ONR#53 NAKATINGIN lang si Amaiah kay Brant na nasa unahan nakaupo kasama ang mga kaibigan nito. He is wearing a three-piece business suit na pinatungan lang nito iyon ng itim na long winter coat. Naka-itim na slacks din ito at itim na mamahaling sapatos. He is devilishly handsome at alam niya na karamihan sa mga babae na bisita ng mga Del Fierro, may asawa man o wala ay humahanga rito. But his expression was unreadable, gano’n din ang mga kaibigan nito lalo na si Phoenix na diretso lang ang tingin sa kabaong ng abuelo nito na unti-unti nang nawawala sa harap. Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. She personally experienced it nang mamatay ang kaniyang Tatay Ernesto. Hindi na sana siya dapat na sumama pa rito dahil sa mga nangyari at maghihiwalay na nga sila ni Br

