NARINIG kaagad ni Amaiah ang marahas na buntonghininga na pinakawalan ni Mommy Deborah nang dumating sila sa mansion. Dito raw muna siya hangga’t hindi pa sila nakapag-usap ni Brant. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit gano’n na lang siya kung tingnan at tratuhin ni Brant. At sobrang nasasaktan siya. “Hija, magpahinga ka na muna---” agad natigil sa pagsasalita si Mommy Deborah nang humahangos na sinalubong siya ni ate Beth kasama nito ang isa sa mga kasambahay ng mga Paterson. “Ma’am Amaiah, ano po ang nangyari? Bakit niyo po ako iniwan?” sunud-sunod na tanong nito sa kaniya. Pero agad naman itong napangiwi nang mapatingin ito kay Mommy Deborah. “Magandang hapon po, Señora.” Nakangiwing bati nito sa matanda. “Dalhin mo muna si Amaiah sa kuwarto ni Brant, Beth.

