Tulala si Katallea habang nakatingin lang sa lalaking kanina lang ay sinasabing mahal siya. Mainit nitong pinagagapang ang mga labi mula sa leeg ni Clarise patungo sa dibdib nito. Naglalandas din ang mga kamay ng asawa niya sa makinis na balat ng kaniyang itinuring na kapatid. Gustong tumakbo ni Katallea para takasan ang bangungot sa kaniyang harapan ngunit nakatali ang mga kamay niya at kahit anong pwersa ang gawin niya ay hindi siya makaalpas doon. Manhid ang buong katawan ni Katallea habang pinapakinggan ang halinghing ni Clarise at habang parang sabik na sabik na ginagalugad ni Geo ang katawan ng babae. Ang mga daing at ungol ng dalawang taong nagniniig sa harapan niya ay hinihiwa at dinudurog ang kanina lang ay maligayang puso ni Katallea. Ngunit kung gaano man kasakit ang pala

