NAPATDA si Brant nang sa pagpasok niya sa loob ng kaniyang opisina ay nakita niya ang isang babae na parang reyna na nakaupo sa kaniyang swivel chair. His forehead furrowed. “What are you doing here, Kelly?” Walang emosyong tanong niya sa babae. Hindi niya inaasahan na madadatnan niya ito rito sa loob ng kaniyang opisina. Ano na naman kaya ang pakay ng babaeng ‘to? This woman has really no shame. Agad na sumilay sa mapupula nitong mga labi ang nakakaakit na ngiti pero wala na iyong epekto pa sa kaniya. “Oh, hi honey…” malanding sabi nito at tumayo. She’s wearing a skimpy spaghetti-strapped red dress at halos lumuwa na ang dibdib nito sa baba ng neckline pero katulad ng kung bakit siya rito nakikipaghiwalay ay hindi na talaga siya naaakit pa rito. Matalim niya itong tiningnan, pagkuw

