Chapter 25: Intergalactic
Oliver,
Hawak ko ang buton sa gilid ng aking helmet habang naglalakad ako dito sa hindi gaanong patag na lupain ng planetang ito. Nagmamasid ako sa aking paligid habang hawak ng isa kong kamay ang strap ng aking baril na nasa aking likuran.
Habang abala kami sa pagsusuri sa lupain ay abala naman ang mga recruit sa loob ng rover 2.0 na nag-aaral kasama ang aming Zeid. Ginawa nila itong isang pagkakataon upang mas maituro ng maigi sa kanila ang pamamaraan ng pag survive sa planetang ito.
Hindi na lamang sila nakakakita ng mga larawan ng mga bagay na makikita rito dahil nasa harapan na nila mismo ang mga bagay na ito.
Wala pa naman akong natatanggap na inpormasyon sa aking mga kasama kaya ibinaba ko na muna ang aking kamay at pinakawalan ang buton. Ibinulsa ko na muna ang aking kanang kamay habang naglalakad ako sa tabi ng rover na ito.
Hindi ako gaanong kalayo rito pero pinapanatili ko parin ang distansya sa pagitan namin ng napakalaking sasakyang ito.
Pagdating kasi namin rito ay kaagad kaming bumamaba mula sa aming mga rover at pinalibutan ang sasakyan na naglululan sa mga recruit habang naghahanap kami ng mataas na lugar upang doon mag camp.
Hindi gaanong tahimik rito dahil panay sa pag alulong ang mga Leemur pero mabuti na lamang ay wala pang sumusugod sa amin. Ilang oras narin kaming naririto pero wala pa ni isang lumalapit sa amin na mga kalaban.
Inaasahan rin namin ang pagdating ng mga nilalang na bumihag sa akin noon pero malugod kong hinihiling na sana;y hindi nila maisipang lumitaw.
Pero sa tingin ko'y malabo iyong mangyari dahil alam kong may galit na sila sa race namin, baka nga pinag-iisipan narin nilang salakayin ang aming mundo. Kung ganoon man ay nakahanda naman kaming mga Variant at mga siyentipiko.
Sigurado naman akong naipaalam na nila ang tungkol sa isyong ito sa ETHER, sana lang.
Alerto ako sa aking kapaligirian at sa di kalayuan ay ang isa pang Variant na nakasunod sa akin, may kahabaan kasi ang sasakyang binabantayan namin kaya may kalakihan ang agwat namin sa susunod na mga Variant.
Salitan ang pagbabantay na ginawa namin, anim kada labin dalawang oras. Nagkataon naman na ako at si Suzane ang napasama sa unang magbabantay. Dalawang Variant mula sa bawat squad ang bumubuo sa anim na magbabantay sa rover 2.0 sa loob ng kalahating araw.
Hindi naman namin ginagamit ag mga jumping boots namin dahil hindi naman namin kailangan ang mabilis na paggalaw, minimal lang kasi ang takbo ng sasakyang ito dahil narin siguro sa bigat at haba nito.
Sa katunayan ay ngayon ko lamang ito nakita, ni hindi ko nga alam na nakagawa sila ng ganitong kalaking rover. Kadalasan naman kasing kasya na ang anim na miyembro ng isang squad sa isang normal na rover.
Nagkibit balikat na lamang ako at mas hinigpitan pa ang hawak sa strap ng aking baril. Nasa tabi ako ng nguso ng sasakyan at may isa pang Variant na naka posisyon sa mismong harapan ng sasakyan. Samantalang ang aming mga rover na sinakyan ay nakapwesto sa ibabaw ng rove na ito.
Abala rin sila sa pagmamasid sa mas mataas na anggulo.
Napahikab pa ako dahil sa nababagot na ako sa aking paglalakad hanggang sa nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Kaagad akong lumapit kay Zeid Quias nang tawagin niya ako mula sa radyo.
Nakakabit ang mga ito sa aming likuran at ang earpeace na dalawa ay nasa aming tenga upang marinig namin ang sasabihin ng isa't-isa at meron din kaming mikropono malapit sa aming mga bibig.
"Titigil na muna tayo sa isa sa mga lupa kung saan makikita ang mga blue stone, maghanda kayo sa paglabas nila." Sabi niya sa akin. Kaagad naman akong tumango at kaagad na kinausap ang aking mga kasama.
Tumango naman sila at lumapit na kaagad sila sa akin at naghintay kami sa may pinto. Bumuo kami ng bilog at lahat kami'y nakatingin sa labas hanggang sa muling bumukas ang pinto ng sasakyan at nakarinig ako ng sunod-sunod na pagtalon sa lupa.
Tila naging tour guide ang aming zeid habang ang mga recruit na tinuturuan niya ay puro mga anak ng mga importanteng pamilya at kami ang mga gwardyang nagbabantay sa kanila habang sila'y natututo.
Pinalibutan namin sila at hindi parin maproseso ng aking utak na hindi sila nakasuot ng kahit na ano mang space suit. Ang pagkakaalam ko ay purong Nitrogen ang hangin dito at walang kahit na isang pursyentong Oxygen.
Hindi naman nababahala ang Zeid na nangunguna sa kanila kaya hindi ko narin sila inintindi at nag pukos na lamang sa kapaligiran. Baka may biglang dumating na Leemur at lamunin silang lahat, sayang naman ang susunod na henerasyon nila.
Mula sa aking likuran ay kinuha ko ang aking baril at ngayon ay hawak-hawak ko ito at nakatutok sa lupa. Inihanda ko lang dahil mas vulnerable sila ngayon dahil nasa labas sila.
Gaya nga ng sinabi ni Zeid Quias ay tumigil kami mula sa pinagkukunan namin ng mga blue stones. Mas nilakihan naman namin ang bilog na aming ginawa upang bigyan sila ng spasyo habang nagtuturo ang aming Zeid at para narin mas maging malawak ang aming range.
Kapansinpansin naman mula sa mga ekspresyon ng mga recruit ang pagkamangha nang panandalian akong lumingon sa kanila. Maging ako ay natatandaan ko pa noong unang beses akong makakita ng tunay na blue stone.
Halos gusto kong itago iyon sa silid ko eh!
"10 o'cklock, any suspicious movements?" tanong ko sa aking kasama nang mapansin ko ang bigla niyang pag alerto. Hinihintay ko ang kaniyang sagot kaya nakahawak parin ako sa buton sa aking helmet na nasa tapat ng aking tenga.
"Alert Zeid Quias to return the recruits immediately, a normal Leemur is approaching!" mabilis ngunit malinaw niyang sabi kaya kaagad akong napalingon sa mga recruit na abala parin sa kanilang ginagawa.
"Zeid, alert from 10 o'cklock." Sabi ko at napalingon naman sa akin ang aking Zeid habang hawak niya ang isang blue stone. Napalingon din siya sa direksyon na sinabi ko bago niya pinagtulakan ang mga recruit na kasama niya.
Mabuti na lamang ay hindi gaanong kalayo ang rover at kaagad silang nakasakay. Nag sinyasan naman kaming naririto sa labas na lumapit sa rover 2.0, mabilis ang pagtakbong ginawa namin upang makapag handa kaagad.
Umabante ang mga kasama ko na pang malapitan ang mga baril samantalang ako ay umakyat ako sa gilid ng rover papunta sa bubungan nito. Napatingala pa ako nang umabante rin ang mga rover na nasa aking harapan at kitangkita ko kung paano lumitaw ang dalawang baril sa bawat rover.
Dumapa ako at sumilip sa day scope ng aking baril, isa akong sniper kaya nasa sa akin ang unang bala. Tila ba nagwawala ang Leemur na ito at mabilis ang kaniyang pagtakbo patungo sa aming direksyon.
"Everyone in position?" tanong kos a lahat ng aking kasamang naririto sa labas, ako kasi ang commanding officer nila ngayon.
"Positioned!"
Sabi nilang lahat kaya tumango ako kahit hindi nila ako nakikita. Tumigil sa pag abante ang rover 2.0 at ako naman ay naghahanda nang pindutin ang trigger. Nagbilang ako ng isa hanggang tatlo at eksaktong iminulat ng Leemur na ito ang gitnang mata niya.
Kaagad kong pinindot ang trigger ng aking baril ng nag target lock na at naghintay ako ng dalawang segundo at nakakita na ako ng panandaliang pagliyab na may kasabay na malakas na alulong.
Ngayong nabulag na ang isa nitong mga mata, dito naman papasok ang aking mga kasama. Ginamit na nila ang kanilang jumping boots at mabilis na nagpatalon-talon upang makalapit pa sa Leemur.
Habang papalapit sila ay tuloy-tuloy ang pagpapaputok ng mga rover sa Leemur na halos balutin na ng usok. Kinakabahan ako dahil sigurado akong magiging sunod-unod na ang pag lapit ng mga Leemur sa amin dahil sa ingay ng isang ito.
Naka silencer ang lahat ng aming mga baril upang kontrolado lamang ang ingay na aming nililikha, sensitibo kasi sa ingay ang mga malalaking nilalang na ito. Habang patuloy sila sa pagpapaputok ay nakasilip lamang ako sa aking day scope.
Napansin ko naman mula sa likuran ng isang ito ang isang maliwanag na bitak, ito ang matagal nang hinahanap ng aming buong organisasyon at maging ang ETHER!
Ang bitak na nagsimula ng lahat!
Nabalik ang aking atensyon sa Leemur na kinakalaban namin nang makatanggap ako ng panibagong permission to shoot. Hindi kasi ako basta-bastang magpaputok dahil sa baka aksidente kong matamaan ang aking mga kasama.
Halos maalis na ang talukap ng isa pang malakig mata ng Leemur kaya wala na siyang gamit upang protektahan ito. Kaagad kong pinindot ang trigger ng aking baril at kaagad na lumabas ang espesyal na bala sa aking armas.
"What are you aiming for?!" halos mabingi ako ng sigawan ako ng isa sa aking mga kasama. Ganoon din ang iba kaya napapikit na lamang ako, sila na mismo ang tumapos sa Leemur. Kaagad akong tumayo mula sa bubungan ng rover 2.0 at pinindot ang buton sa aking helmet.
"Re-group immediately, now!" utos ko sa kanila nang muli kong makita ang anino sa ilalim ng liwanag ng dalawang buwan.
"Now, now, now!" ilang ulit ko iyong sinabi at kaagad na lumuhod at tumingin sa aking day scope. Halos mapamura ako sa gulat mula sa hitsura nit kaya kaagad akong nagpaputok. Tiningnan ko naman ang aking mga kasama at mabilis naman silang nakakalayo mula rito.
Mabuti na lamang ay kaagad kong nakikita ang tangka nitong pag abot sa mga paa ng aking mga kasama sa tuwing tatalon sila paitaas.
"Bakit mo kami pinabalik?!" naiinis na sabi ng isang lalaking Variant na mula sa kabilang squad, kahit ganoon pa man ay sinunod parin niya ang aking sinabi.
"Look at that shit."
Kinalabit kong muli ang aking baril at tumama ito sa katawan ng nilalang na sumusunod kanina sa kanila. Mula sa panandaliang apoy ng pagtama ng bala sa katawan nito ay nakita nila ang aking tinutukoy, halos mapaatras sila mula sa kanilang kinatatayuan.
"Zeid, kindly turn on the light in North due 29." Dinig kong sabi ng isa sa amin at ilang saglit pa ay nagliwanag ang lugar kung saan nakahandusay ang durog na katawan ng nilalang na iyon.
Kulay itim ito kaya nag hindi nila kaagad nakita. Ang aking dayscope ay ipinasadyang magkaroon ng night vision kaya kaagad kong nakita ang paglapit nito.
"I never miss." Sabi ko sa kanila nang lapitan namin ang katawan ng nilalang. Bumaba rin ang mga rover na aming sinasakyan. Hindi na namin ito nagawang nasuri dahil nakaramdam kami ng mabibigat na yapak kaya't inilagay na lamang nila ito sa isang glass container na sakto ang laki para dito.
Hanggang bewang lang siguro ang laki nito at mukha itong palaka na elepante na hindi ko alam, halos mabalot din ng lumot ang katawan nito at may masangsang na amoy.
Kaagad kaming sumakay sa kaniya-kaniya naming mga rover at kasabay ng rover 2.0 ay lumipad kami paitaas. Hindi namin kayang mag aksaya ng mga bala sa iisang oras palang na pananatili namin dito. Minsan ay nagkakaroon kasi ng domino effect ang isang beses na pagpatay namin sa isang Leemur.
"Sorry for doubting your lead." Sabi ng lalaking galit sa akin kanina lalo na noong akala niyang nag mintis ako. Nakalapag na kami rito sa tuktok ng isang mataas na bundok na wala kahit isang puno at dito na namin napag desisyonang gumawa ng camp.
Ekwakto namang may kweba na sa sobrang laki ay nagkasya lahat ng aming sasakyan. Ipinasadya ang rover 2.0 upang mag mistulang bahay.
Nagpatayo naman kami ng tent para sa aming mga squad at sa labas ng rover 2.0. Pinatay na nila ang mga makina ng mga rover at lumitaw muli ang mga gulong ng mga ito. Habang nag-aayos ang ilan sa aking mga kasama ay kasama ko ngayon dito sa labas ng kweba ang tatlong Zeid.
"I saw it, the Imperfection." Sabi ko sa kanila at kaagd kong nakuha ang kanilang atensyon. "Where?!" tanong ng isang Zeid na nasa edad narin ng aking Zeid. Umiling naman ako dahil hindi ko alam ang direksyon nito.
"I just saw it, for a mere second." Sagot ko naman, napabuntong hininga naman sila na para bang nadismaya sila.
"Then we must look for it, we'll be here for a long time." Suhestyon ni Zeid Quias at sumang-ayon naman kaming tatlo pang kasama niya.
"It's been a long time since the discovery of that opening, the start of all." Sabi pa ng isang Zeid na nasa aking kaliwa habang inaalala niya ang kaniyang pagsisimula bilang Variant. Lahat kaming naririto ngayon ay mga descendant na ng mga naunang mga Variant.
Lahat ng ito ay nagmula sa unang nuclear reactor na nadevelop ni Sir Fermi Paradox, as the name itself, ut's the ancestor of the Time Paradox.