Chapter 60

2290 Words

MALAMIG na tiningnan lang ni Amaiah si Brant. Sa sinabi nito ay parang pinapaasa na naman siya nito. Ah, hindi na lang pala siya dahil pati ang mga anak niya ay pinapaasa na rin nito kahit na wala pang kamuwang-muwang ang mga iyon. Malamlam din ang mga mata nito, punong-puno rin iyon ng mga emosyon na hindi niya kayang pangalanan dahil alam niyang napaka-imposible. “Hindi mo sila dugo’t laman kaya mga anak ko lang sila.” Malamig ang boses na sabi niya rito at agad na nag-iwas ng tingin. “Dugo at laman ko sila, Amaiah. Sa akin sila.” Kunot ang kaniyang noo na mabilis na napabalik ang tingin niya sa lalaki. Ano ang ibig sabihin nito? Nakapikit na ng mariin ang mga mata nito at nang magmulat ito ng mga mata ay kita niya ang pamumula n’yon. Mahina pa siyang napasinghap nang para itong maiiy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD