Chapter 5

1787 Words
Chapter 5 Quail Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Umaga na pala. Napatingin ako sa tabi ko at wala na roon si Apxfel. Nasaan kaya siya? Bumangon ako at lumabas na ng bedroom. Tuwing nagigising kasi ako tapos ay wala na siya sa tabi ko, gusto ko na ding bumangon kaagad. Ewan ko ba. Paglabas ko ay agad akong may naamoy na luto. Wait... is he cooking?! Pumunta agad ako sa kusina. Nanlaki ang aking mga mata. Oh gosh. He is really cooking! Bumungad ang kanyang likod sa akin. He's topless... tanging boxers lang at apron ang suot niya ngayon. His hair is messy and his muscles are flexed... God. Nang tumalikod siya ay saka niya lang ako nakita. Umalis agad siya malapit sa may stove at pumunta sa akin. Nakailang lunok ako ng laway habang naglalakad siya papalapit. He looks so hot. What the heck?! "Good morning, wife. Gigisingin na rin dapat kita pagkatapos kong mag luto... Gising ka na pala." sabi niya. His happiness is evident on his face. "Good morning." Iyon na lang ang nasabi ko. Yumakap na kasi ako sa kanya. "You're clingy." he said while hugging me back. "Please, wear a shirt. Hindi ko kakayanin. Baka mag crave ako sayo." Humagalpak siya sa tawa sa sinabi ko. Seryoso kaya ako! "Are you attracted, wife?" panunuya niya. Umirap na lang ako sa kanya at nagtungo na doon sa lamesa. "Bakit ikaw? Hindi ka ba attracted sa'kin? Mukha na ba akong refrigerator?!" sigaw ko. Lumapit siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Hinawakan niya ang baywang ko. "I'm always attracted to you, Abigail." Napatingin ako sa mga mata niyang tila ba nilulunod ako. Ibinaling ko na lang ang sarili ko doon sa pinggan na nakatakip sa may lamesa. "Anong niluto mo?" tanong ko. Hindi ko na inantay iyong sagot niya. Tinignan ko na agad kung ano ang nasa pinggan. Hotdogs ang nakita ko roon. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Naalala ko kasi iyong unang beses niya itong iniluto sa'kin... Sunog lahat. "Hindi na 'yan sunog!" pagmamalaki niya. Para bang tuwang tuwa siya na hindi nasunog iyong luto niya. Tinignan ko naman iyong luto at agad akong natawa. "Hindi nga sunog... hindi rin naman luto!" sabi ko. Hindi ko mapigilang hindi matawa. Siguro ay ingat na ingat siyang huwag iyon masunog kaya hinango niya agad! "Hindi luto?!" Tumango tango sa kanya. "Ni hindi nga bumuka 'yung hiwa, hub hub e!" "Tss. Hindi ko naman kasi hiniwa, wife. Kailangan ba?" anito na ikinatawa ko nanaman. Ang cute niya! "Pipritusin ko na lang ulit." suhestiyon ko pero pinigilan niya ako. "Hindi ko na iyan luto pag ginawa mo 'yun. Ibigsabihin... I failed to cooked for you." ngumuso siya. Pinindot ko ang kanyang braso. "Wag ka na malungkot..." sabi ko. "Sige, ikaw na ang mag prito ulit, pero gagabayan kita. Sasabihin ko na lang pag luto na." Nagbago agad ang kanyang mood. Masaya siyang tumango at bumalik sa stove. Matapos naming kumain ng luto niya, nag gayak na rin kami para makapamasyal dito sa resort. I wore a dark blue tapis and a black two piece underneath. Hindi naman see through iyong tapis kaya walang problema. Naglakad lakad kami. Napansin ko na iyong hotel na tinutuluyan namin ay may kalayuan sa ibang mga establishment na narito. Siguro ay gusto ng owner na kitang kita iyong hotel kaya walang establishments na nakadikit. Talagang kailangan mong mag lakad pa ng ilang dipa. Bumili muna kami ng frappucino bago tumungo malapit sa pampang. Gusto ko kasi bigla ng frappe, e. Naupo muna kami sa buhangin. Kinuhaan ko ng litrato ang dagat, pati na rin iyong paa ni Apxfel. Natawa nga siya... bakit paa niya daw ang kinukuhaan ko. Bakit hindi daw ang kagwapuhan niya! Ibinaba ko ang dslr at inilabas ang phone ko... mas maayos kasi doon mag selfie. "Picture tayo!" pag anyaya ko kay Apxfel. Siguro ay mga naka sikwentang shots kami. Sa huling picture nga ay nakabusangot na si kumag. I giggled while looking at the photos. Nang mahinahon na ang mga alon, napagdesisyunan na naming mag swimming. Maligamgam ang tubig alat sa unang paglubog ngunit habang tumatagal ay lumalamig na rin sa pakiramdam. Gusto ko pa sanang lumayo pa pero huminto na kami sa paglalakad nang ang tubig ay nasa baywang na namin. "Dito lang tayo?" tanong ko. Tumango naman siya. "Baka kasi mamaya biglang tumaas ang alon, ako matangkad... e ikaw." Tumawa pa siya pagkatapos niya iyong sabihin. Tss! Kumag! "Matangkad din naman ang height ko sa babae! Lalaki ka lang!" bulyaw ko rito ngunit hindi pa rin siya nagpaawat. Binasa basa pa ako ng tubig alat! Binasa ko rin siya bilang pag ganti. Natawa kaming dalawa sa ginagawa namin, para kaming mga bata! Lumapit siya sa akin at humalik sa aking noo. Yumuko rin siya upang makahalik sa aking tiyan. "Ang kulit ng Mommy mo, Baby Talia." sabi nito. Tila ba nagsusumbong sa aming baby! Nagpatuloy pa kami sa pagbababad sa dagat. Nang medyo tumaas na ang mga alon ay umahon na rin kami. Sayang nga, gusto ko sana sumakay sa banana boat o kaya naman ay sa jetski kaso delikado ako kaya hindi na lang. Nahiga ako sa sun lounger. Si Apxfel naman ay umupo sa paanan ko... maaari naman siyang humiga doon sa isa pang sun lounger pero nanatili siya roon sa aking paa. "Let's stroll around?" pag anyaya ko rito. Tumango naman siya. "Aren't you hungry?" tanong niya pa sa akin. "Medyo... parang gusto ko ng mais con yelo. 'Yung may ice cream sa ibabaw!" excited kong sabi. Nag stroll kami at naghanap ng mais con yelo. Mayroon naman agad kaming nahanap doon pa lang sa unang resto na pinuntahan namin. Patuloy kaming naglakad lakad habang kumakain. Halo-halo naman ang kanya. This resort is really nice, I'll recommend this to my friends. Bago pa lang ito kaya naman marami pa ang malawak na lupa. Kakaunti pa lang ang mga bilihan kumpara sa mga napuntahan na naming resorts. Maganda rin na medyo kaunti lang ang mga tao. Pag crowded kasi ay hindi mo masyadong ma-appreaciate ang lugar. Nakakita ako ng quail eggs sa isang cart kaya naman lumapit ako roon. Inunahan ko na si Apxfel sa paglalakad dahil na excite ako sa quial eggs na nakita ko! Ang sarap sarap kung tignan! Bibili na sana ako pero na kay Apxfel nga pala ang aking bag. Lumingon ako sa aking likod ng may dalawang babae akong nakita sa kanyang harapan. They are blocking him... Kaya hindi siya siguro nakasunod sa akin kaagad. Kumunod ang noo ko. Lalo na nung makita ko ang balingkinitan nilang katawan. Nakasuot sila ng sobrang revealing na damit. Tsk! Sana ay naghubad na lang sila. Nahiya pa! Sus. Mas sexy naman ako sa kanila nung hindi pa ako buntis, ano! Hindi agad ako lumapit, pinakinggan ko muna ang sinasabi nung dalawang hipon sa aking asawa. "Why? The party is going to be lit! I promise, it will be so much fun." sabi nung babae na kulay pula ang buhok. Hindi ko nga sigurado kung masasabing red hair iyon, marami rin kasi iyong itim na buhok niya. Ombre ba iyan? Ang pangit naman. Saan niya yan pinagawa? O baka naman crepe paper lang. "Sumama ka na Mr. Handsome. Drinks on us!" sabi naman nung isang babae na malaki ang puwet. Sus! Tigilan mo ako sa pa foam mo, Ate. Kitang kita ko ang agad na pag iling ni Apxfel. "I can't." maikling sabi niya. Talamak din sa kanyang mukha ang pagkairita. "Why? Do you have a girlfriend?" tanong pa nung babae. Wala siyang girlfriend. Asawa mayroon! "I don't have a girlfriend. I have a wife." matigas na sagot ni Apxfel. "Pwede mo namang hindi na lang sabihin..." sabi pa ni Ate. Putukin ko kaya iyang foam sa puwet mo! Tumawa si Apxfel na para bang napaka ridiculous nung sinasabi nung babae... Well, it's really ridiculous anyway. The two girls are hideously ridiculous! Tigang lang?! "I can't go simply because I don't want to go. And never would I wanted to... So now, can you please excuse me? Inaantay na ako ng asawa ko." Pinuntahan ako ni Apxfel. Nasa malapit lang ako kaya naman nalapitan niya agad ako. He instantly held my hand. Kitang kita ko ang panglulumo nung dalawang babae. Tinaasan ko na lamang sila ng kilay tapos ay hinatak ko na si Apxfel patungo sa bilihan ng quail eggs. Habang kumakain ay inirapan ko si Apxfel. "Bakit, Mrs. Sungit?" pang-aasar nito. "Tss! Gustong gusto mo siguro iyong dalawang babae na lumapit sayo, ano. Kung hindi mo ako nakita ay malamang pumayag ka ng sumama roon sa party nila." patampong sabi ko. Ibinaba niya ang kinakaing quail eggs at hinawakan ang mga balikat ko. "Wife, kailan ba ako nahilig sa party? At kailan ba ako may pinuntahan na hindi mo alam simula noong ikinasal tayo?" mahinahon niyang sabi. Nanatiling tikom ang aking bibig. "I would never do anything to make you feel bad. Mamatay na lang ako kaysa gawan ka ng masama." sabi niya. Agad kong pinalo iyong braso niya ng marinig ko ang salitang 'mamatay'. "Don't say that." sabi ko at saka nag pout. Mahina niya namang pinang gigilan iyong pisngi ko. Nang mapagod na kaming dalawa sa pamamasyal, bumalik na rin kami sa hotel. Madilim na rin kasi. Mabilis lumipas ang oras... Pag talagang natutuwa ka sa ginagawa mo, hindi mo namamalayan ang takbo ng oras. Tila ba kay bilis. Nahiga ako sa kama pagkatapos mag banlaw. Si Apxfel naman ngayon ang nagbabanlaw sa comfort room. I don't know why I suddenly felt strange. Pangatlong araw na namin bukas, pero parang gusto ko ng umuwi ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Patuloy kong tinignan ang dingding. Hindi ako mapakali... Ang weird bigla ng nararamdaman ko. Pumasok na si Apxfel sa kwarto kaya naman napatingin ako sa kanya. He's wearing a white v-neck shirt and boxers. "Are you okay?" tanong niya. Umiling ako ng bahagya. Agad naman siyang lumapit sa akin. "Why?" muli niyang tanong. Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo na lang sa kama. "Gusto ko ng umuwi." sabi ko rito. Tumabi naman siya sa akin. "Bakit, wife? Pangatlong araw naman na natin bukas, uuwi na rin tayo." anito habang hinihimas ang aking likod. "Wala ito... napagod lang siguro ako. Tama ka, uuwi naman na rin tayo bukas." sagot ko. "But if you really want to go home now, pwede kong gawan ng paraan." sabi nito. "May masakit ba sayo?" Kitang kita ko ang kanyang pag-aalala sa akin. Umiling ako. "Okay lang ako... Napagod lang siguro. O kaya baka namamahay si Baby." I told him. Tumawa rin ako para hindi na siya mag-alala pa. Nahiga na kami pareho ngayon. This day is really tiring I guess...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD