Kanina pa siyang hindi mapakali. Ngayon ang araw na magkakaalaman na sila ni Erol. Sa tunay nitong pagkatao. Mula ng makabalik sila mg maynila mula sa kanila, sa Capiz ay hindi muna siya nito pinapasok. Tatlong araw na siya nagkulong lang sa condo unit nito. Nangako ito na sasabihin nito ang lahat-lahat sa kanya. Napaigtad siya ng bumukas ang pintuan ng unit. Agad na kumabog ng malakas ang dibdib niya. Relax ka lang,Dawn! Agad na bumungad si Tita Erin. Bakas sa magandang nitong mukha ang pagkabahala at kaba. Kasunod nito ang asawa si Mr.Darrel Dariuz. Ang huli pumasok ay si Erol. Tahimik lang ito na sinara ang pintuan. Pinuno muna niya ng hangin ang kanya dibdib bago niya binati ang mga ito. "M-magandang gabi po,Tita Erin,Mr.Darrel!" kabado niyang bati sa mga ito. Agad na nilapitan

