Chapter 4

1686 Words
Chapter 4 Sea Side Pumunta na kami ni Apxfel doon sa restaurant. Para bang nasa ibang bansa kami dahil sa banyagang disenyo ng resto. Iginaya kami ng Waiter sa isang table, bago pa kami makaupo ni Apxfel ay may pamilyar na boses kaming narinig. Tumalikod kaming dalawa. Nakita namin doon si Mr. Mendoza na nakaupo, may kasma siyang babae. Iyon yata ang kanyang girlfriend. "Mr. and Mrs. Gonzalez." banggit ulit nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Apxfel sa kamay ko. Ngumiti lamang ako kay Mr. Mendoza at sa girlfriend niyang nakahalukipkip. Lumipat naman ang tingin ko sa asawa ko. Umigting ang panga niya habang tinitignan si Mr. Mendoza. "I thought you're going to the Margarita's, Mr. Mendoza." sabi ni Apxfel. Nagpakawala ng mapanuyang ngiti si Mr. Mendoza. "Yeah... nagkamali lang ako. I thought my girlfriend is waiting at Margarita's. Nandito pala siya." Agad namang tumingin ang girlfriend nito sa kanya. "What are you talking about?" mahinang tanong nito. Hindi siya binigyang pansin ni Mr. Mendoza. Inaya niya pa kami ni Apxfel na umupo sa table nila. "It's okay, Phillip. Dito na kami sa kabilang table." Apxfel said. So Phillip ang pangalan ni Mr. Mendoza? Kung hindi ako nagkakamali, siya yata ang binabanggit minsan ni Apxfel... Iyong may-ari ng bagong hotel malapit sa area kung saan nakatayo ang isang hotel branch namin. Si Phillip Mendoza. "I insist. Dito na lang din kayo... Unless may iniilag ka sa'kin?" tanong ni Phillip. Nakataas pa ang kilay niya. Kumunot naman ang noo ni Apxfel. "I just thought that maybe you wanted an alone time with your girlfriend, as I wanted an alone time with my wife." Akala ko ay matatahimik na si Phillip sa sinabi ni Apxfel, pero hindi pa rin. "Well... I'm just trying to be polite and friendly. My girl and I can have an alone time later, right hon?" pag baling niya sa kanyang girlfriend. Tumang tango lang iyong babae. "Are you threatened?" tanong ni Phillip na ikinagulat ko. Nagtiim bagang si Apxfel. Hinila niya ang upuan sa harap nung girlfriend ni Phillip, inilahad niya ako sa upuan para makaupo roon. Umupo naman si Apxfel sa tabi ko. Magkaharap sila ni Phillip. "And why would I be? That word is not in my dictionary, Phillip. After all, a ranked one hotel doesn't comes close to ranked ten." matalas na sabi ni Apxfel. Tumawa ng mapait si Phillip. "I wasn't even talking about that, Christan." sabi nito sabay ang pagtingin sa akin. Apxfel closed his fist. Mataas ang intensidad na pumapagitna sa dalawa. Hindi ko na alam kung business pa rin ba ang pinaguusapan nila. Gutom na ako, ano ba yan... "Anyway, this is Mela. Mela, meet the Gonzalez'." pagpapakilala ni Phillip sa kanyang girlfriend. Ngumiti iyong babae. Masaya yata siyang pinakilala siya ni Phillip sa amin... samantalang ako ay naiirita na sa gutom. "We've met here at the resort." dagdag pa nito. Napatingin naman ako sa kanya. What the hell? Ngayon lang kami dumating, malamang ay siya rin dahil pare-pareho lang naman kami ng inbitasyon na natanggap. So sa pagdating niya kanina, nagka girlfriend na siya agad? Ano 'to? Pang fubu lang?! "Please take your order. It's my treat." sabi pa ni Phillip. Agad na tumutol si Apxfel. "I can pay." mariin niya sinabi. "I can even buy this resto." bulong pa niya. Hindi yata iyon narinig ng mga kaharap namin pero ako rinig na rinig ko. Natawa akong ng bahagya. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagkakumag niya kahit isa na siyang kilalang tycoon. Patuloy pa silang nag usap ni Phillip tungkol sa business. Hindi ko masasabing pormal ang kanilang usapan dahil parang pareho lang naman silang nagyayabangan. Nagkibit balikat na lang ako at kinain ang appetizer. Gusto ko sanang kausapin si Mela kaso gutom na ako, e. Dumating na rin ang inorder ni Apxfel para sa aming dalawa. Sabay din nun ang pag dating ng order nila Phillip. Wine lang kasi ang nasa lamesa nila nung dumating kami. "Mrs. Gonzalez, what do you think about the resort?" tanong sa akin ni Phillip habang sumasandok ng pasta. "It looks great... the hotel seems fine." sabi ko. "Our three days stay will be memorable, for sure." Para bang nagtaka si Phillip sa aking sinabi. "Three days?" tanong niya. Tumango lamang ako. "Are you sure? My invitation is for two days only." sabi ni Phillip. Nagkatingan kami ni Apxfel. "Baka two days lang, nagkamali yata ako ng basa." baling ko rito. "Let's check the invitation later." sabi naman ni Apxfel sa akin. Dahil kinausap ako ni Phillip, bigla akong naging interisado sa hotel na pinamamalakad niya. "So Mr. Mendoza, what inspired you to build your own hotel?" tanong ko. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo. Si Apxfel naman ay tahimik lang at humihigop ng soup. "Well... our cafes isn't enough for me. Kahit kalat na ang branches 'non dito sa pinas, I believe that I still need a bigger investment." kwento nito. Tumango tango lang ako at kinuha iyong maliit na mangkok na hinigupan ni Apxfel ng soup kanina. "Patikim." sabi ko. Apxfel laughed and ruffled my hair. Humalik pa siya sa aking balikat na tila ba kami lang ang tao na naroon sa lamesa. Matapos kumain ay nagpaalam na kami sa kanila. Hindi pa sila agad tumayo kaya nauna na kami. Naramdaman ko ang hawak ni Apxfel sa aking baywang. "The nerve of that guy." utas niya. Natawa agad ako sa kanya. "Why are you so affected?" biro ko. Tumikhim si Apxfel. "I'm not! I just hate how he looks at you! You're pregnant already, pero kung makatingin siya..." hindi niya matuloy ang kanyang sinasabi dahil mas natawa pa ako. "You're jealous!" pang-aasar ko. Tumaas lang ang kilay niya. "The next time we meet again at ganoon pa rin ang titig niya sa'yo, sasapakin ko na siya." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "You don't need to be jealous, sayo lang naman ako, e." He smiled and carefully carried me. Nagulat ako ng kaunti sa kanyang ginawa. Nagsimula siyang maglakad habang karga karga ako. "Saan tayo pupunta?" I asked. "At the sea side... upo tayo roon. Gusto kong mas makita ang mga alon." sabi niya. "Do you want to swim?" tanong pa ni Apxfel. Umiling naman ako. "Gusto ko lang din munang pag masdan ang dagat." Dahan dahan niya akong ibinaba. Kinuha niya iyong panapis na dala ko at inilatag sa buhangin para upuan. Umupo kaming dalawa roon. Sumandal ako sa kanyang balikat. Sabay naming pinagmasdan ang dagat. Ang mga mumunting alon... ang mga taong naliligo at nagtatawanan... ang puting mga ulap. It's very relaxing. Unti-unti kong naramdaman ang kanyang braso na pumulupot sa akin. "I remember the last time I stared at the waves... I broke my heart." sabi nito. Yumuko ako at tinignan ang mga buhangin. "You broke mine too." I said. "I know." bulong niya. "I'm sorry." Pumikit ako at inalala ang nangyari noon... 'Yung sa Boracay. 'Yung sinabi niya na mahal niya ako ngunit may mas mahal na siyang iba. Masakit man balikan pero ayos lang. We both know why he did it. And I understand. Dumilat ako at tinignan siya. He looks like he really regret what he did. "Don't worry about it. Tapos na 'yun. I'm just really really happy that we're together now. After all what happened..." saad ko. Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. "I am really happy too, wife. Hindi mo lang alam... Happy is even an understatement of what I feel." Hinalikan niya ako ng mariin. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang labi. "Wife, I think we should go back to our room." he said after his raging kisses. Pinalo ko ang kanyang braso at napahagikgik. "Mahiya ka nga kay Baby Talia. Tsk, perv!" biro ko. Tumawa siya at humalik sa aking malaking tiyan. "Your Daddy and Mommy can't wait to see you Baby Talia." ani Apxfel. Tinignan ko siya... hindi ko alam kung bakit parang may gustong bumagsak na luha sa aking mga mata. Siguro ay masayang masaya lang akong talaga... Paniguradong magiging triple pa iyon kapag lumabas na si Baby Talia. "Do you want to be with me... forever?" I asked. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko iyon natanong. I just want to hear his answer. Tumingin siya sa aking mga mata. "Hindi mo na kailangan itanong pa iyan, Wife." anito. Muli niyang hinawakan ang aking pisngi. "Because I will be with you forever..." He said and hugged me. "Kahit ano pang mangyari." Bumalik na kami sa hotel. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagod. Magandang magpahinga na kami ngayon para bukas ay maaga rin kaming magising at makapag stroll. Naalala ko iyong sinabi ni Phillip Mendoza kanina kaya naman hinagilap ko kung nasaan ang invitation. Nang mahanap ko iyon ay agad ko ring binulalat. Muli kong binasa... tama ako. Three days nga ang narito. "Hubby, three days nga ang nasa invitation natin." I told Apxfel. Napatingin ako sa kanya, topless ito at naghahanap ng pantulog na t-shirt. I can't believe how he maintained his hotness all this time. I mean... puro siya trabaho kung tutuusin. Wala siyang oras mag gym ngunit nagmumura pa rin ang kanyang abs. God! Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa invitation. Mamaya ay sa kanya pa ako mag crave. Mahirap na! "Really? Patingin ako." aniya at kinuha ang invitation. Nakabihis na siya ngayon. "Oo nga, three days." "Bakit kaya?" tanong ko. Umupo siya sa kama at ipinatong iyong invitation sa may bedside table. "Phillip is just a new hotel owner, maybe the newbies only got a two days invite... while people like us got three. Pag may nakita akong kakilala ay magtatanong din ako." saad niya. "It seems like the owner really wanted to meet us." sabi ko. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay ganoon nga. Ang sabi ni Apxfel ay may business meeting daw 'yung hotel owner at sa Sabado pa ang balik... Ang pangatlong araw namin ay sa Sabado. "O kaya nagkamali lang si Mendoza. Baka tatlong araw talaga ang nakalagay roon. Monggoloid lang siya." sabi pa ni Apxfel. Napa iling na lang ako dahil sa kanyang ka-bitteran kay Phillip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD