ISANG ARAW nang umagang-umaga maagang umalis si Valentine para pumunta ng tagaytay ng biglang naisipan ni Savvy na manghiram ng selpon kay Nelia.Bumaba na ang dalaga para hanapin ang kasambahay at ng makita niya ito na nasa may garden area mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa direksyon nito. "Psssstttt..Ate Nelia"mahinang tawag ng dalaga sa kasambahay na busy sa pagdidilig ng mga halaman.Napalingon naman agad sa kanya ito bago sumagot at ngumiti ng maaliwalas."Oh Sav ikaw pala may kailangan kaba?"nakangiting sagot naman ni Nelia sa dalaga. Tumango naman agad ang dalaga bago nilibot ang paningin sa paligid.Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang mga bantay na nagkakape at ang iba naman ay nakakalat."Uhmmm..P-pwede po ba akong makihiram saglit ng selpon mo Ate?" nag-aalangan at nahihi

