NANG makita ni Amaiah na nasa loob na ng sasakyan nila ang isa sa kambal at nakabalik na ang lalaking naghatid sa anak niya sa gilid ni Ma’am Suzanne ay saka lang niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilan na paghinga. Alam kasi niya na ligtas na ang isang baby niya dahil naroon naman ang tauhan ni Chad. “Now, tell her to give the other child to you before you will give her that envelop.” Boses na naman ni Chad ang narinig niya. Napalunok siya. “Alam mo, hindi ko naman talaga ito gagawin kung nagkakatuluyan lang si Kelly at ang bastardo ni Benjamin.” Agad siyang napatingin sa ginang. Anong ibig sabihin nito? "Pero nagkandaletse-letse ang mga plano namin nang dahil sa'yo, babae ka!" Sigaw nito na bahagya pa niyang ikinaigtad. "Nakulong pa ang bobo na babaeng iyon at wala ng pag-asa

