EARLIER... DUMERETSO si Brant sa kaniyang opisina pagdating niya sa Paterson's Winery. Mabilis niyang tinungo ang kaniyang drawer at kinuha roon ang envelope, pagkuwan ay lumabas siya ng kaniyang opisina. Sa bahay na lang niya titingnan kung ano ang laman nito. This is confidential, kaya mas mabuting doon na lang niya ito bubuksan. Siguraduhin na lang niya pagkatapos na hindi ito makita ni Amaiah. “Sonny,” tawag niya sa kaniyang sekretaryo, nakaupo ito sa harap ng desk nito habang busy sa ginagawa nito sa harap ng computer. “Sir Brant,” anito at mabilis na tumayo at yumukod ng bahagya. “Narito na po pala kayo. Bakit po?” Hindi kasi niya ito naabutan kanina rito nang dumating siya. “I’m out of the country tomorrow and probably the next day pa ang balik ko.” “Okay, Sir. Wala ka rin na

