Chapter 21: Squadtastic!
Oliver,
Pagbukas ng pinto ng aking silid ay kaagad na akong pumasok. Habang naglalakad ako palapit sa aking kama ay inalis ko ang vector sa aking dibdib. Kaagad kong inihiga ang aking katawan dahil para ba akong minagnet ng aking kama.
Ipinatong ko ang aking kanang braso sa aking noo at tinitigan ng ilang sandalai ang kisame. Huminga ako ng malalim at napagdesisysonang umidlip na muna, nakakpagod din kasi ang magpabalikbalik sa laboratoryo.
Dumagdag pa ang isang virus na nakuha sa specimen ng nilalang na nakalaban ni papa at bumihag sa akin sa planet K01 5715.01. Ayon sa isang siyentipiko na nagsagawa ng biological research dito ay maituturing daw itong self defense ng nilalang.
Tila ba kasama na sa dugo nito ang virus na ito at natri-trigger kapag nahahaluhan ng oxygen o ang hangin na isa sa pinaka marami sa atmospera ng planetang Earth. Muli na naman akong huminga ng malalim at napagdesisyonang umidlip na muna.
Hindi na naman nila ako kailangan sa laboratoryo at wala pa naman akong squad kaya pwede pa akong umidlip sa gitna ng araw. Pagkapatong ko ng vector sa aking table side ay komportable kong inihiga ang likod ng aking ulo sa aking unan.
Ilang saglit pa ay ipinikit ko na ang aking mga mata at dahil sa pagod na nararamdaman ng aking katawan ay mabilis akong nahulog sa isang mahimbing na pagtulog.
Nagising ako mula sa malakas na alarm ng aking cellphone, nalimutan kong naglagay pala ako ng alarm.
Kaagad kong inabot ang aking cellphone at pinatay na nag napakalakas na alarm. Pinunasan ko ang gilid ng aking mga mata malapit sa aking nose bridge upang tingnan kung may muta ba ako. Nang makasigurong wala ay inangat kong muli ang aking cellphone uoang tingnan ang oras.
Saktong alas sais na pala ng gabi, nasa dalawang oras din siguro ang aking naging pagtulog.
Nag-inat na ako ng katawan matapos kong bumangon sa aking higaan at dumiretso na sa aking paliguan. Naghiamos na lamang ako dahil sa naligo na naman na ako kaninang umaga, hindi naman ako ganoon karumi.
Matapos kong patuyuin ang aking mukha ay bumalik na ako sa aking silid at umupo sa harapan ng aking table kung saan nakapatong ang maliit kong salamin. Bago ko sinimulang ayusin ang aking buhok ay nag suot na muna ako ng damit.
Inayos ko ang aking buhok sa pamamaraang gusto ko at alam kung nakakadagdag sa aking kagwapuhan. Dahil sa gabi naman na ay hindi na ako naglagay pa ng pabango kaya ilang sandali pa ay lumabas na ko sa aking silid.
Naglakad ako sa malawak na hallway habang suot ang aking uniporme, kaagad kong tinungo ang cafeteria dahil sa nakakaramdam narin ako ng gutom. Naabutan ko doon ang napakaraming mga Varian, lahat ay naghihintay na makakuha ng kanilang hapunan.
Gaya ng inaasahan ko ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa virus na aksidenteng kumawala kaninang tanghali. Mabuti na lamang at na contain kaagad ito at hindi na kumalat pa sa buong gusali.
Kaagad akong pumila at ngayon ay ako ang nasa hulihan ng napkahabang pila na ito ngunit hindi nagtagal ay may sumunod din sa aking likuran. Habang naghihintay na makapunta sa harapan ay ipinasok ko sa aking bulsa ang aking mga kamay.
Maingay ngunit organisado ang loob ng cafeteria, madami kaming mga Variant ngayon dito lahat ay gustong pawiin ang gutom at pagod na kanilang nadarama sa pamamagitan ng pagkain ng masasarap na ulam na inihanda ng mga nagtatrabaho sa dito.
Ilang minuto din ang aking hinintay bago ako tuluyang makarating sa harapan ng mahabang pila, normal na tatlohan ang pila ngunit humahaba parin talaga ang mga ito lalo na kapag nagkakasabay-sabay kaming lahat.
Inilagay na ni aling Martha ang isang full meal tray sa aking harapan. "Padagdag po ng isang order ng lechon paksiw." Sabi ko at inihanda ko na ang aking card. Kaagad naman niya iyong naibigay sa akin at nakapagbayad naman ako ng mabilis.
Merong plastic na takip ang itaas ng tray dahil inihahanda nila ito ng maaga at ayaw naman nilang pasukin ng langaw. Naghanap ako ng mauupuan habang hawak ko ang malamig na metal na tray ngunit wala kong nakitang bakante.
Hindi ko rin mahanap si Henry, baka nauna na siyang naghapunan o baka mamaya pa.
Napagdesisyonan ko nang sa silid ko na lamang ako maghahapunan, mas tahimik at solo ko pa ang buong espasyo.
NAglakad na nga ako palabas sa cafeteria at naglakad ng ilang minuto bago ako nakarating sa aking silid. Hindi lang ako ang kakain sa kani-kanilang mga silid ngayon at sa katunayan ay may mga naksabayan ako.
Hindi ko sila lahat kakilala ngunit nakakausap ko naman ang iba kapag kailangan lamang. Nakapukos lang kasi ako noon sa aking squad at si Henry lang talaga ang masasabi kong kaibigan ko dito bukod pa kay papa na kapamilya ko.
Binalanse ko sa aking kanang kamay ang tray nang ipatong ko sa ibabaw nito ang isang platito ng lechon paksiw. Kailangan ko pa kasing ilagay ang passcode ng aking silid bago bumukas ang pinto nito.
Pagkapasok ko ay dali-dali kong tinungo ang aking mesa dahil nangangawit na ang kamay ko. Mabilis kong ipinatong doon ang kinuha kong pagkain.
Nag-inat na muna ako at inabot ko ang isang bote ng isopropyl alcohol na nasa gilid ng aking mesa at naglagay ng sapat lamang sa aking kamay at ikinalat ito. Matapos no'n ay umupo na ako at inalis na ang plastic na nakatakip sa buong tray.
Inalis ko mula sa tray ang isang juice box at inangat ko mulsa lalagyanan ng mga kubyertos ang isang kutsara at tinidor.
Ang natitira na lamang sa aking tray ang aking kanin, isang serving ng adobong manok at isang serving ng chapsuey at isang pirasong saging. Ibinuhos ko narin ang isang platito ng lechong paksiw sa bakanteng espasyo ng tray.
Sa sobrang sarap ng aking kain ay hindi ko na namalayan na napakabilis ko palang naubos ang laman ng aking tray. Tinapos ko ang aking hapunan sa pag-inom ko sa aking juice at pagkain ko sa saging bilang panghimagas.
Nagpalipas ako ng oras habang nag titingin sa aking cellphone nang bigla na lamang akong makatanggap ng isang mensahe. Nagmadali akong binuhat ang aking pinagkainan at patakbong bumalik sa cafeteria at inabot sa isa sa mga namamahala dito ang buong tray.
Kaagad din akong umalis doon at kaagad na nagpaliko-liko sa mga hallway hanggang sa marating ko ang conference room. Kaagad kong pinindot ang pindotan sa pinto nito at nang umilaw ng kulay pula ang paligid ng aking hinlalaki ay bumukas na ito.
Sininyasan ako ng mga tao sa loob ng silid na umupo sa isang bakanteng upuan.
"Along with the death of your squadmates, we have decided that since you are squadless as of the moment, you will join squad Buhawi headed by Zeid Lolita Quias." Sabi ng isa sa mga Zeith na nasa gawing kanan ni papa.
"Is this what you really want?" tanong ng isa sa kanila kaya napatingin ako sa kaniya at sinalo ang kaniyang tingin. "What do you mean Zeith?" tanong ko naman sa kaniya sa pinakamagalang kong boses.
"You are a very talented Variant, kung tutuusin ay nasa Zeid na ang iyong kapabilidad." Sagot naman niya, bigla kong naalala na tumanggi akong magpa taas ng ranggo.
Tumango naman ako.
Pagkatapos no'n ay tumayo na ako mula sa aking upuan at sumaludo sa kanila. "I will join Squad Buhawi immediately, Zeiths!" ibinaba ko na ang aking kamay at lumabas na ako sa silid na iyon. Kinakailangan ng kakapalan ng mukha at balat upang magawa ko iyon sa kanila.
As long as I can, gusto kong maging low profile, napaka big deal na nga na ang ama ko ay isang Zeith, dadagdagan ko pa ba ng pagkakapromote ko bilang Zeith?
I mean, kapag nangyari iyon dalawang taon na ang nakakalipas ay maaring ako na ang pinakabatang Variant na naging Zeid.
Itinago ko sa aking bulsa ang aking mga kamay habang naglalakd ako papunta sa opisina ng Squad Buhawi, umaasa na sana'y na notify na nila sila bago ako makarating doon.
Hindi naman gaanong malayo ang aking nilakad at kaagad akong nakarating sa harapan ng kanilang opisina. Bumuntong hininga ako bago ko pinindot ang isang buton sa pinto.
May nagpakitang screen sa aking harapan at nakikita ko mula dito ang mukha ni Zeid Quias. "You're already here." Sabi niya at kasabay no'n ay ang pagbigay niya sa akin sa passcode ng kanilang opisina.
Pagpasok ko ay siya lamang ang naririto sa loob. Mas matangkad ako sa kaniya ngunit ang aking respeto sa kaniya ay mas mataas pa. May pinag-usapan lamang kami na dapat na sa aming dalawa lamang at walang dapat na ibang makarinig.
Matapos no'n ay ini-register na niya ako sa kanilang data base upang maging opisyal na miyembro sa kaniyang squad.
"Welcome to Squad Buhawi, Teth Santos." Marangal niyang sabi at sinaluduhan niya ako, kaagad naman akong sumaludo at nang ibaba na niya ang sa kaniya ay ibinaba ko narin ang sa akin. Nagkamay kami at tinapik niya ang aking kanang braso.
"Tandaan mo ang ating passcode!" pahabol niya sa akin matapos niya akong utusan nang umalis na sa kaniyang harapan, as far as I know ay siya ang nakatukang magturo sa mga bagong recruit.
Tumango naman ako at tuluyan nang sumara mula sa aking harapan ang pinto ng aming silid. Tumayo ako ng ilang segundo sa harapan nito at nakatitig lamang sa pangalan ng aking bagong squad. Napa buntong hininga tuloy ako ng maalala ko ang aking dati at nakasanayang squad.
Ang squad na kasama ko at gumabay sa akin upang mas lalo ko pang mapaunlad ang aking kakayahan sa pakikipaglaban at mahasa pa ang aking kognitib na pag-iisip.
Ipinaypay ko sa aking kaliwang palad ang aking cellphone bago nagdesisyon na oras na para bumalik sa aking silid. Sigurado naman akong bukas ay may tatrabahuin na ako dahil nga sa may squad na akong muli.
Habang naglalakad ako ay napagdesisyonan kong sumaglint na muna sa memorial hall. Hindi naman ito gaanong kalayo sa posisyon ko ngayon kaya mabilis akong nakarating sa silid na iyon. Salamin ang pinto nito at parehong gumilid nang na sense nila ako.
Tinahak ko ang hallway ng silid at sa aking gilid ay kita ko ang iba't ibang mga larawan. Dumiretso ako sa pinaka huli at doon ay tumayo ako, mga kamay sa aking likuran habang pinagmamasdan ang kanilang mga litrato.
Na cremate ang kanilang mga labi at iniuwi ng kanilang mga pamilya. Ang kanilang mga larawan ang naririto sa memorial hall bilang pag-alala sa kanila.
Huminga ako ng malalim habang binabasa ang kanilang mga pangalan.
"Zeid Arthur Hanz."
Basa ko sa pangalan ng pinaka unang Zeid na tumanggap at naniwala sa akin, ang siyang nagturo sa akin sa lahat ng mga bagay na alam ko ngayon. "Pangako ko sa inyo, pagbubutihin ko pa ang aking trabaho at sisiguraduhin kong mabubuhay ako ng matagal." Bulong ko at idinampi ang aking kanang mga daliri sa magaspang na tekstura ng frame ng kanilang mga litrato.
Ilang sandali pa ay lumabas na ako mula rito at bago ako umalis ay lumingon na muna ako sa loob ng memorial hall.
Nang magpapatuloy na ako sa paglalakad ay naningkit ang aking mga mata nang makita ang diretsong linya ng mga recruit habang nakasunod sila sa isang kapawa ko Variant. Napansin kong napalingon sa akin ang isa at tila ba inaaninag niya ako.
Maari kayang nandyan si Eunece?
Nagkibit balikat na lamang ako nang tuluyan nila akong malagpasan at naglaho na sa aking paningin. Naglalakad sila mula sa pinakadulong hallway pa hilaga samantalang ako ay nasa ikalawang hallway kung sisimulan ang pagbibilang sa kanilang nilalakaran.
Sigurado akong isinadya nilang idaan sila sa likurang bahagi ng palapag upang hindi sila makagaw ng maraming atensyon. Ganoon pa man ay naglakad na nga ako palayo sa memorial hall at naglakad pa timog sa hallway na kinatatayuan ko kanina.
May koneksyon kaya ito sa virus?
"Welcome sa squad pre!" basa ko sa mensahe ni Henry. Napailing na lamang ako at ngumisi bago ibinalik muli sa loob ng aking bulsa ang aking cellphone.
Welcome to me.