CHAPTER 26

2037 Words
Chapter 26: Life Away Eunece, Magkahawak kamay kami ni Mia habang pinapanood ang sunod-sunod a putok ng baril mula sa labas. Ngayon lamang kami nakakita ng totoong Leemur at hindi na namin alam ang aming gagawin, mabuti na lamang ay naririto si Zeid Lolita. Pinapunta niya kami sa likurang parte ng sasakyan, may isa pang exit dito at hihintayin lamang namin ang kaniyang anunsyo at lalabas na kami kaagad. Tila ba nanginig ang aking katawan dahil sa aking nakikita. Ang kakaiba pa ay parang nasa Earth lang kami dahil wala kaming suot na space suit, meron pa kaming kalahating oras bago namin ibalik ang mag space suit namin upang lumanghap ulit ng oxygen.  Inaabangan ko lamang si Zeid Lolita pero bigla na lamang natigil ang pagpapaputok nila matapos ang isang malakas na pagsabog. Tila ba may nagliyab sa harapan ng aming sasakyan at muling nanumbalik ang katahimikan. Napakunot naman ang aking noo nang makita ang liwanag na tila ba may sinasadyang tutukan. "Pwede na kayong bumalik sa inyong mga upuan." Sabi ni Zeid Lolita at kaagad naman kaming tumayo mula sa sahig at kaagad na sinunod ang kaniyang sinabi. Hindi naman niya kami papahintulutang bumalik na kung hindi parin ligtas. Nagtulakan pa nga kami para lang makita ang kanilang ginagawa sa labas. Halos bumaliktad ang aking sikmura nang makita ang isang nilalang na inilagay nila sa isang parang container na gawa sa transparent na bagay. "Ano po iyan?" tanong ng isa kong kasama kay Zeid Lolita na tila nagtataka rin sa kung ano ang nasa aming harapan. Tiningnan niya ang nagtanong at umiling siya kaya't napataas ang kaniyang kaliwang kilay. "Mukhang bagong nilalang ito." Sagot naman niya at lumingon siyang muli sa kaniyang harapan. Pinanood namin kung paano iangat ng isang kamay na gawa sa robot ang container papaunta sa loob ng isang rover. "Mag si upo na kayo." Sabi sa amin ni Zeid Lolita at kaagad na kaming umupo sa mga bakanteng upuan. Awtomatikong bumalot ang seatbelt sa aking baywang at kaagad naman akong kumapit sa hawakan na nasa aking harapan. Ramdam ko ang pagtaas ng aming sinasakyan kaya't napa pikit na lamang ako at mas hinigpitan pa ang aking kapit. Parang sa normal na kotse sa Earth lamang ang bilis ng takbo ng aming sinasakyan kaya hindi na ako nakaramdam ng pangangailangang sumuka. Huminga ako ng malalim at lakas loob na iminulat ang aking mga mata at dahan-dahang lumingon sa bintana. Napataas ang aking mga kilay dahil sa gulat mula sa hitsura ng sinaryo sa labas, nakakatakot at tila ba nasa impyerno ako. Mas kapansin-pansin ang mga blue stones na lumalabas mula sa lupa mula rito sa itaas. Napakagandang tingnan dahil kumikislap pa ang mga ito ngunit kaagad ding napawi ang pagkabighani ko sa bagay na ito nang biglang may umagaw sa aking atensyon. Isang nilalang na napaka taas at panay ang pag alulong nito. Tila ba hinahabol niya ang aming sasakyan kaya't biglang bumilis ang takbo ng rover na ito. Tinititigan ko lamang ang pagtakbo ng Leemur at masasabi kong kapareho ito ng pagtakbo ng isang tigre. Mahahaba ang mga biyas nito kaya't sa tuwing aapak siya sa lupa ay nag-iiwan ito ng hindi naman gaanong kalalim na foot print pero mapapansin parin. Bumubuka-buka rin ang mahabang nguso nito kasabay ng paglabas ng kaniyang mahabang dila. Hindi rin nagkakasabay ang pag kurap ng mga talukap ng kaniang mga mata na talagang nagbigay ng pagkairita sa akin. Para bang isa itong batang nakakain ng candy at halos mabaliw na nang biglang tumalab ang asukal. Hindi ko na naisipang alisin ang aking mga mata sa nakasunod na Leemur sa aming sinasakyan at sa buong oras na kami'y bumibyahe ay pinapanood ko lamang ang pagtakbo nito. Noong una'y nagtataka ako kung bakit hindi sila nagpapaputok ngunit nang nagtagal ay napagtanto kung maaring hindi nila gustuhin na makapag attract pa ng mas marai. Nang lumingon ako sa harapan ay naramdaman ko na ang pangangawit ng aking leeg, napansin ko namang naka pikit ang mga mata ng aking katabi kaya itinikom ko na lamang ang aking mga labi. Ayuko namang ako ang dahilan na magising siya. Baka pagod siya kaya hinayaan ko na lamang siya. Ilang saglit pa ay lumiko ang aming sasakyan at natanaw ko ang isang matarik na bundok na walang kahit na isang bakas ng puno. Ngunit bago kami tuluyang dumiretso doon ay nag zigzag na muna kami upang siguro'y lituhin ang naka sunod sa aming Leemur. Sa katunayan, ang inakala ko'y dito ko makikita ang maraming kumpulan ng mga Leemur na katulad sa mga langgam pero hindi pala, may kaniya-kaniya rin pala silang direksyon at nagkalat sila sa buong planeta. Nang wala na akong makitang Leemur ay nasabi kong tagumpay ang panglilitong ginawa nila. Isinandal ko ang aking ulo sa aking upuan at huminga ng malalim. hindi ko namalayan na nanlamig pala ang aking mga palad kaya't nanlagkit ito. Habang pababa ang aming sinasakyan sa lupain ng bundok na ito ay ipinupunas ko ang aking mga palad sa aking pantalon upang mawala ang pawis ng mga ito. Bago kami lumapag ay tumayo si Zeid Lolita at kumapit sa bakal na railing ng sasakyan at nilingon kaming lahat. "Isuot na ninyo ang inyong mga space suit." Anunsyo niya habang panandaliang tiningnan ang isang maliit na orasan sa kaniyag kanang kamay. Kaagad kong siniko ang lalaking katabi ko at kaagad naman siyang nagising. "Bakit?" tanong niya at kinusot niya ang kaniyang kaliwang mata. "Isuot mo na raw ang space suit mo, mukhang bababa na tayo." Sagot ko naman at kaagad na pinindot sa huling beses ang aking vector at kaagad na bumalot sa aking katawan ang aking space suit. Kaagad naman niyang inayos ang kaniyang upo at hinawakan ang kaniyang vector. Tatlong beses niya itong pinindot at pinanood ko kung paano siya balutin ng kaniyang sariling space suit. Iginala ko ang aking mga mata at napansin na lahat kami'y naka suot na ng space suit. Lumikha ng tunog ang aming sasakyan habang kami'y papalapit sa lupa na para bang sinasabihan kami na kami'y lalapag na sa solid na lupa. Tumingin ako sa bintana at papasok kami sa isang kweba at matapos no'n ay tuluyan na kaming nakababa sa lupa. Sininyasan kami ni Zeid Lolita na tumayo na at lumabas upang mag-inat. Kaagad naman namin siyang sinunod at maayos na lumabas mula sa rover. Kakaiba nanaman sa pakiramdam, hindi nanaman kagay kaninang unang lumabas kami na parang nasa Earth lang. Hindi ko na nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin dito at patuloy naman ang pagdaloy ng oxygen sa aking katawan.  Sa ngayon ay wala pa naman akong nararamdaman na kahit na ano mula sa virus, sana nga lang naman ay kaagad na itong mapuksa dahil gusto ko na kaagad makabalik sa Earth! Gusto ko sanang makausap si Oliver ngunit ang hirap niyang hanapin, napakaraming Variant ang aming kasama at magkakapareho pa kami ng suot. Baka rin abala pa siya sa kung ano man ang kaniyang ginagawa kaya pinalmpas ko na lamang ang kaisipang iyon. "Pumasok na kayo." Tawag sa amin ni Zeid Lolita makalipas ang kalahating oras namin dito sa labas. Muli kaming pumila at maayos na pumasok pabalik sa loob ng rover 2.0. Inihiga ko ang aking sarili sa isang hindi gaanong kalawak na kama, katulad ito nang hinigaan ko noong nasa llaboratoryo pa kami sa Earth. Itinaas ko ang ang aking kamay habang abala ang nurse na kasama namin sa pag check sa aking vital signs. May hawak siyang tablet at may pinipindot rin siya dito. Matapos no'n ay huli niyang ginawa ang pagkuha ng dugo sa aking daliri. Sa puntong ito ay nasanay na ako at hindi ko na iniinda pa ang pagtusok niya ng karayom sa aking daliri. "Maari mo nang alisin ang iyong space suit." Sabi niya matapos niyang ikabit ang isang maliit na hose sa aking ilong. Inalis ko na kasi ang hod ng aking suot kanina pa bago ako humiga rito, sinunod ko naman na ang kaniyang sinabi. Napaka bigat kasi nito kaya isang karangalan ang alisin na ito. Ang normal ko na lamang na uniporme ang aking suot, ito ang aming uniporme bilang isang recruit. Komportable kong isinandal ang aking katawan sa aking higaan na naka slant lang. Hindi pa naman kasi ako matutlog. Iniwan na ako ng nurse at pumasok naman siya sa isang pang kasama ko, may devider ang aming hinihigaan at may glass lamang na nagmistulang pinto ang nagtatago sa akin rito. Kaya pala ganito na lamang kalawak at kahaba ang rover na ito. Ipinasadya upang magkasya ang lahat ng ito rito. Napatingin naman ako sa monitor na nasa aking gawing kaliwa at naka flash dito ang napakaraming numero at mga letra na hindi ko alam kung ano ang kanilang ibig sabihin. Nagkibit balikat na lamang ako at nilaro ang aking mga daliri. Ilang saglit pa ay inangat ko ang aking ulo upang makita kung sino man ang pumasok dito sa aking munting silid. Hindi ko nakilala ang kaniyang mukha kaya marahil ay isa sa mga Variant na kasama namin. Tinanggihan  niya ang alok ko na ako na ang maglagay ng mesa at siya na mismo ang nag-ayos nito sa aking harapan. Matapos no'n ay inilapag niya sa ibabaw ng maliit na mesa ang isang tray na may laman na isang plato ng pagkain. Sakto namang nakaramdam na ako ng gutom, ang huling kinain ko kasi ay isang lugaw na kanina pa umaga natunaw sa aking sikmura, ay hindi, isinuka ko pala. Hindi na siya nagsalita pa at kaagad nang umalis sa aking harapan, isinara rin niya ang parang pintuan upang tuluyan akong maglaho para sa kaniya.  Tinitigan ko lamang ang pagkain na nasa aking harapan, mukha itong natuyot na hindi ko alam pero sa aking pagkakatanda ay dried talaga ang mga pagkain na isinasama sa labas ng Earth. Nagkibit balikat na lamang ako at tinikman ang spinach. Hindi ito gaanong masarap pero hindi na masama, isinunod ko namang kinain ang ilan pang sahog ng aking salad. Hindi ko paborito ang kahit na ano pang uri ng vegetable salad pero kaya ko namang panindigan ang kakaibang lasa nito. Nang magsawa ako sa lasa ng dahon-dahon ay binuksan ko ang isang juice box na kasama rito sa tray, ginamit ko ito bilang pang momog. Naghintay muna ako ng ilang segundo, iniisip kung uubusin ko ba ito o hindi na pero sa huli'y inubos ko parin. Iba talaga ang nagagawa ng gutom. MAtapos ang bente minutos ay bumalik ulit ang Variant na nagbigay sa akin ng tray at kinuha na niya ito at maging ang mesa. Bumuntong hininga na lamang ako at tumitig sa kawalan, nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Gusto ko sanang mag sulat sa aking journal ngunit naalala ko na naiwan ko pala. Hanggang sa makapa ko mula sa aking bulsa ang aking cellphone kaya ito na lamang ang ginamit ko bilang journal. Gusto ko namang isulat ang aking mararansan sa planetang ito. Lalo na't hindi pa ako isang Variant ay nakaapak na ako sa lupain rito. Mabilis ang pag ta-type ng aking mga hinlalaki upang masabayan ang mabilis na daloy ng aking kaisipan. Tila ba hindi ako nauubusan ng ikinukwento sa aking journal at napapangiti sa tuwing naalala ko ang aking mga katangahan sa unang oras na naririto kami. Kakaiba nga naman ang pamumuhay dito kumpara sa Earth, maraming pagbabago ang kailangang isagawa upang makapagtagal rito at naririyan rin ang isang napakalaking threat na dala ng mga Leemur. Ewan ko na lang pero exposed kami sa iba pang mga maaring nilalang na ano mang oras ay lilitaw sa aming kinaroroonan. Tinapos ko ang aking pag jo-journal sa pamamagitan ng isang tuldok. Tiningnan ko ang oras at nasa alas nwebe na pala ng gabi sa planet Earth. Mukhang madilim narin dito kaya hindi naman siguro masama kung matulog na ako. Parang sasakit din kasi ang aking ulo , mabuti na't unahan ko na. Ibinalik ko na sa aking bulsa ang aking cellphone at komportableng isinandal ang aking likuran sa aking higaan, hindi naman na gaanong maliwanag ang ilaw rito, sa katunayan nga'y diniliman na nila. Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang aking mga mata. Matapos magtapos ang maraming imahinasyon sa aking isipan ay nahulog na ako sa hindi gaanong mahimbing na tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD