LALABAS na sana si Brant nang may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina, pagkuwan ay bumukas iyon at pumasok doon ang kaniyang sekretaryo na si Sonny. “What is it, Sonny?” “Pasensya na po, Sir Brant pero may problema po tayo.” Sonny said, hesitantly. Agad namang kumunot ang noo niya. “What?” “Tumawag po si Miss Minerva, iyong secretary po ng CEO ng BriAZ Mall. Hindi po raw ninyo maaaring i-cancel ang meeting dahil bago na raw po ang CEO nila at saka aalis po raw ng bansa bukas iyong bagong CEO nila at sa susunod pa raw na buwan babalik.” Mahabang paliwanag nito sa kaniya. Hindi naman talaga iyon problema kung hindi lang tumawag sa kaniya si Amaiah para magpaalam na lalabas dahil gusto raw na makipagkita rito ang abuela niya. “Hindi na ba pwedeng pakiusapan iyan, Sonny? I badly need

