“WHERE are my children? Where the hell did you take them, Tita Suzanne?” nagtatagis ang mga ngiping tanong ni Brant sa kaniyang madrasta nang kausapin niya ito sa kabilang linya. Narinig pa niya ang pagsinghap ni Amaiah na nasa tabi lang niya. Hindi pa rin matigil ang pagluha nito at alam niyang naguguluhan ang asawa niya kung ano ang kinalaman ni Tita Suzzane sa pagkawala ng kambal. Pero wala na siyang ibang maisip na kumuha sa mga anak niya kundi ang madrasta lang niya. Kelly was already in jail in Japan now. Si Tita Suzanne naman ay nakapagpiyansa kaya nakalabas ito ng kulungan. At ilang ulit na rin siyang nakatanggap ng death threats mula sa babaeng iyon. “Relax, boy…" sabi nito at alam niyang nakangisi ito kahit hindi niya ito nakikita. "Hindi ko naman sana sila kukunin kung nakini

