Natigilan siya ng makita ang isang bulaklakin na parisukat na box. Tamang-tama lamang ang laki niyun. Napangiti siya. Siguradong galing iyun kay Tita Erin. Naeexcite na binuksan niya ang box. Napasinghap siya ng makita ang laman niyun. Isang Cake! Dinampot niya ang isang parang petal ng bulaklak. Malambot yun. Parang petal nga ng isang rosas. Tinikman niya iyun. Nanlaki ang mga mata niya na totoong petals yun! Gusto niya na talaga sunggaban ang masarap at kaayang-ayang cake na nasa harapan niya kaso nanghihinayang naman siya sa ganda ng pagkakadisenyo niyun. Masaya siya napangiti. Napakasweet talaga ni Tita Erin sa kanya! Muli niya iyun tinakpan. Mamaya na niya kakainin iyun. Agad na kinuha niya ang lumang celpon niya at tinawagan ang taong nagbigay niyun sa kanya. Ngunit bago pa ma

