CHAPTER 24

2122 Words
Chapter 24: On the Way Eunece, Maaga kaming nagising mula sa aming mahimbing na pagkatulog nang may dalawang nurse na gumising sa amin. Muli kong pinindot ang remote ng aking hinihigaan upang tumaas ang kalahating parte nito at nang komportable akong makaupo. "Magandang umaga." Bati ng isang nurse na sa hula ko ay isang babae mula sa kaniyang boses. Binati rin namin sila pabalik habang kinukusot ko ang aking kaliwang mata. Nakatayo sila sa aming harapan at sa katabi nila ang isang trolley na may mga aparatus na nakapatong. "Naririto kami ngayon para kunan kayong muli ng dugo para sa huling test sa inyo bago kayo pumunta sa blue planet." Sabi pa niya habang hawak niya ang siang tube. Blue plante pala ang tawag nila sa planetang pupuntahan namin, base naman sa mga larawan na ipinakita ni Zeid Lolita ay ma asul nga ito pero kapansinpansin parin ang mapulang lupain nito. Ilang saglit pa ay naghiwalay ang dalawang nurse at sinimulan na nila ang pagkuha ng dugo sa amin. Tanging ang mahinang tunog lamang mula sa mga aircon ang nagpapaingay dito sa laboratoryo dahil sa kaming lahat ay tulog pa ang mga dugo. Pinapanood ko lamang kung paano nila tusukin ang mga dulong bahagi ng mga hintuturo ng aking mga kasama. Parang nangangati tuloy ang sa akin, pilit kong hindi makaramdam ng kaba at iniisip na hindi naman iyon masakit. Hanggang nga sa makarating na ang isang nurse sa akin. Naningkit ang aking mga mata nang makilala ko ang mukha niya, kaagad akong lumingon kay Alea na ka row ko at saktong naatitig rin siya sa akin.  Pinanlakihan ko siya ng mata at mabilis na tiningnan ang nurse gamit lamang ang aking mga mata. Tila ba nadismaya naman ako nang hindi niya ako naintindihan kaya nang hinarap ko na ang nurse ay maikli na lamang akong ngumiti. Nginitian din niya ako bago niya pinahiran ng bulak na binasa ng alcohol. Nasa pagitan ngayon ng kaniyang kanang hintuturo at hinlalaki ang sa aking hintuturo at sa isa pa niyang kamay ay hawak niya ang isang karayom. Huminga ako ng malalim at tumingin sa aking gawing kaliwa upang hindi makita kung paano niya itusok ang karayom. Napapikit na lamang ako nang makaramdam ako ng panandaliang hapdi sa aking daliri na kaagad na napawi at biglang nangati. Nang lumingon na ako sa aking harapan ay naipahid na niya ang aking dugo sa isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko parin maalala ang pangalan. Kaagad kong hinawakan ang aking daliri nang pakawalan na niya ito at nang mailigpit niya ang mga gamit niya ay lumipat na siya sa recruit na nasa aking tabi. Muli kong tiningnan si Alea pero hindi na siya nakatingin sa akin kaya sinundan ko na lamang ang direksyon ng kaniyang tingin at nakitang pinapanood niya kung paano mangasim ang mukha ni Mia nang itusok na sa kaniyang daliri ang karayom. Napatawa ako ng tahimik lamang at napailing na lamang. Matapos nila kaming kunan ng mga dugo ay umalis na sila at sumunod naman na pumasok makalipas ang sampung minuto ay ang dalawang persona na nakasuot parin ng kanilang mga PPE at may tulak din silang mga trolley. "Ito ang inyong huling kakainin bago kayo umalis." Sabi ng isang babae na may edad na base sa kaniyang pananalita. Tumango na lamang kami, hindi naman sa nagugutom na ako pero nasanay na ang aking katawan na sa tuwing umaga ay kumakain ako ng almusal. Ang kasama niya ay ang siyang tumulong sa aming ilagay ang maliit na mesa sa aming harapan. Ikinonekta niya ito mula sa kabilang gilid ng aking higaan papunta sa kabila pa.  "Salamat po." Sabi ko, tumango lamang siya at lumipat na sa kabila. Matapos nga no'n ay nagsimula na nilang ilagay sa aming harapan ang isang mangkok ng lugaw. Hindi ko namalayan na kinakargahan na pala ng kasama ng lalaking naglagay g mga mesa sa aming harapan ang mga mangkok na nasa ilalim ng kaniyang trolley. Hinintay nila kaming matapos kaya naakahiya naman kong mag inarte pa ako, kaagad ko nang inangat ang aking kutsara at hinalo muna ang lugaw na nasa aking harapan. Inamoy ko ito bago ko tuluyang tinikman. Napatango naman ako bilang pag approve dahil sa nasarapan ako sa lugaw. Maganda ang pagkakaluto, simple ngunit mayaman sa lasa. Mainit-init pa ito kaya sa mga tatlong beses na pag subo ko ay kinakailangan ko na muna itong ihipan bago kainin, mahirap na't baka mapaso pa ang aking ngalangala at dila.  Pagkatapos ng mainit na almusal ay binigyan nila kami ng hindi malamig na tubig na inumin. Matapos ang higit sa isang oras na pagaalmusal ay nakalabas na sila sa wakas mula sa laboratoryo habang iniwan nila kaming busog. Nagpalipas muna kami ng ialng minuto bago muling nag ingay at nag-usapusap sa mga bagay na hindi naman gaanong kaimportante gaya na lamang ng mga bagay na kanilang na mimiss at kung ano-ano pa na hindi naman gaanong kainteresado. Ilang oras din kaming ganoon at nang walang bumibisita sa amin hanggang sa mapatingin ako sa orasan sa pader ng laboratoryo ay nakita kong malapit na palang mag alas nwebe ng umaga. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto ngunit wala paring bumibisita sa amin. Mukhang abala pa sila sa pag eeksamin sa mga dugo na kinuha nila sa amin kaya nagkibit balikat na lamang ako at nakipag-usap na lamang sa aking mga kasama. Parang naging komportable narin ako sa pakikipag palitan ng kwento sa kanila at ganoon din si Mia. Natahimik na lamang kami nang may isang persona ang pumasok sa aming silid at kaagad na tumayo sa aming harapan.  "Magpalit na kayo." Anunsyo niya na sa sobrang lakas ay sigurado akong dinig namin lahat. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya kaya kaagad kong hinawakan ang aking vector at pinindot ito ng tatlong beses. Inalis ko muna ang tube sa aking ilong at tumayo mula sa aking higaan bago ko pinindot sa ikaapat na pagkakataon ang aking vector. Naramdaman ko na lamang ang pagbalot ng makapal na tela sa aking buong katawan. Hanggang sa tuluyan ko nang maisuot ang PPE sa aking katawan at pinatungan nito ang unipormeng suot ko kahapon pa. Para bang nanibago ako sa aking suot at ganoon din ang aking mga kasama dahil panay ang hila nila sa kanilang mga suot. Sinigurado muna ng lalaking nasa aming gitna na tama ang aming pagkakasuot sa mga PPE at nang makasiguro na siya ay pinasunod na niya kami sa kaniyang likuran. Wala akong nakitang ibang mga Variant at tila ba wala ni isang tao ang makikita rito. Baka kasi pinaalaman na nila ang mga ito upang bigyan kami ng mas malawak na lalakaran at para narin maiwasan ang pagkakahawa. Tinakahak nga namin ang tahimik at bakanteng hallway papunta sa kung saan man ngunit alam kong oras na para kami'y umalis. Bumuo kami ng dalawahang pila at pinanatili ang katahimikan habang kami'y naglalakad. Ilang pag liko rin ang aming ginawa hanggang sa matanaw ko ang isang silid na ang kalahati ng pader nito ay gawa sa salamin kaya habang papalapit kami rito ay nakikita ko kung ano ang nasa loob nito. Napakalawak at tila ba isa itong garahe dahil nakikita ang ilan sa mga tubo at hindi rin ito pininturahan ng puti. Tanaw ko rin mula rito sa labas ang katabi nitong parang laboratoryo rin dahil sa marami akong nakikitang mga siyentipiko. Pumasok nga kami sa malawak na silid na ito at nakita ko ang napakaraming rover, halos mapanganga ako habang pinagmamasdan ang mga nakaparkeng high tech na mga sasakyan. Ito ang unang pagkakataon na naka kita ako ng ganito kaya ganito na lamang ang aking pagkamangha. Dinaan namin ang nasa higit isang daan na mga rover na naka park at hindi pa ginagamit, napakunot na lamang ang aking noo nang makita ko ang isang parang rover ngunit napakahaba at napakalaki. Para itong pinagdikit na dalawang public bus sa sobrang taba! "Welcome abord to the Rover 2.0!" bati ng isang boses na hindi ko nakikita kong saan nagmumula pagpasok namin sa sasakyang ito. Hindinparin naaalis ang kunot sa aking noo dahil sa inaalala ko kung ano na nga ba ang tawag sa ganitong estilo ng sasakyan. Tila ba ipinasadya ito upang maging isang tahanan ngunit sa loob mismo ng sasakyan. Pinaupo nila kami sa eksaktong bilang ng bakanteng upuan sa harapan at kaagad na may seatbelt na bumalot sa aking katawan, nagulat pa nga ako. Ilang saglit pa ay naisipan kong tumingin sa bintanang nasa aking tapat at napansin ang mga Variant na sumasakay sa mga rover, mukhang sila ang tatlong squad na sasama sa amin. "Oliver?!" tanong ko sa aking sarili at napahawak pa ako sa bintana nang makita ko ang pagmumukha niya habang hawak niya ang kaniyang sandata, mukha sniper iyon ah! Hindi niya nagawang lumingon sa aking direksyon kaya't pinanood ko na lamang ang kaniyang pagsakay sa kanilang rover, under pala siya ni Zeid Lolita? Kaagad akong lumingon sa aking harapan nang bigla nang umandar ang aming sinasakyan, ang lalaking sumundo pala sa amin ay ang siyang magmamaneho sa bersyon ng rover na ito. Habang inililiko niya ang sasakyan ay napansin ko ang pagtaas ng dingding ng garahe. Tumaas ito ng tumaas hanngang sa tuluyan kong makita ang isa pang silid at dito ay may nakita ako ilan pang mga tao at kaagad na umagaw sa aking atensyon ang mga nagtatabaang mga wire na nang sinundan ko kung saan patungo ay napanganga na lamang ako. Nasa aking harapan ang tatlong mistolang pabilog na disenyo ng time paradox at parehong nakabukas! Parang pinaghalong mga kulay ang nakikita ko sa gitna nito. May mga nagaanunsyo sa labas dahil ang ilan sa mga tao ay nakahawak ng mga megaphone habang may suot na headphone. Parang sa mga paliparan lamang. Pumwesto sa harapan ng aming sinasakyan ang isang rover at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagpesto ng isa pang over sa aming tabi. Nasa gawing kanan kasi ako ng sasakyan, kung tama ang aking hinala'y nasa kabila ang isa pang squad na lulan din ng rover. Hindi ko nakikita ang mga lulan nito dahil sa tinted ang mga bintana pero siguro'y nakikita nila ang sasakyan namin dahil nakikita ko rin ang sa kanila. "Prepare for take off." Anunsyo ng aming driver kaya kaagad akong sumandal sa aking upuan at hindi na alam kung saan hahawak. Mabuti na lamang ay nakita ko ang ginawa ng aking katabi nang hilahin niya ang isang hawakan sa likuran ng upuan na nasa kaniyang harapan. Kumapit ako doon na para bang dito nakataya ang aking buhay habang pinapanood ang unti-unting pagkawala ng mga gulong ng mga rover na kasama namin. Ganoon din kaya sa amin?! Nang tuluyan nang nakalutang ang rover na nasa harapan namin ay bigla na lamang itong bumulusok at pumasok sa time paradox. Para bang isang butil ng tubig lamang na pumatak sa isang batya na puno ng tubig ang hitsura nito. Nakarinig ako ng countdown at ramdam ko rin ang pag abante ng aming sinasakyan. Hanggang sa bigla na lamang kaming higupin ng time paradox at akala ko'y hihiwalay na ang aking kaluluwa. Napasigaw ako ngunit kaagad kong itinikom ang aking bibig at hinayaan na lamang na dumiin ang aking ulo sa sandalan ng aking inuupuan. Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa hawakan at hindi ko alam kong mababali ko na ba ito. Malalim ang hugot ng aking hininga nang mas bumagal ang takbo ng aming sasakyan at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang may bumagsak na plastik sa aking harapan, konektado parin ito sa kisame ng rover na ito. Tinitigan ko muna ito dahil hindi ko alam kung para saan ito ngunit kaagad ko ring napagtanto nang bigla akong makaramdam ng pagbaliktad ng aking sikmura. Kaagad kong inalis ang hood ng aking suot na PPE at kaagad na itinutok sa aking bunganga ang plastik. Nagmistulang mga uwak ang lulan ng rover 2.0 dahil lahat kami'y napasuka. Grabe! Pinunasan ko na ang aking mga labi at muling sumandal sa aking upuan, tila ba nanghina ako at wala nang natirang enerhiya pa sa aking katawan. Napalingon ako sa bintana at pawang kadiliman ang aking nakikita maliban sa ilaw ng rover na aming kasabay. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at muling inayos ang upo nang sabihan kami ng driver na magpalit ng uniporme. Kaagad niyang idinisplay sa aming harapan ang isang uniporme na maihahalintulad sa mga suot ng mga astronauts. Kaagad kong inalis ang vector sa aking dibdib at itinutok ito sa uniporme. Mabilis naman nitong na analyze ang damit kaya nang pindutin ko ito nang limang beses ay kaagad na nagbago ang aking kasuotan. Isinandal kong muli ang aking katawan at napahawak na lamang sa aking noo. My god!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD