"Saan ba kasi tayo pupunta?" Hindi na nakatiis na tanong ni Amaiah kay Brant nang bigla na lang siya nitong hilahin palabas ng bahay at pinasakay sa kotse nito. Through to his words ay umuwi nga ito. May dala itong bulaklak at chocolates as peace offering daw nito sa kaniya. Siya namang si marupok ay kaagad niya naman itong pinatawad. "We'll eat lunch outside." sagot nito at bahagya lang siya nitong sinulyapan, pagkuwan ay ibinalik din nito kaagad ang tingin sa daan. Isang kamay lang din nito ang nakahawak sa steering wheel ng sasakyan nito dahil ang isang kamay nito ay hawak-hawak naman ang kamay niya. Napasimangot siya. "Sana sinabi mo para makapag-ayos naman ako kahit kunti." Napatingin na na naman ito sa kaniya. "Even if you're wearing a rag love, you're still beautiful," anito

