Chapter 22: Special Unit
Eunece,
Komportable akong nakahiga dito sa aking hinihigaan habang naghihintay ng taong papasok dito sa laboratoryo.
"Ano kayang gagawin nila sa atin?" tanong ng isa aking mga ka batch, nakakapanggulat ang lawak ng laboratoryo dahil nakaya niya kaming akomodahing labing lima. Napalingon naman ako sa kaniya at hinintay na may sumagot.
Nasa gawing kanan ko siya at hindi nga nagtagal ay may sumagot na. "Siyempre, ite-test na naman nila tayo." Sagot niya kaya sa kaniya napunta ang aking paningin. Nagtataka ako kung bakit hindi nagrereklamo sina Mia at Alea kaya nilingon ko ang kanilang hinihigaan.
Napailing na lamang ako nang makita kong nakatulog na silang dalawa kasma ng dalawa pang recruit.
"Diba kinunan na nila tayo ng dugo kanina?" tanong naman ng isa pa sa amin. Mabuti na lamang at slanted ang aming higaan kaya't nagkikitakita parin kami kahit na hindi na namin iupo ang aming mga sarili.
"Baka may natuklasan sila kaya kailangan nila tayong ilipat." Sabi ko naman, tila ba nanghina ako matapos kong sabihin iyon, hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa kanila. Tila ba nagtaka sila dahil siguro sa ngayon lang ako sumali sa mga pinag-uusapan nila pero kaagad din silang bumalik sa kanilang huwisyo.
"Baka." Sabi namn ng isa kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin kaya hindi ko nagawang ilihis ang aking mukha, napakapangit naman siguro kapag iiwas pa ako. Tumango naman ako at ganoon din ang kaniyang ginawa, awkward.
Ilang saglit pa ay sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng laboratoryo nang marinig namin ang paghihiwalaay ng pinto ng silid na ito.
Iniluwa nito ang isang nurse na nakasuot parin ng persoonal protective gear. Mayhawak siyang device at hindi na siya tumayo lamang siya sa gitna bago niya kami tiningnan lahat. "You must be wondering why you are brought here in the upper floor so I am here to show transparency." Panimula niya, sakto lamang ang kaniyang dating upag busogin ang aming mga utak na naghihinaing ng mga kasagutan.
May pinindot siya sa kaniyang device na hawak na parang isang tablet at ilang saglit pa ay ipinagpatuloy na niya ang kaniyang pananalita.
"Earlier this morning, you were all contacted the new virus that was found on a foreign specimen, upon doing research on your blood samples taken the same day, you were all positive of the new virus named Methamphetamine Hydrocloride or Metharide in short." Sabi niya.
Everyone gasped, maging ako ay nagulat sa sinabi ng nurse na nasa aming harapan sa mga pagkakataong ito. Gaya ng nakasanayan namin ay walang nagsalita dahil alam naming hindi pa tapos sa kaniyang sinasabi ang nurse.
"The effects are least to none in your case but in the case of Beth Jeth Maigue is very dangerous, he was turned frozen but luckily, sign of life is still visible." Pahayag niya at ipinakita niya ang kalagayan ng aming kapwa recruit.
Kagaya ng sinabi niya ay nanigas na parang yelo ang buong katawan niya, nakamulat ang kaniyang mga mata ngunit hindi siya gumagalaw. Nakalagay siya sa isang parang incubator na puno ng mga wire sa ilalim nito.
Bukod sa kaniya ay may dalawa pa siyang katbi na nakalagay din sa mga parang incubator. Tinitigan ko lamang ang larawan habang ipinagpatuloy ng nurse ang kaniyang sinasabi.
"This would occur in your bodies in a short matter of time due to the prescence of oxygen. This virus were discovered to be a self defense of the creature it originated from and very vulnerable when induced with oxygen." Paliwanag pa niya kaya nakaramdam ako ng kaba at tiningnan ang aking mga kamay.
"Any questions?" tanong niya at ibinaba niya ang device na kaniyang hawak. "Yes." Itinuro niya ako matapos kong itaas ang aking kanang kamay. "Paano po namin ito maalis sa aming mga katawan?" tanong ko sa kaniya.
I mean, if anyone is in our situation, cure is the first thing that will hit the mind.
"As of the moment the only thing that we know is that nitrogen slows down the effect of the virus and that explains why you all still can move your body without stiffness." Sagot naman niya, nakahinga naman ako ng maluwang dahil sa pagkakaalam ko ay ang Nitrogen ang pinaka dominant sa aming atmosphere.
"Ano po ang mangyayari sa amin kapag tuluyan kaming nanigas?" tanong ng isa sa aking mga kasama, nilingon naman niya siya. "We don't know but your heart won't stop beating." Sagot niya, hindi ko alam kung mapapanatag ba ako o hindi.
"What are we suppose to do? kapag hihiga lang kami rito ay unti-unti rin kaming kakainin ng virus." Kumento ng isa ulit sa aking mga kasama, ngayon ko lang natitigan ang kaniyang mukha at masasabi kong may hitsura siya.
"That's why you are here." Sagot niya, nagkatinginan kaming lahat dahil hindi namin nakuha ang kaniyang sinabi.
Was coming here change anything?
Napalingon kami sa pintuan nang muling bumukas ang pinto at iluwa nito ang isang personalidad na naka suot din ng personal proective gear. Tumabi siya sa nurse at pareho silang tumayo sa aming harapan.
"Good evening everyon, I am Zeith Mackenly, I am here to prupose the new constructed plan for the treatment of your current health." Sabi niya, malalim ang kaniyang boses at sa unang pagkakataon ay nakakita ako ng Variant na kabilang sa pinakamataas na ranggo.
"Firt of all, I am very sorry for risking your young lives but there's nothing to waste, I know y'all are still recruits but we have concluded to finally let you in in the Time Paradox and spend as much as time possible in planet K01 5715.01." Napataas ang aking kilay dahil sa kaniyang sinabi, mas bumilis pa ang t***k ng aking puso.
Ni hindi pa nga ako nakakakita ng Leemur tapos maninirahan pa ako sa planeta nila?!
Mukhang napansin niya ang hindi mapintang ekspresyon sa aming mga mukha dahil kaagad siyang humingi ulit ng paumanhin. "This is the only cure that we could formulate as of the moment, I do believe in our scientists but looking at the time we have, y'all be frozen by the time a cure was formulated." Sabi niya, bumuntong hininga na lamang ako.
This escalated quickly.
"We are risking such talented young recruits if we don't take risk ourselves, be assured that your journey to the planet will be accompanied by three of the most talented squads in our organization." Sabi niya, akala mo naman ay mapapanatag ang aming loob sa kaniyang sinabi.
"Nitrogen is the only existing air in the planet, breathing it for two hours won't do harm to your bodies. Y'all only permitted to planet Earth when a vaccine is finally formulated or the virus destroyed it self with the help of Nitrogen." Sabi pa niya.
Matapos no'n ay tiningnan niya kami na para bang hinihintay niya kung may katanungan ba kami. Lakas loob kong itinaas ang aking kanang kamay at napatingin din sa akin ang aking mga kasama. "Yes?" tanong niya at nakipagtitigan siya sa akin.
"Kailan po kami aalis?" tanong ko sa kaniya, ni hindi ko alam kung paano siya tamang i-address dahil sa aking kaba na nararamdaman. "Tomorrow, same time as of this time." Sagot naman niya at napatingin siya sa device na hawal ng nurse na kaniyang kasama.
Tumango na lamang ako at yumuko, grabe ang bilis ng t***k ng aking puso, parang lalabas na eh!
"Yes?"
Napaangat ulit ako ng tingin nang marinig ko nanaman ang kaniyang boses. Nakatingin siya sa isa sa mga kasama ko kaya nabaling narin sa kaniya ang aking paningin. Sa aking pheripheral view ay nakita kong gising na sina Alea na natutulog kanina.
Baka ginising sila ng kanilang katabi.
"If our safety is mentioned, can we at least know who're these squads that will be accompanying us?" tanong niya, medyo mabagal pa ang kaniyang pananalita marahil narin siguro sa kaba na kaniyang nararamdaman.
Same.
Itinaas niya ang kaniyang kamay hanggang sa kalebel nito ang kaniyang bewang na para bang may hinihingi siya sa kaniyang katabi. Naintindihan naman ito ng nurse at iniabot sa kamay ng Zeith ang device na kaniyang hawak.
Kaagad itong kinuha ni Zeith Mackenly at may pinindot siya dito.
"Squad Buhawi, Squad Leon and Squad Liksi." Sagot naman niya at may pinindot pa siya sa device na kaniyang hawak at tumingin siya sa aming direksyon ng aking katabi. "The movement would be called as Project Erradicate Virus E or in easier words, project EVE." Anunsyo niya sa aming lahat, sigurado naman akong ang virus e na tinutukoy niya ay ang Metharide.
Tumango na lamang kami at nang wala na kaming maitatanong pa ay nagpaalam na silang dalawa sa amin. Ipinaalaala niya na bago kami aalis bukas ay dadaan muna kami sa isa nanamang pagsusuri sa aming mga katawan.
Nabanggit din niya na hindi namin kailangang makipaglaban sa mga panganib na lalapit sa amin, trabaho naraw iyon ng mga squad na sasama sa amin. Ang tanging gagawin lang daw namin doon ay ang magpagaling at ang matuto narin mula sa mga Variant.
Natahimik kaming lahat nang kami na lamang ang naiwan dito sa loob ng laboratoryo, mabilis parin ang t***k ng aking puso dahil sa pagkagulat kung gaano kabilis ang mga pangyayari ngayon. Parang kahapon lamang ay nakikipag away lang kami ni Mia sa grupo ni Sussy.
Ilang saglit pa ay muling bumukas ang pinto ng laboratoryo at may ilang mga nurse na pumasok, masasabi ko kasing Variant ang isang persona kapag may kulay ang colar na suot nito sa ilalim ng PPE na bumalot sa kanilang katawan.
Sa mga nurse o mga scientist kasi ay purong puti lamang.
Habang pinagmamasdan ko silang pumasok ay nakakaramdam ako ng pamamanhid sa aking kaliwang paa kaya nangamba ako, paano kung umeepekto na ang virus?
Huminga ako ng malalim baka sakaling mapabuti nito ang aking nararamdaman ngunit napataas lamang ang aking kilay nang pareho ng mga paa ang namanhid. Bakit ko ba nakalimutan na natri-trigger pala ang virus sa oxygen?
Naglagay sila ng dalawang tangke sa tabi ng aking higaan at tiningnan ko lamang ang nurse na nasa aking harapan. "Para ito sa iyong kalusugan, ang dalawang tangke na iyan ay Nitrogen at Oxygen na kung saan dadaan sa tube na ito, nagpapalit ang hangin na dumadaan dito tuwing dalawag oras." Sabi niya sa akin.
Mabuti naman at ipinaliwanag niya kung ano ang kayang gawin ng ilalagay niya sa aking ilong. Nang maayos na ay umalis na siya sa aking harapan at lumipat pa siya sa iba kong mga kasama. Gusto kong kamutin ang loob ng ilong ko dahil sa nangangati ito pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili.
Kakaiba rin ang pagpasok ng hangin sa aking ilong, para akong nilulunod pero hindi naman talaga. Sa palagay ko ay gumana naman ang Nitrogen dahil nawala na ang pamamanhid sa aking mga paa at bumalik na sa normal.
Inabot din sila ng kalahating oras upang malagyan kaming lahat ng ganito. Matapos no'n ay nagpaalam na sila at lumabas na hila-hila ang pinaglagyan nila ng maraming nagtataasang tangke kanina. Pinatay narin nila ang ilaw at tanging ang mga headlites lamang namin ang nagbibigay liwanag dito sa buong silid.
"Good night everyone!" sigaw ng isa sa amin kaya sinundan naman namin siya, hindi ko nilakasan ang aking boses pero nag good night din ako. Inabot ko na ang kumot ko at pinakiramdaman ang remote ng aking higaan.
Pinindot ko ang pinakamataas na buton dito upang maging patag ang aking higaan. Matapos no'n ay inayos ko na ang aking unan at kinumutan ang aking sarili hanggang sa aking leeg. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakaramdam ako ng pagkakomportable sa aking hinihigaan.
Napakalamig din ng hangin na pumapasok sa aking ilong na mas lalong nagpaantok sa akin. Huminga ako ng malalim mula sa aking ilong bago ito ibinga sa aking bibig at mas idiniin ko pa ang aking ulo sa aking unan.
Sa susunod kasi na gabi ay maaring hindi na maging ganito komportable ang aking pagtutulogan o kung makakatulog pa ba ako kaya susulitin ko na.
Good luck na lang sa akin at sa aming lahat, nawa'y makabalik kami ng maayos na ang kalusugan dito sa planetang aming kinalakihan at sana'y ang kaparehong planeta kung saan kami mamamayapa.
Unti-unti na akong kinain ng kadiliman hanggang sa mahulog ako sa isang malalim at mahimbing na tulog.