NANGINGINIG ang kamay ni Amaiah na pinindot niya ang doorbell sa tapat ng pinto ng hotel room ni Miss Kelly. Nagbabara ang kaniyang lalamunan sa sobrang kabang nararamdam habang hinihintay niyang bumukas ang pintuan ng hotel suite ni Miss Kelly. Natatakot man pero kailangan niya itong harapin, hindi siya pwedeng panghinaan ng loob dahil buhay ng mga anak niya at reputasyon ng lalaking mahal niya ang puwedeng masira kung paiiralin niya ang takot niya. “Finally!” Napaigtad siya nang bumukas ang pinto at marinig niya si Miss Kelly. “Lalabas ka rin pala sa lunggang pinagtataguan mo pinapahirapan mo pa ako.” Nagtagis ang kaniyang mga bagang at matalim niya itong tiningnan. “Ibibigay ko sa’yo ang anak ko pero sa isang kondisyon din, ibigay mo sa akin lahat ng kopya ng mga pútang ínang vid

