MABILIS naman pinaharurot ng isang bodyguard ang sasakyan siya na din ang nasa driver's seat at nagmamaniobra ng sasakyan. Halos mabilis lang sila nakarating sa may St.Lukes Medical Center. Hindi na naiparada ng maayos ang sasakyan sa may entrance dahil sa pagmamadaling makababa ang nasa driver's seat at tumawag ng staff na mag a-assist sa kanila ng agadan. Dahil madaling araw pa lang ay mabilis silang na asikaso ng mailipat ang dalagang duguan at walang malay tao sa stretchers ng ospital. Mabibilis ng kilos ng mga taong nakaagapay sa pasyenteng nakahiga sa may stretchers habang si Nelia luhaan pa ding nakahawak sa kamay ni Sav at taimtim na nagdadasal habang mabibilis din ang pag-agapay sa paglalakad. Sakto namang labas ni Natalie mula sa isang room ng makasalubongsa hallway ng hospital

