Marahas siyang napabuga ng hangin pagkatapos niyang magbihis. Dinampot niya ang kanya duffel bag na kinuha pa ni Dawn sa bahay ng mga ito para makapagbihis siya. Aminado siyang kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari ngayon. Hindi pa nga umaamin sa kanya ang dalaga saka naman siya gumawa ng isang bagay na ikatatakot nito sa kanya. Inaasahan na niya na lalayuan siya nito or worst katakutan siya nito. "Tapos ka na?" pukaw sa kanya ni Dawn. Muli siya bumuga ng hangin. Ayaw niya sana makita ang magiging reaksyon nito. Nakakatakot. Sinulyapan niya ang tatlong lalaki na magkakatabing walang malay na nakasandal sa katawan ng punong kaimito. "P-paano sila? Nakita ka nila?" pukaw sa kanya nito. Bumaling siya rito. Tinatantiya niya kung ano na ang magiging reaksyon nito

