BINUNDOL agad ng kaba si Amaiah nang huminto na ang sasakyang sumundo sa kanila kanina ni ate Beth sa mansion ng mga Paterson. Napapitlag pa siya nang bumukas ang pinto sa may gilid niya at may isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang naglahad ng kamay para alalayan siya. Akmang aabutin na sana niya ang kamay ng lalaki nang magsalita si ate Beth. “Ayy, naku! H'wag na. Ako na ang aalalay kay Ma’am Amaiah.” sabi ni ate Beth, pagkuwan ay dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Ilang saglit lang ay nasa gilid na niya ito at ito na ang naglahad ng kamay para alalayan siya. Napangiti pa siya nang irapan nito ang lalaki at bahagya pa nito iyong itinulak para ito ang pumalit sa puwesto ng lalaki kung saan ito nakatayo. “Salamat, ate Beth.” Pasasalamat niya rito nang makababa na siya ng sasaky

