CHAPTER 28

2008 Words
Chapter 28: Time Pardox Eunece, Ilang beses akong kumurap habang hawak ng lalaking Variant ang aking kamay. Natumba kasi ako kanina dahil sa kaniya pero hindi ko naman sinasabing kasalanan niya. Hindi rin naman kasi ako tumitingin sa aking dinadaanan kanina matapos kong humiwalay sa aking mga kasama. "Long time no see, Eunece." Bigkas niya sa aking pangalan at mula sa kaniyang boses ay nakilala ko kaagad kong sino siya. Napatakim ako sa aking mga labi dahil hindi ko naman suot ang aking space suit ngayon. "Oliver?!" mahina kong sabi at nakita ko naman ang isang ngiti sa loob ng halmet ng space suit. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman, para bang nakita ko ulit ang isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita. "Kamusta ang iyong pakiramdam?" tanong niya sa akin nang umupo kami sa isang bench sa tabi ng rover 2.0. Alam ko naman na alam niya ang tungkol sa virus kaya nga kami naririto ngayon, bumuntong hininga naman ako at ngumiti. "Maayos naman, kahit papaano'y hindi na naapektuhan ng virus ang aking katawan." Sagot ko naman habang magkahawak ang aking mga kamay. Napansin ko naman na tumango  siya kaya't napatingin ako sa kaniya. "Bakit ka pala hindi naka space suit?" tanong naman niya at tila ba naguguluhan niya akong tiningnan, natawa naman ako. Oo nga naman, bakit nga ba? "Kasi ang environment na pinagmulan ng virus ay ang sa planetang ito na kung saan Nitrogen lamang ang natatanging hangin, natri-trigger kasi ito kapag dumadaloy ang na e-expose ito sa oxygen." Sagot ko naman, ewan ko ba kung nasagot ko ang katannungan niya. "Ang ibig mong sabihin, kailangan niyo ring mag inhale ng Nitrogen upang ma talo ang virus?" tanong niya, mukhang na gets naman niya ang sinabi ko kanina. "Oo, ganoon na nga pero every after two hours ay kaylangan din naming huminga ng oxygen." Sagot ko naman upang hindi na niya tanungin kung bakit naka space suit kami minsan. Tumango-tango naman siya at tila ba prinoproseso ng kaniyang utak ang kaniyang nalaman ngayon. Natahimik kami ng ilang segundo bago niya ito basagin at muli akong nilingon. Nagtama ang aming mga paningin. "Masaya akong makita kang naririto pero hindi ko inakalang sa ganitong paraan tayo magkikita." Sabi niya at tumakas mula sa kaniyang mga labi ang isang matamis na ngiti. Napailing naman ako at napangiti narin. "Hayaan mo't kapag naging Variant ka na ay ililibre kita ng avocado ice cream!" sabi pa niya kaya nagning-ning ang aking mga mata. Ewan ko kung bakit niya gagawin iyon pero hindi na ako tatanggi! "Sabi mo 'yan ha, talagang gagalingan ko pa!" sagot ko naman sa kaniya at pareho na lamang kaming nagtawanan. Nagulat naman ako nang biglang may lalaking sumulpot sa likuran ni Oliver at bigla niya akong itinuro. "Siya ba?" tanong niya kay Oliver ng may nakakalokong mukha, 'yon bang mapang asar. "Kaibigan ko lang siya." Sagot naman ng isa at bumuntong hininga. "Hindi ako naniniwala, ang ganda pa ng tawanan ninyo eh!" sabi naman niya. Nakatanggap siya ng pangbabatok kay Oliver kaya tumawa naman ako ng tahimik lang. "Take care, Beth Alexander." Seryusong sabi ni Oliver na parang kausap niya ang mas mababa sa kaniya matapos niyang tumayo.  "I will, Teth Santos." Sagot ko naman at tumayo na rin. Sumaludo ako at sinaluduhan rin niya ako at matapos no'n ay hinila na niya ang lalaking bigla na lamang sumulpot at naglakad na sila papasok sa isang tent. Eksakto namang tinawag na ako ni Mia at kaagad na akong pumasok sa loob ng rover, magsisimula na kasi ang aming klase. Ngunit pagpasok ko ay nagtaka ako nang hindi ko naabutan si Zeid Lolita, mabuti narin siguro. "Sino 'yong kausap mo kanina?" tanong niya sa akin at sumiksik rin si Alea sa aming gitna. Nakita pala nila ang aming pag-uusap ni Oliver. "Ah, kaibigan ko 'yon mula sa labas." Sagot ko naman sa kaniyang katanungan. "Lalaki ba?" tanong ni Alea kaya't napaatras ako at pinaningkitan siya ng mga mata, hindi na talaga mawawala ang lalaki sa pag-iisp ng taong ito. "Secret!" sagot ko naman, naka suot nga pala sila ng space suit, hindi mo sila makikilala unless makita mo sila sa kanilang harapan. "Sige na, sabihin mo na." Pamimilit nilang dalawa sa akin pero umiling lamang ako. "Bahala kayo diyan." Sabi ko na lamang at tumingin na sa aking harapan. Eksakto namang pumasok na ang Zeid na magtuturo sa amin kaya't natahimik na ako. Naka upo kami rito sa harapang bahagi ng rover 2.0 na kung saan ay may mga upuan, katabi ko ngayon si Mia, nakipagpalit kasi siya sa lalaking katabi ko tuwing bumabyahe kami. Si Alea naman ay nasa aming likuran at katabi nanaman ang isang lalaki. Tahimik lamang kami habang sinusundan ng aking paningin ang paglakad ni Zeid Lolita sa aisle at nang nasa tamang pwesto na siya ay dalawang beses siyang pumalakpak bilang pagtawag sa aming atensyon. Mabait naman siya ngunit bakas parin talaga sa kaniyang pustura at mukha ang pagiging istrikto niya. Kahit pa nakasuot siya ng space suit. "You've known almost everything since the first day that I thouht you and you'll learning fast. Today, I'm going to introduce you to the man of all." Sabi niya at biglang may bumamabang screen sa may likuran ng driver's seat. Nakatutok lamang ang aking mga mata sa larawan ng isang lalaki na masasabi kong isang lalaking iginugol ang buong oras sa loob ng laboratoryo. "Siya ang lalaking unang nagtanong sa existence ng extra terrestrial beings. Siya ang naunang physicist na nakagawa ng nuclear reactor." Panimula ni Zeid Lolita habang sunod-sunod siyang nagpapakita ng mga larawan. "Kilala siya sa tunay niyang pangalan na Enrico Fermi, isang mamamayang nagmula sa bangsang Italya at ang kaniyang unang nuclear reactor ang naging base model ng ating Time Paradox ngayon. Gaya nga ng sinabi ko kanina, siya ang unang nagtanong kung meron bang ibang nilalang sa kalawakan bukod sa mga tao." Dagdag pa niya, nasa bandang likuran namin siya upang masiguro na nakikita namin ang mga larawan. Nalagas narin siguro ang kaniyang buhok mula sa malalim niyang pag-iisip. "Dahil sa kaniya kaya tayo ngayon angkaroon ng ganitong trabaho at dahil sa kaniyang katanungan ay napalwak natin ang ating kaalaman tungkol sa mga bagay na hindi lubos akalain nino man na namumuhay pala." Sabi pa ni Zeid Lolita at matapos no'n ay naglakad na siya sa aming harapan. "Altough hindi siya mismo ang nagsimula ng ETHER, malaki parin ang naging epekto niya sa kaisipan ng taong nagtatag sa ETHER at sa mga organisasyon." Tumango naman ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng Zeid na nagtuturo sa amin. "Ngunit nagkaroon ng aksidente mula sa unang paggawa ng time paradox, tuluyan itong sumabog at hindi na contain sa espesyal na kagamitan at dahil doon, ipinanganak ang tiatawag nating imperfection." Ngayon lamang niya nabanggit ang tungkol dito kaya mas nabuhayan ang aking kaluluwa. "Ang imperfection ay ang siyang nagbibigay kakayahan sa mga Leemur na makapasok sa mirror dimension. The history goes like this, noong unang taon ng ETHER ay ginawa nila ang time paradox upang maging isang time capsule tagumpay nilang naisagawa ito ngunit hindi nagtagal ay sumabog." Panimula niya kaya't inilaan ko ang dalawa kong tenga sa kaniya. "Dahil dito, nalikha ang imperfection at noon ay hindi nila mahanap kung nasaan ito, pinagsuspetyahan nilang wala itong pisikal na epekto ngunit malaki ang naging epekto sa flow ng oras o sa multi verse na tinatawag at kasali na dito ang Mirror Dimension." Dagdag pa niya, tahimik lamang kami at nakikinig lamang. "Lumipas ang dalawang taon at napansin na nga ng ETHER at nang gobyerno ang paglitaw ng mga time wholes sa ating planeta, isa lamang itong sikreto ngunit ang mga conspiracy theorist ay napghahalataan ang ikinikilos ng gobyerno ngunit mabuti na lamang ay napagtakpan pa nila ang tungkol sa time wholes." Bigla akong napaisip sa pagkabanggit niya tungkol sa mga conspiracy theorist. Sa aking pagkakaalam ay maraming oras ang inuubos nila upang makapagkalap lamang ng impormasyon sa isang bagay kaya hindi na ako nagtaka. Ang masama lamang sa kanila ay minsa'y nagpapakalat sila ng mga maling impormasyon. Pinaniniwalaan naman sila ng ilan sa mga tao dahil ang kanilang binibitawang mga salita ay malapit sa kaisipan ng realidad kaya't mapapaisip karin at sasang-ayon na lamang. "Dito na nagsimulang magbago ang gamit sa time paradox, basically nag time travel tayo dahil sa layo ng planetang ito mula sa ating planeta. Dahil din doon ay nabuo ang special force hanggang sa naging mga organisasyon at patuloy lamang ang pag-unlad ng sangay ng ETHER hanggang ngayon." Pagtatapos niya sa kaniyang sinabi. Kakaiba ang kaalamang natutunan ko ngayon, talaga nga namang ang pagsali ko rito ay hindi aksaya ng oras kahit pa on risk ang aking buhay. May mga nabanggit pa siya pero tila ba nagmamadali siyang ituro sa amin iyon at nang matapos na nga ay umalis na siya kaagad sa aming sasakyan. Iniwan niya kaming tulala at prinoproseso palang ang lahat ng kaniyang sinabi. I can't really explain it scientifically like how Zeid Lolita did it pero sa tingin ko naman ay naintindihan ko na. Talaga nga namang ang mundo ng siyensya ay walang hangganan at patuloy lamang sila sa pagtuklas sa mga bagay-bagay. Huminga ako ng malalim at isinandal ang aking sarili. "Para akong isinakay sa roller coaster!" sabi ni Mia at maging siya ay isinandal din ang kaniyang sarili sa kaniyang kinauupuan, hanggang ngayon ay wala paring naglakas loob na mag-ingay. Akala ko'y matatakot na ako sa kailaliman nang dagat ngunit mas natatakot ako sa mga posibleng nilalang na aking makikita sa mga panahon na isa na akong Variant. Sa ngayon daw ay dalawa na ang unidentified species na nakalaban ng aming organisasyon. Ang una ay ang pinagmulan ng virus na nakakapit ngayon sa aming katawan at ang pangalawa ay ang nakalaban nila kagabi. Bumuntong hininga na lamang ako at napataas ang aking mga kilay nang muling pumasok ang nurse na tumitingin sa amin. Tumayo siya sa aisle at sa harapan naming lahat bago ginamit rin ang screen na ginamit rin ni Zeid Lolita kanina. "Hello everyone, pwede bang makinig kayo sa akin?" tanong niya, as if nag-iingay kami kahit na hindi naman. May pinindot siya sa parang tablet na device na palagi niyang dala at may lumabas na mga elemto sa screen na nasa aming harapan. Naka glue na ang aking mga mata rito habang sinusubukang intindihin ang mga nakalagay. "Ang inyong nakikita ngayon ay isang representation ng DNA ng isang tao, ang isa ay normal at ang sa ikalawa ay ang tulad ng sa inyo. Ang virus ay inaatake ang inyong mga DNA at pilit na sinisira ito na siyang nag co-cause ng freezing or petrification." Paliwanag niya, umiikot ito at may parang graph pang gumagalaw. "Simula nang ma expose kayo hanggang ngayon, malaki na ang pinagbago ng inyong DNAs, in no time ay gagaling narin kayo." Sabi niya at may nasa tatlong DNA ang makikita sa screen at lahat ay may bahid ng asul na pagdating sa ikatlo ay maliit na lamang. Napangiti naman ako at tila ba pumalakpak ang aking tenga sa tuwa.  May mga sinabi siyang dapat naming iwasan at ipagpatuloy, hindi naman daw importante na isa ulo namin ang mga bagay na dapat naming iwasan dahil ang mga bagay na ito ay hindi makikita sa planetang ito pero mabuti narin daw na alam namin kung ano pa ang nag tri-trigger sa virus bukod sa oxygen. "Medyo mabagal nga lang ang inyong paggaling dahil gumagamit parin kayo ng oxygen, hindi naman maaring palitan natin ang nakasanayan ninyong hangin at maaring maging dahilan pa ito ng komplikasyon sa inyong mga baga o sa buong katawan ninyo." Sabi pa niya at pinatay na niya ang screen. 'Let's all do our best, gagaling din kayo!" ngumiti siya at matapos no'n ay lumabas na siya mula rito sa rover. "Sana nga! gusto ko nang umuwi!" dinig kong sabi ni Ale sa aming likuran kaya napa iling na lamang ako. Huminga ulit ako ng malalim at tumingin sa may bintana.  "Sana nga."  Nginitian ko ang aking repleksyon sa bintana at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD