"Para kanino mo ba ito ibibigay?"pagtatanong ni Gian sa kanya. Pinuntahan niya sa bahay ang Tita Gabbie niya para sana magpagawa ng Rose Cake kaso kasama pala ito ng Tito Kian niya,ugali taLaga ng Tito Kian niya na isama ang Tita niya,paano libre sa pamasahe at wala pa mako-consume na oras. Segundo lang at dahil iyun sa kakaibang kakayahan ng kanya Tita Gabbie. Ang magteleport. Kaya naman ang pinsan niyang si Gian ang ginambala niya. Hindi lang ito Culinary Chef,baker pa ito! Hindi lang yun business minded din. Pinanuod niya ang pagkakaayos nito sa cake sa lagayan. Isang kulay Rose pink iyun. Rose petals ang toppings niyun. "Sa isang kaibigan," sagot niya. Mataman siya nito tinitigan. "Baka naman natagpuan mo na din ang mate mo?" hinala nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito

