Hindi niya alam kung maiiyak o hindi dahil sobrang init na pagtanggap sa kanya ng buong pamilya ni Erol. Ang naggagandahan mga Tita ni Erol. Mga hindi mo aakalain na mga lobo pala! "Wala ka bang pangontra sa selos? Ipapasuot ko lang kay Dwayne,minsan kasi gusto ko na banatan ang isang iyun sa sobrang seloso," untag ni Devie,ang asawa ni Dwayne na anak ni Tita Debbie. Natutuwa nga siya dahil magkapangalan pa ang magbiyenan,isa sa Tita na binanggit ni Erol na may pagkaweird dahil sa nakakaintimidate nitong kulay itim na mga mata pero agad din siya naging komportable dahil mainit siya nito niyakap . Ngumiti siya rito. "Wag ka mag-aalala magpapagawa ako kay Nanay," pagsakay niya sa sinabi nito. Natatawa kumindat ito sa kanya. Napaka-Cool nito mukha siga pero napakaganda at friendly nito.

