TULALANG nakatitig lang si Brant sa glass door ng operating room, tila hindi mag-sink in sa utak niya ang sinabi ng doctor na ngayon ay pumasok na ulit sa loob. “A-anong nangyari? Lumabas na ba ang doctor? Kumusta ang anak ko at mga apo ko?” Narinig niyang sunud-sunod na tanong ni Nanay Lupe na kararating lang galing sa chapel. Parang wala sa sariling nilingon niya ito, bumuka ang kaniyang mga labi pero agad lang din niya iyong itinikom nang wala siyang mahanap na salita. “Brant, ano ba ang nangyari? Bakit ganiyan ang hitsura mo?” Nagpapanik ng tanong ni Nanay Lupe sa kaniya. “Okay lang po sila, Aling Lupe. Lumabas na po ang kambal.” si Jenina na ang nagsalita para sa kaniya. Para kasi siyang naputulan ng dila, hindi siya makapagsalita. He was still in dazed, sa sinabi ng doctor na nai

