CHAPTER 27

2154 Words
Chapter 27: After Shift Oliver, Ipinasa ko na sa isang Variant ang badge na nagbibigay simbolo na siya ang magsisilbing commanding officer sa kaniyang grupo. Tapos na kasi ang aming shift kaya sila naman, bukas na naman ang susunod naming shift. Matagal-tagal rin ang labing dalawang oras na pag papatrol kaya't napagod ang aking katawan. May isa pang grupo na susunod bago kami pumalit ulit, bale bukas na ng gabi ang susunod na shift namin na naunang nag patrol. Hindi dahil sa tapos na kami sa pagbabantay sa labas ay wala na kaming gagawin, pagbalik ko sa aming rover upang kumuha ng panibagong tangke ng oxygen at kargahan ang nauna ko nang ginamit ay kaagad akong pinatawag papasok sa isa sa mga tent. Nag tayo kasi kami ng tent upang may mas malawak kaming matutulugan samantalang ang pinakamalaki at malawak ay ang naging parang laboratoryo namin dito. Kinailangan pa naming kunin ang mga apparatus sa napaka lalim na compartment ng rover 2.0. Inilihis ko ang b****a ng tent upang magkaroon ng sapat na espasyo upang makapasok ako. Sinalubong ako ng ilan sa aking mga kasamang nag patrol kanina. "Anong maitutulong ko?" magalang kong tanong sa mga Zeid na nasa palibot ng isang parihabang mesa na gawa sa metal. Gumilid naman sila at nagkaroon ako ng mas maliwanag na vision sa kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan. Naririto narin ngayon si Zeid Quias, marahil ay tapos na ang pagtuturo niya sa mga recruit. "Everything is new, nothing identical to Leemurs or to the species na nakalaban ninyo." Sabi ng isang Zeid, sa aking pagkakatanda ay narinig kung tinawag siya ng Variant na kasama ko sa pangalang Zeid Erwin Costales, ang namumuno sa squad Liksi. Mas lumapit pa ako sa species na kanilang sinusuri at tinitigan naman ang hitsura nito. "Maaring marami na ang nagkakainterest sa planetang ito." Kumento naman ng nasa gawing kaliwa ni Zeid Quias, siyang namumuno sa squad Leon, si Zeid Mathew Rapanot. Napatingin naman ako sa kaniya, sa aming apat na naririto ngayon sa palibot ng mesa ay ako ang pinakabata sa kanila, maaring nasa sampung taon ang agwat ng aming mga taon.  "Maaring ganoon na nga." Sabi naman ni Zeid Quias at napahawak siya sa dulo ng kaniyang baba. Tumango naman ako at napaisip rin kung ganoon nga ang maaring dahilan kung bakit dumarami ang ibang nilalang na namamalagi dito. "Maaring nadiskobre narin nila ang kapabilidad ng mga blue stones." Kumento ko at napatingin silang lahat sa akin. Sinalubong ko ang kanilang mga mata at halos manghina ang aking mga paa pero pinilit kong panindigan ang aking kinatatayuan. "Maaring tama ka, for the past years ay nakakapansin na ang ating mga siyentipiko ng mga bagong thermal heat sa planetang ito." Pagsang-ayon sa akin ni Zeid Costales. "Maari ring sa mga panahong iyon ay sinusuri na nila ang tungkol sa kabuan ng planetang ito." Sabi naman ni Zeid Rapanot. "If so, maari kayang hindi nila alam na bukod sa Leemur ay may iba pang nanirahan dito na talagang dito na ipinanganak at namatay?" tanong naman ni Zeid Quias. Bago na namang kaisipan ang naihulog niya sa punong mesa. Napatingin ako sa aking mga kasamang nagpatrol kanina at maging sila'y napaisip rin. "Siguro'y hindi nila ito alam, kung alam nila'y matagal na silang nag take over sa planetang ito and they might be involved kung bakit naubos ang species nila." Sagot naman ni Zeid Rapanot. "Ano po ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanila at itinuro ang nilalang na napakasama ng hitsura. "Ipapadala natin pabalik sa Earth upang masuri  nila ng maayos, dito kasi'y limitado lang ang ating kagamitan." Sagot naman ni Zeid Quias. "Kung ganoon po'y bakit ninyo kami ipinatawag?" tanong ko nang bumalik sa aking isipan na hindi pa nila nasasagot kung bakit ako naririto ngayon. Napaangat naman ng tingin si Zeid Costales at binigyan ako ng isang seryusong tingin. 'I want you to lead your group in search of the imperfection." Napataas ang aking mga kilay nang sabihin niya iyon, wala iyon sa memorandom na ibinigay sa amin. "This is a pure decission from the three of us, hindi natin pwedeng aksayahin ang panahon na naririto tayo." Sabi pa niya kaya't hindi ko namalayan na tumigil pala ako sa aking paghinga. "Any casualties will be on us." Sabi naman ni Zeid Quias at tumango naman ang nasa tabi niyang si Zeid Rapanot. "May I know the motive behind this?" tanong ko naman, mga Zeid naman sila at nasa tamang posisyon sila upang gumawa ng sarili nilang desisyon na sa tingin nila ay makakatulong sa aming trabaho. "Ilang taon na ang nagdaan simula nang madiskobre ito ng mga siyentipiko at ang pagkakatatag ng bawat prganisasyon. Habang lumilipas ang bawat taon ay tila ba nababago ang ating layunin, nag simula sa paghahanap sa imperfection hanggang sa naging pagpaslang na lamang sa mga Leemur." Panimula ni Zeid Quias at tumahimik lang ako. "Hindi matatapos ang ating kalbaryo hangga't hindi natatapos ang pinagsimulan, kailangan na anting umakto kaagad at hanapin na ang imperfection na siyang nagbibigay kakayahan sa kahit na ano mang nilalang na pumasok sa mirror dimension." Dagdag pa niya. "I heard you loud and clear, Zeids!" sumaludo ako bilang simbolo na tinatanggap ko ang order na ibinigay nila sa akin. Tumayo rin sa aking likuran ang lima pang mga kasama ko at sumaludo rin sila. Magkakatabing sumaludo sa amin ang tatlong Zeid at nang ibaba na nila ang kanilang mga kamay ay ibinaba narin namin ang sa amin. "Magsisimula kayo bukas rin, do it unsuspiciously at dapat manatili ang order na ito sa inyo, understood?!"  "Sire, yes sir!" tumindig ako ng tayo at matapos no'n ay dinispurse na nila kami kaya't lumabas na kaming anim mula sa tent na iyon.  "Looking forward for your lead, Teth Santos." Sabi ng lalaking galit sa akin kanina, tinapik niya ang aking likuran kaya't tumango na lamang ako. Naghiwa-hiwalay na kami at pumasok na sa kani-kanilang tent ng bawat squad. "Nakakapgod ba?" tanong ni Suzane sa akin nang umupo ako sa isa sa mga double deck. Huminga ako ng malalim at hinarap ko siya. "Medyo." Sagot ko naman, hindi sa hindi ako sanay sa ganitong trabaho pero nanibago talaga ako sa haba ng oras na nagpapatrol kami. BUkod pa doon ay naglalakad lamang kami at saka lang sasakay sa mga rover kapag kailangan naming makaalis kaagad sa isang lugar o kailangan naming lumipad ng mataas. "Salamat." Kaagad kong kinuha mula sa kaniyang mga kamay ang isang baso ng tubig. High tech naman ang aming tent, ginawa ito upang maging katulad ng loob ng rover na kayang ipreserve ang oxygen kaya maari naming alisin ang aming suot na mga space suit. Maliwanag rin kaya hindi namin problema ang liwanag, walang aninong tumatagos sa labas kaya't secured parin ang aming mga privacy. "Walang ano man!" masaya niyang sabi at umalis na sa aking tabi at lumapit naman siya kay Darlene na kasama ko. Napatingin naman ako kay Darryl at napansin na kanina pa niya ako tinitingnan. Wala kasi si Henry ngayon dahil isa siya sa mga magpapatrol ngayon hanggang sa umaga. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napaatras ako nang mabilis siyang lumapit sa akin. Inagaw niya sa aking kamay ang aking inumin at siya na ang umubos nito. "Ano ka ba, sa kaniya 'yon eh!" sigaw naman ni Suzane nang makita niya ang ginawa ni Darryl. "Uhaw din ako, bakit dimo kasi ako binigyan ng tubig?!" sigaw naman niya pabalik. Napailing na lamang ako. Noong una palang ay napapansin ko nang pinopormahan ni Darryl itong si Suzane eh kaya kahit na anong mangyare ay dapat kong layuan si Suzane, baka kung ano pa ang isipin ni Darryl. Pilit na lamang akong ngumiti nang tingnan ako ni Darryl at naglakad palayo. Ilang oras pa ang nagdaan ay oras na para kami'y magpahinga. Dito ako sa ilalim ng isa sa mga double deck. Si Darryl naman sa isa pa at sa ilalim niya ay si Zeid Quias. Magkasama naman sina Suzane at Darlene samantalang naka reserba kay Henry ang nasa aking ibabaw na kama. Mas diniliman namin ang aming ilaw dito sa loob, pare-pareho kasi kaming mas maganda ang tulog kapag madilim. Kahit pa may kaingayan sa labas ay nagawa ko paring mahulog sa isa na namang mahimbing na pagtulog. Nagising ako makalipas ang buong anim na oras at sinimulan ang aking araw sa pag eehersisyo. Masakit kasi ang aking mga muscle sa paa kaya naisipan kong mag inat ng katawan. Hindi rin naman ako pala inom ng mainit na kape sa umaga kaya nagkaroon ako ng mas maraming oras. Hindi ko masasabi kung umaga na ba rito dahil wala namang araw dito, nananatiling parang madaling araw sa ilalim ng maliwanag na buwan. Kapansin-pansin naman mula sa di kalayuan ang mga naglalakihang mga Leemur na hindi kami nakikita. Mataas naman ang bundok na ito at maliliit naman kami kompra sa kanila kaya madali lang kami makapagtatago kapag nagkaroon ng sapat na oras. "Ilang oras pa bago matapos ang iyong shift?" tanong ko kay Henry nang lumapit ako sa kaniya. Hawak niya ang kaniyang baril at tila ba mabagal na ang paggalaw ng kaniyang katawan. "Dalawang oras pa." Sagot naman niya. Pumitik naman ako sa kaniyang harapan dahil patulog na ang kaniyang mga mata. Nagulat naman siya at kaagad na hinigpitan ang hawak sa kaniyang baril. Napatawa na lamang ako at kinumbinsi ko siyang mag jumping jacks nang sampung ulit nang magising siya. Hindi ako nakaranas ng pagkaantok nang nasa shift pa ako dahil malakas pa ang talab ng adrenalene rush sa aking katawan mula sa pakikipaglaban at mula sa pagkakadiskobre sa nilalang na iyon. Iniwan ko na siya matapos niyang gawin ang jumping jacks dahil sa bumalik na ako sa aming tent. Naabutan ko naman silang kumakain at wala na doon si Zeid Quias kaya'y nagpatuloy lamang ako sa paglapit sa kanilang tatlo. "Ito oh, nilagyan ko na ng peanut batter ang sa'yo!" masayang sabi ni Suzane, given the fact na naririto kami sa napakadelikadong planeta ay napaka cheerful parin niya. Malugod ko namang tinanggap ang tinapay at nang malihis ang aking paningin kay Darryl ay mistula siyang galit na turo. Inalok ko sa kaniya ang nakagatan ko nang tinapay at nagulat naman ako nang bigla niya itong kinagat nang nasa kamay ko pa. Akala ko nga'y kakagatiin na niya ang buong kamay ko! "Teth Baldo!" sita sa kaniya ni Suzane at napailing na lamang siya. Hinayaan ko na lamang silang mag debate at tumabi na lamang ako kay Darlene. "Heto oh, sa'yo na lang." Alok niya sa akin sa isa pang tinapay na hawak niya. Umiling naman ako at kumuha na lamang ng sa akin. Ako narin ang nagpalaman baka maging issue na naman kasi. Tumango na lamang si Darlene bago kinagat ang tinapay na may palaman.  Makalipas ang ilan pang oras ay natulog na si Henry sa kaniyang higaan dahil tapos na ang kaniyang shift, pumalit naman sina Darryl at Suzane na nawala. Iniwan mona namin si Henry sa tent at sabay kami ni Darlene na nagtungo sa laboratoryo. "Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Zeid Rapanot sa amin. Tumango naman ako at pinaghanda na ang aking mga kasama, hawak namin ang aming mga baril at sumakay kami sa isa sa mga rover. Naiwan ang sina Zeid Quias at Zeid Costales habang kami'y lumipad palayo sa kweba. Bumyahe kami ng may kalayuan para lang makahanap ng magandang pwesto upang buksan ang time paradox upang maipadala ang nilalang na ito. Kaagad naman kaming nakahanap ng patag na lupain at kaagad kong sininyasan ang aking mga kasama na palibutan ang buong rover. Nakatalikod kami sa aming Zeid na aming kasama at siya na mismo ang nag bukas ng time paradox. Mas maliit ito kumpara sa normal na time paradox pero nagkakasya naman dito ang aming sasakyan. Tila ba may malakas na hangin ang dumadaloy mula rito at ilang saglit pa ay itinulak na ni Zeid Rapanot ang nilalang na nakalagay sa isang tube na may drone upang hindi bumagsak sa sahig kapag nasa Earth na. Naka program din ito sa kaniyang destinasyon kaya maliit ang tiyansang mawala ito sa kalawakan ngunit upang makasiguro ay pinutol nila ang isa sa mga kamay nito at nasa mga kamay ngayon ng dalawang nurse na kasama namin. "Everyone, get back!" sigaw ko nang bigyan ako ni Zeid Rapanot ng hudyat na tapos na siya sa kaniyang ginagawa. Hindi na namin pinaputokan ang Leemur na patungo sa aming direksyon at kaagad nang lumipad palayo. Hindi na naman siya naghabol kaya walang naging problema nang bumalik kami sa kweba. Pagbaba ko sa rover at pabalik sa aming tent ay may nakabangga ako. Kaagad naman akong humingi ng tawad at tinulungan siyang tumayo. Wala siyang suot na space suit kaya masasabi kong isa siyang recruit, ewan ko ba kung bakit may mga pagkakataon na hindi nila suot ang kanilang space suit. Nagkatitigan lamang kami habang hawak ko ang kaniyang kamay. "Long time no see, Eunece."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD