MALAKAS NA kulog na may kasamang kidlat ang maingay na naririnig sa gabing madilim.Kalangitang madilim na madilim na para bang walang pag-asang sumilip ang liwanag. Paghampas ng hanging lumalangitngit sa paligid at ulang malalaking patak na para bang bato sa bubong mula sa kalangitang nagagalit dahil sa malakas na pagbugso ng ulan. Malamig na simoy na nagmumula sa sama ng panahon. Nakakagitla at nakakaba na anumang oras may sasalantang bagyo. Halos napapatili si Sav sa tuwing sisingkad mula sa labas ang kidlat at kulog kitang kita ang pagguhit nito mula sa labas. Malalaki din ang patak.ng ulan na naririnig niya kahit nakasarado ang mga bintana ganon din.ang kurtina. Kasalukuyang nasa kwarto siya at nag-iisa wala kasi si Valentine nag-out of the country para sa isang business. Dapat ngayo

