Chapter 6

1862 Words
Chapter 6 Flames I woke up feeling entirely bad. Hindi ko alam kung bakit... Siguro ay gutom lang ako. Bumaling ako kay Apxfel na mahimbing pa ang tulog. Pinindot ko ang kanyang ilong. Saka ko lang naisip na ang rude ng ginawa ko kasi natutulog pa siya tapos ako ay nanghaharot. Unti unting dumilat ang mga mata niya. "Ang aga mong magising, wife." sabi niya na nakangiti. Dahan dahan din siyang bumangon. "Good morning." "Gutom ata ako." bungad ko at siya naman ngayon ay natawa. "Lagi naman, wife." Mahina kong pinalo ang kanyang braso. Hindi ako laging gutom, ano! Minsan lang kaya. Tss! "Anong gusto niyong kainin ni Baby Talia?" tanong niya. Nagkibit balikat lang ako at nagsungit sungitan pa. Akala ko ay susuyuin niya ako, pero mas lalo siyang natawa. "Ang cute mo!" sabi niya sabay ang pag yakap sa akin. "Si Aling Sungit ka talaga." Hmp! Ako masungit? Kailan? Saan? Hindi naman ha. Bumitaw ako sa yakap. "Ikaw naman si Manong Kumag!" pag bawi ko sa kanya. Mas tumawa lang siya. Ano kaya ang dapat kong sabihin para mainis naman siya? Hmmm. "Makapag swimming nga mamaya. May binili pa naman akong bikini..." saad ko sabay tayo sa kama. Pag lingon ko ay nakasibangot na siya. Hah! Nakabawi rin ako! "What did you just said?" seryoso pang tanong nito. Ako naman ngayon ang natawa. "Joke lang!" sabi ko. Lumapit siya lalo sa akin at marahan na pinisil pisil ang aking mukha. Bakit? Mukha na ba akong stuff toy ngayon? Ang taba ko na ba talaga?! Naramdaman ko na lang bigla ang gutom. "Hubsky, parang gusto ko ng... tocino. Ay hindi hindi... Umm, tapa na lang pala." habang nalilito pa rin kung ano ba ang talagang gusto ko. Humiga ako ulit. Si Apxfel naman ay tumawag upang umorder ng breakfast namin. Napatingin naman ulit ako sa dingding at natulala roon. Mas maganda ang dingding ng hotel rooms namin kaysa rito. Maganda rin naman ang hotel na ito pero marami pa rin silang kakulangan. Siguro dahil ay bago pa kaya ganoon. Walang heater sa comfort room. Dapat ay mayroon. Kung titignan ay tila wala rin silang close-circuit television. Wala nga ring silang fire sprinkler system. Ang mga tauhan nila ay kaunti lang din. Paano na lang kung marami ang tourists? Mangangarag ang mga tauhan. Kapag nakausap namin ni Apxfel ang may-ari ay magsusuhestiyon ako sa mga bagay na maaari niyang idagdag. Napahinto ako sa iniisip nang may naramdaman akong humiga sa kama. Bumaling ako kay Apxfel. "Hey." bati niya. Itinapat niya ang kanyang mukha sa tiyan ko. Tila ba pinapakiramdaman niya ang aming baby. Hinaplos ko lang ang kanyang buhok. "Hindi siya sumisipa." sabi ni Apxfel tapos ay nakakunot ang noo. Agad naman akong natawa. Gusto niya kasing nararamdaman lagi si Baby Talia. Kaya tuwing nararamdaman kong sumisipa ito, tinatawag ko agad si Apxfel. "Hindi, e. Mamaya tatawagin kita." sabi ko sa kanya. Inilapat niya naman ngayon ang kanyang labi sa tiyan ko. "Daddy wants to see you na." ani Apxfel. Sa aming dalawa, mas sabik talaga si Apxfel na magkaroon ng anak. Sabik din naman ako pero palagay ko ay mas sabik siya. Noon pa man kasi ay may hilig na siya sa mga bata. On the past months that I've been pregnant, he never fails to take care of me. Pag kailangan ko siya andiyan siya. Binibigay niya ang lahat mapa pagkain man iyon o atensyon. Nagtakaka nga ako minsan kung bakit hindi siya napipikon sa akin. Alam ko naman kasi na nakakairita rin ako kung minsan. Lalo na nung panahon na gusto ko ng kulay rainbow na saging. "Paguwi natin sa bahay, gusto ko dagdagan iyong mga litrato na nilagay natin sa kwarto ni Baby Talia." saad niya. "Maganda nga iyon." pagsangayon ko. Kami ni Apxfel ang mismong nagdecorate sa kwarto ng magiging baby namin. Nais kasi namin na kami ang magayos nun. Si Apxfel ang nag pintura sa buong kwarto. Isang linggo niya yata iyong ginawa niyang pagpipintura. Tapos ay ipinwesto namin ng maganda ang bawat gamit. Ang crib, ang cabinet, ang mga mumunting laruan at kung anu-ano pa. Talamak din ang matitingkad na kulay dahil iyon daw ang unang maaaninag ng mga sanggol. I smiled while remembering all the things we did in Baby Talia's room. Ngayon ay ayos na ayos na iyon. Ang huli naming ginawa ay iyong pagdidikit ng mga pictures namin ni Apxfel. Simula sa litrato na hindi pa ako buntis, sunod ang litrato sa aking unang buwan ng pagbubuntis hanggang ngayon na anim na buwan na. It's like our very own memorabilia of my pregnancy. Stages kumbaga. Excited na ako makapagdikit ng picture kung saan buhat na namin pareho ang aming baby. Humiga kami pareho ni Apxfel. Siya sa unan, ako naman ay humiga sa kanyang braso. "This is the life I always dream of having." sabi niya. Napatingala ako dahil sa narinig ko. Tanging ngiti lang ng labi ang nakita ko nang bumaling ako sa kanya. "Simula nang maging tayo ay talagang pinangarap ko na na maging asawa ka. And now that we are having a child, it gives me all the happiness I could have in the world." anito. Sobra yatang nahabag ang damdamin ko sa sinabi niya kaya natulo ang luha ko. "Why are you crying, wife?" alalang tanong niya. Umiling lamang ako. "I'm just so happy." sagot ko. Inihiga niya ako ng maayos sa kama. Pumaibabaw siya sa akin. "You have no idea how much I love you... And how much I am willing to do anything for you." he said. Nagkatinginan kami ng ilang saglit. Napasinghap na lang ako ng maramdaman ko ang labi niya sa aking labi. It is soft... It is warm. It's so good. "Mahal na mahal kita. Kayo ng magiging baby natin." aniya. Hinalikan niya muli ako sa aking labi. Every time that his lips touch mine are sending shivers down my spine. "Lagi mo iyon tatandaan." he added. Napatahimik na lamang ako. I'm speechless. I am always speechless when he is saying those kind of things! Iyong kahit na alam ko naman ang dapat sabihin ngunit wala akong masabi. Nakita namin na maganda ang panahon sa labas kaya napagdesisyunan naming dalawa na mag stroll at mag swimming ulit mamaya. Huli na rin iyon dahil uuwi na kami sa gabi. Maganda na sulitin na namin. "Maliligo na muna ako." sabi ko kay Apxfel. Gusto ko kasi na presko na ako bago mag almusal. Papasok na sana ako ngunit hinablot niya ng dahan dahan ang kamay ko. Sunod ay yinakap niya ako ng mahigpit at humalik sa aking leeg. "Kahit hindi ka naman maligo... ang bango bango mo." Humarap ako sa kanya at inamoy ko naman ang kanyang dibdib. "Hindi ka amoy tapa." sabi ko sabay nguso. "Gutom ka na nga." he said while smiling. Pumasok na ako sa comfort room. Dala dala ko na rin iyong dress na isusuot ko para mamaya sa pag stroll namin. Bubuksan ko na ang shower ng marining ko si Apxfel. "Wife, bababa muna ako sa lobby ha? I'll have a follow up order. Itatawag ko na lang sana pero may gusto rin akong itanong personally sa staffs." anito. "Okay, hubby!" sigaw ko dahil binuksan ko na iyong shower. Narinig ko siyang sumigaw ulit. "Gusto mo bang initan kita ng tubig? Baka malamig iyan at ginawin ka?" Umiling ako na para bang nakikita niya ako kahit hindi naman. "Hindi na." sagot ko. "I love you!" Nag simula na akong kuskusin 'yung shampoo sa buhok ko. Natagalan pa ako dahil hindi ko makita iyong sabon. Ayaw ko naman gamitin ang sabon ng hotel. Hindi ko gusto ang amoy nun! Nakita ko ang sabon. Natakpan lang pala ng tuwalya ko! Matapos kong maligo ay nag tapis na ako. Ang blower kasi ay nakakabit rito sa bathroom kaya dito na ako mag papatuyo ng buhok. Wala rin kasi akong blower na dala, e. Ang tagal bago ko mapatuyo at maayos ang aking buhok. Okay lang dahil wala pa rin naman yata si Apxfel. Doon na rin ako nag bihis. Bistida na maluwag at kulay puti ang aking isinuot. Dapat nga ay isusuot ko ito sa birthday ni Apxfel nun. Pool party sana kaso ay hindi ko na itinuloy ang planong iyon. Isang beses kasi ay nakita ko siyang patingin tigin sa magazine kung saan may parte na sa California kinuhaan ang shoot. Gandang ganda siya. Umabot sa punto na may lugar roon na wallpaper niya sa phone. Ako iyong lockscreen at California ang background picture kaya naman instead of pool party, I planned to book a flight in Cali. Mag lalagay pa sana ako ng make-up ngunit parang may mabaho akong naaamoy. Agad akong lumabas sa CR at nagulat na lang ako ng may apoy na sa paligid ng kusina. Na estatwa na lang ako. Hindi ko alam ang aking gagawin. s**t! Anong gagawin ko?! Hindi ako makakalabas dahil humarang na ang apoy. "Apxfel! Hub hub!" sigaw ko. Nauubo na rin ako dahil sa mabahong naaamoy. Nanlalabo na rin ang mata ko sa usok. "Tulong!" Panginoon, tulungan niyo po ako. Hindi na magkandamayaw ang luhang tumutulo sa mata ko. Takot na takot ako. Babalik na sana ako sa loob ng comfort room nang may marining ako sigaw. "Wife!" Agad akong lumigon ng makita ko si Apxfel. Kitang kita ko ang panic at pagalala sa kanyang mukha. "I'll get you out of there!" sigaw niya. Hindi ko alam. Gusto kong makakalabas ako rito ngunit paano? Kalat na ang apoy sa kusina. Kaunti na lang at aabutan na ang comfort room. Kaunti pa at aabutin na rin ang sala kung nasaan si Apxfel ngayon. "Wag kang lalapit!" sigaw ko. Ginamit ko ang buong lakas para lamang maisigaw iyon ng malakas. Delikado. Sobrang delikado. "Wag kang lalapit, please!" sigaw ko pa ulit pero huli na. Hinakbangan niya ang apoy na nakaharang. Mababa pa iyon, ngunit ang pangalawang apoy na kailangang daanan ay mataas na. May pitsel siyang dala at sinubukan buhusan ang apoy ngunit wala iyong nagawa. "Wag ka ng lumapit! Lumabas ka na! Humingi ka na lang ng tulong, hubby!" muli kong sigaw. Iyan na lang ang naisip ko. Iyan na ang pinaka sigurado kong solusyon upang makalabas kami pareho dito. Kung ipipilit niyang kunin ako ay baka pareho kaming maiwan dito. I saw frustration in his eyes. Hindi niya mahahakbangan ang sumunod na apoy, masyadong mataas iyon. "Wife, I'll f*****g get you out of there. I promise!" Humahangos na siya pero hindi siya umaawat sa pagsubok na makatalon. Umiyak na ako ng umiyak. Marahas kong pinunasan iyon dahil mas nanlalabo lang ang paningin ko. I am so scared. Bumalik ako sa bathroom at sinubukan kung aabot ba iyong shower kahit sa pintuan lamang ngunit hindi. Kahit ang bidet na mas malapit sa pinto ay hindi abot. Lumabas ako at nakitang mas kumakalat lang ang apoy. "Umalis ka na! Call a fireman!" I shouted. "Hindi ko kayo iiwan ni Baby Talia! Hindi ko kaya na iwan kayo dito!" Sasagot na sana ako ngunit unti unti kong naramdaman ang pagsikip ng aking hininga. "Apxfel!" sigaw ko ng makita ang mga kahoy na nalaglag kay Apxfel mula sa dingding. Mas lalo pang nanikip ang aking pag hinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD