kaniyang mukha.
Ngunit bakit malakas ang kutob kong si Oliver iyon?
Baka matagal ko rin siyang hindi nakita kaya pinaghihinalaan ko na lamang ang mga nakikita ko. Nagkibit balikat na lamang ako at saktong nawala na ang paningin ko sa corridor na iton dahil natakpan ng isang pader.
Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa paglalakad at tiningala ko kung nasaan kami. "Laboratoryo na naman?" bulong ko sa aking sarili. Ewan ko pero parang ayaw ko munang pumasok sa ganitong silid matapos nang nangyari kanina.
Wala akong nagawa at sumunod na lamang ako sa pila.
Ano kaya ang gagawin namin dito?