CHAPTER 23

2031 Words
Chapter 23: Project EVE Oliver, Itinayo ko muna ang aking sarili matapos ang ilang minutong pagyuko kakalinis sa paligid ng napakalaking punong ito. Habang hawak ng aking kaliwang kamay ang rake na gamit ko panglinis mula sa mga natuyot na mga dahon ay pinunasan ko ang aking noo gamit ang likod ng aking kanang palad. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang buong silid na kung saan ay ipinagawa upang magsilbing green house. Ito ang kakambal na puno ng punong Yggdrasil na matatagpuan sa ibang planeta. Malaki na ito noong inilipat ito mula sa planetang pinagmulan nito. Ang turing lang ng mga naunang Variant noon dito sa punong ito ay isang trophy o simbolo ng tagumpay na pagpunta at pagbalik sa planetang K01 5715.01 hanggag sa magsimulang makatanggap ng audio waves ang katawan ng puno. Noong una'y akala nila ay yumayanig ang kalupaan hanggang sa mapagtanto nilang ang pagyanig ng buong katawan ng puno ay maihahalintulad sa audio waves. Napagdesisyonan nilang lumikha ng device na awtomatikong magsasalin sa sa isang naiintindihang salita ang nasabing audi waves. Ipinag patuloy ko na ang aking paglilinis at sinisiguro kong nakukuha ko lahat ng dahon at naiipon ito sa iisang lugar bago ako lumipat. May awtomatikong parang robot na ginawa para humigop sa mga naimbak na mga dahon. Paikot ako dito sa matabang katawan ng punong ito na sa kalumaan ay lumalabas na mula sa lupa ang mga naglalakihan nitong mga ugat na siyang nagpahirap pa sa aking paglilinis. Nadaanan ko narin ang device na nagsasalin sa mga audio waves kanina, nakapatay ito sa ngayon. Kusa naman itong bumubukas kapag may natanggap na audio waves kaya narin siguro natagalan silang romesponde sa amin noong panahong inatake ang aking buong squad. May mga specialist na nagme-maintain sa kaayusan ng device na nakatuka rito ngunit hindi nila sakop ang paglilinis sa mga dahon na nahuhulog mula sa puno. Sila rin ang nagmo-monitor sa panahon dito, nasa ilalim parin ng lupa ang green house at ginagaya lamang ng mga device na nakakabit sa kisame at ginagaya ang panahon sa labas ng gusali. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paglilinis hanggang sa mahakot na lahat ng robot ang mga natuyot na dahon. Pagkatapos ko doon ay nagpaalam na ako mula sa Zeid na namamahala sa amin dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang mainit na temperatura doon. Mukhang mainit ngayon sa labas. Kaagad naman akong pinahintulutan ng Zeid na nagbabantay sa amin kaya kaagad akong nakalabas mula sa greenhouse. Habang naglalakad ako sa bakanteng hallway ay pinupunasan ko ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo at sa akig leeg. Wala naman na akong ibang gagawin dahil tapos ko na ang naibigay na task sa akin kaya napagdesisyonan kong sumaglit muna sa cafeteria. Nasa kalagitnaan parin kami ng working hours kaya pagdating ko dito ay kaunti lamang ang tao at tila ba ang ilan sa mga namamahala sa cafeteria ay naghahanda na ng mga pagkain para sa tanghalian kahit pa nasa alas diyes palang ng umaga. Hindi si aling Martha ang kumuha sa aking order kaya kinailangan ko pang sabihin ang isang order ng burger with extra cheese at isang coke mismo. Kahit pa madali lang ang aking ginawang task sa araw na ito ay napagod parin naman ako. Okay lang sana kung hindi ganoon kainit doon kanina.  "Salamat." Bati niya nang ibalik niya sa akin ang aking card at hinayaan na niya akong buhatin ang aking tray ng pagkain, ngumiti lamang ako at binuhat na ang tray. Kung susumahin ay kaedad ko lamang ang babaeng iyon. Madali lang akong nakahanap ng bakanteng table kaya kaagad akong komportableng naka upo at binuksan ang aking inumin. Pinawi ng malamig na inuming ito ang aking uhaw at nanuyong lalamunan at isinunod ko namang namang inangat mula sa munting platito ang aking hamburger.  Kinailangan ko pang gamitin ang tissue na kasama ng aking order upang punasan ang gilid ng aking mga labi dahil sa juice na inilabas ng aking pagkain ng kinagat ko ito.  Kagaya ng dati ay walang pinagbago ang lasa nito at talaga namang napakasarap parin, ewan ko ba't hindi ako nagsasawa sa pagkain na ito at habang tumatagal ay tila ba mas lalong sumasarap! Sinulit ko na lamang ang aking pagpapahinga dahil nang saktong matapos na akong kumain ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking Zeid. Kaagad akong tumayo ay ibinalik ang tray sa mga nagtatrabaho dito at paglabas ko ay ibinasura ko na ang hawak kong bote. Kaagad akong naglakad sa hindi mataong hallway papunta sa elevator pataas sa isa pang palapag dahil doon naka pwesto ang aming opisina. Sinolo ko lamang ang elevator kaya tahimik ako nang paglabas ko, hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Hanggang sa marating ko ang aming monting opisina. Inilagay ko na ang passcode na muntikan ko pang malimutan, hindi pa kasi ako sanay na ito ang passcode na ginagamit. Pagbukas ng pinto ay kaagad akong pumasok sa may kalawakang silid. Npatingin sa akin ang aking mga kasama ngunit hindi sila nagbitaw ng sakita kundi sininyasan lamang ako ni Henry nang makita ko siya na umupo sa kaniyang tabi. Hindi na ako tumanggi dahil hindi ko pa naman nakakausap ang iba sa kanila. Pagka upo ko ay napansin kong wala pa si Zeid Quias kaya napalingon ako kay Henry. Nagkibit balikat siya kahit na hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Pinanatili namin ang katahimikan hanggang sa tuluyan nang pumasok ang aming squad. Tumayo kami at sinaluduhan siya habang siya'y aglalakad sa kaniyang upuan sa gitna ng pahabang mesa. Bago siya umupo ay ibinaba niya muna ang folder na kaniyang hawak at tiningnan kami bago niya kami sinaluduhan pabalik. Ibinaba na namin ang aming mga kamay at hinayaan namin na siya ang maunang maupo bago kami.  "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kaya ko kayo ipinatawag ay dahil sa naatasan tayo ng bagong proyekto." Sabi niya at binuksan niya ang folder na nasa kaniyang harapan. Mula sa aking kinauupuan ay nakita ko ang nakasulat dito sa pinakamalalaking font. "Inatasan tayong gabayan at protektahan ang mga recruit two thousand fifty sa panahon na kanilang gugugulin sa planetang K01 5715.01 upang tuluyang magpagaling sa kanilang mga natamong sakit." Sabi niya, sa aking pagkakatanda ay kasama rito si Eunece. Bakit kailangang sa ganitong paraan pa ang muli naming pagkikita? "Sigurado naman akong alam niyo na ang tungkol sa virus na Methamphetamine Hydrocloride o Metharide na natuklasan mula sa specimen na nakuha mula sa nilalang na nakasagupa ninyo." Sabi pa niya at itinuro niya ako nang banggitin niya ang kaniyang huling salit. Tumango naman ako at napansin kong napatingin sa akin ang mga mata ng ilan sa aking mga kasama. "Ang proyektong ito ay may layuning erradicate virus e o EVE, ang ating magiging katungkolan ay ang protektahan ang mga recruit habang sila ay nagpapagaling mula sa virus. Walang ibinigay na eksaktong panahon kong hanggang kailan tayo doon sa planetang iyon ngunit ang binanggit lamang ay hanggang sa naka develop na sila ng lunas o dikaya'y natural nang gumaling ang mga recruit." Kaagad ko namang naintindihan ang lahat ng layunin ng aming magiging pagpunta sa planetang iyon. Muli akong makakapak sa lupain nito at nawa'y hindi maulit ang nangyari sa aking dating squad noon. "Ang oras ng ating pag-alis ay bukas, eksaktong ala una ng tanghali." Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at isinara ang folder. Tumayo rin kami at nang makitang sumaludo siya ay kaagad din kaming sumaludo. "See you tomorrow." Madignidad na sabi ng aming Zeid at ibinaba na niya ang kaniyang kamay na kaagad naman naming sinundan. Pinanood namin ang pag-alis niya mula dito sa loob at ang muling pagsara ng pinto at pagsakop ng katahimikan dito sa silid na ito. Binasag ng isa sa aking mga kasama ang katahimikan nang bigla niya akong tanungin sa kung ano ang nagyari noon sa aking squad. Hindi naman nila ako pinipilit pero mas pinili ko na lamang na sagotin ang kanilang mga katanungan hinggil dito. "So may bago tayong kalaban?" tanong ng isang babae at nakahawak sa dulo ng kaniyang baba matapos nilang pakinggan ang aking pagsasalaysay sa mga nagyari bago nawala ang aking buong squad at noong binihag nila ako. Hanggang ngayon ay hindi pa gising ang babae at ibinilin rin nila sa akin na wala akong ibang pagsasabihan tungkol sa bagay na ito kaya nilagpasan ko ang sinaryo kung saan binigyan ako ng babae ng isang punong tangke ng oxygen. "Mukhang ganoon na nga." Sagot ko naman habang inaalala ang hitsura ng nilalang na aming nakasagupa. Inilahad ko narin sa kanila ang naiiwan pang pisikal na imahe ng nilalang sa aking utak upang magkaroon naman sila ng ideya sa kung ano ang kanilang makikita kung magpapakita silang muli. Tumango naman sila nang matapos na kaming mag-usap at naisipan na naming umalis na sa opisina, may mga ginagawa pala silang iniwan ng hindi tapos upang maka dalo lamang sa emergency meeting na ito. "Kita-kita na lang tao bukas." Sabi ng isang lalaki na pakiramdam ko'y mas matanda sa akin, napakalawak din ng kaniyang ngiti na animo'y aabot na sa kaniyang tenga. Tumango lamang ako habang ang ilan ay sumagot ng sige. "Ano na ulit ang mga pangalan nila?" tanong ko kay Henry habang nakasakay kami sa eleavtor pababa sa palapag na pinanggalingan ko kanina. Tiningnan niya ako at tila ba hindi niya alam ang kaniyang gagawin kong dapat ba siyang tumawa o ano. Bumuntong hininga na lamang siya at inisa-isang ipaliwanag ang hitsura ng aming mga kasama kasabay ng pagbanggit niya sa mga pangalan ng mga ito. "Darryl Baldo ang pangalan ng lalaki kanina na nakangiti samantalang ang babae naman na nasa kaniyang gawing kanan na short hair ay Suzane Reyes ang pangalan habnag ang isa pang babae na nasa tabi ko kanina ay si Darlene Sarmiento."  Inaalala ko ang kanilang mga mukha habang binabanggit niya ang mga pangalan ng aming mga kasama. Tumango naman ako nang matapos niyang banggitin ang pangalan nilang tatlo, sila lang kasi ang hindi ko natandaan ang pangalan. "Kita na lang tayo bukas."  Nagpaalam na kami sa isa't-isa at tinahak na ang magkaibang hallway pagkalabas namin sa elevator. Tapos ko na ang aking ginagawa kaya bumalik na ako sa aking silid upang maghanda ng aking kakailanganin. Gaya nga ng sinabi kanina ng aming Zeid ay walang kasiuraduhan kong hanggang kailan kami doon kaya dapat lang na makapagdala ako ng sapat na saplot pang ibaba, ang iba pang kailangan namin ay ang mga nagtatrabaho na sa organisasyon ang bahalang maghanda para sa amin. Sila narin ang pipili ng rover na aming sasakyan at ang maglalagay ng mga kagamitan sa loob nito. Sigurado akong maraming rover ang aming gagamitin kung kasama lahat ng buong recruit two thousand fifty. Makalipas ang ilang oras ay inihiga ko na ang aking sarili at ipinikit ang aking mga mata. Muli na naman akong papasok sa tume paradox at aapak sa lupain ng planetang iyon ng hindi pumapasok sa mirror dimension. Bumuntong hininga ako at humihiling na nawa'y walang magsasakripisyo ng buhay sa amin at lahat kami'y makkabalik sa mundong ito ng ligtas at kompleto pa. Alam ko naman na may dalawa pa kaming makakasamang squad pero kinakabahan parin talaga ako matapos ng aking naging huling karanasan. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at isinara na ang aking isipan, hindi ko namang gugustuhing magpakain sa mga negatibong kaisipan bago ako sumabak sa isa na namang digmaan. Nang kumalma na ang aking isipan ay tumayo na ako mula sa kamang hinihigaan ko at nagtungo sa aking banyo upang maghilamos. "Kaya mo 'to!"  Pagbibigay kompyansa ko sa aking sarili at tuluyan nang binasa ang aking mukha at naghilamos na. Bukas ay haharap ako sa aking mga kasama ng may kompyansa at lakas ng loob. Nakadama naman ako ng pagkatuwa ng pumasok sa aking isipan ang kaisipang magkikita kaming muli ni Eunece. Parang may parte sa aking puso na namiss siya. Pinunasan ko na ang aking mukha upang matuyo ito at lumabas na ako sa aking banyo. Kinuha ko ang aking vector sa ibabaw ng cabinet na malapit sa pinto at dinala ito hanggang sa aking mesa sa tabi ng aking higaan. Panibagong adventure nanaman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD