Ginalugad ng mga empleyado ang buong resort ngunit wala roon si Katallea. Nang tinanong ang bantay sa gate ay sinabi nitong maagang lumabas kagabi ang sasakyan ni Geo. Iyon ay dahil sa naitala niyang sa kaniyang log-book. Isang chat ang natanggap ni Geo. Larawan iyon nina Max at Katallea. Masaya ang dalawa habang naka-alalay si Max sa likuran ng kaniyang asawa. Walang emosyon na tiningnan iyon ni Geo. Masakit ang ulo niya dulot ng kaniyang nainom. Ngunit hindi pinansin ni Geo ang nararamdaman maging ang mga larawan. Alam niyang hindi aalis ng ganoon lang si Katallea lalo at wala itong mapupuntahan. Hindi pa kaya ni Katallea na bumalik sa nakilala niyang pamilya. Batid rin ng lalaki na hindi itatakas ni Max ang babae dahil puro negosyo lang ang alam niyang madalas pag-usapan ng mga ito

