Mahigpit na nakayakap siya ka Erol habang walang kahirap-hirap itong lumulundag sa matataas na kahoy. Nakakalula at nakakapangamba pero dahiL may tiwala siya kay Erol na hindi siya mahuhulog mula sa mataas na lugar ay kahit papaano naeenjoy naman niya ang pamamasyal nila ni Erol. Inilibot siya nito sa sagradong-gubat kung saan tirahan ng magkakapatid na Stonex. Napakagandang kagubatan. Tila siya nasa ibang dimensyon sa sobrang ganda ng lugar. Lumapat ang mga paa niya sa malapad na bato. Namamangha tinanaw niya ang lugar mula sa itaas ng talon. "Wow! Para tayo nasa paraiso!" mangha saad niya. Niyakap siya ni Erol mula sa likuran niya. "Nagustuhan mo ba dito?" usal nito sa may leeg niya. Agad na tumango siya ng sunod-sunod. "Sobra! Hindi ko akalain na makakatuntong ako sa ganitong kla

