"Saan ka galing Savvy?Hindi mo ba ako narinig at hindi ka na sumagot diyan?" Ulit na tanong ng binata sa dalagang tahimik lang na nakamasid sa kanya at walang ka kurap-kurap na nakatitig–mata sa mata. Tumikhim ang binata kaya napayuko ang kaharap bago sumagot sa tanong niya. "S-sa M-may kubo lang tinulungan ko si Ate Nelia na magdala ng pagkain para sa mga tauhan."nauutal na sagot ni Sav sa binata habang nilulukuban na siya ng kaba at nakayuko lang ng bahagya para hindi niya makita ang reaksyon sa mukha nito bunsod ng sinabi niya.Ano ba yan self nautal kapa sarap mong kutusan ng isa wag kang kabahan masyado hindi ka naman siguro lalapain niyang si Valentine nuh!.. Napakuyom naman ng kamao niya ang binata hinggil sa narinig na sinagot ng dalaga sa kanya,nakaramdam siya ng selos sa siste

