MAGAAN ang pakiramdam ni Amaiah nang imulat niya ang kanyang mga mata, ngunit agad din siyang napangiwi nang maramdaman niya ang sakit mula sa kaliwang balikat at sa buong katawan niya. Pero nawala iyon nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Hindi na rin niya kailangang hulaan kung sino ang humawak sa kamay dahil amoy pa lang nito ay alam na niya kung sino. It’s Brant. His hand was so warm as he enveloped hers with it. She was in familiar large room, lying on the bed. Alam niya na nasa hospital na naman siya. Maliwanag ang araw habang dumadaan ang liwanag nito sa glass panel wall ng kuwartong kinaroroonan niya. Napatingin siya sa gilid niya at hindi nga siya nagkamali ng makita niya si Brant na nakatitig sa kanya. Hawak hawak pa rin nito ang kaliwang kamay niya gamit ang malal

