Isang malakas na sampal ni Nicole ang dumapo sa pisngi ni Geo. Nagwawala ang babae na pilit inaalo ni Max. Hilam ng mga luha ang mukha nito at nanlalabo na rin ang paningin. Hindi na nasabi ni Nicole kay Katallea ang relasyon nila ni Max dahil alam niyang may pinagdadaanan ito sa kamay ni Geo. Inisip din ng dalaga ang kapakanan ng kaniyang kaibigan kaya tiniis niyang layuan muna pansamantala si Katallea. "Kahit hindi kami nag-uusap ni Katallea ay alam ko what is happening inside your house! Masaya ka na bang nakapaghiganti ka na, Geo Arevalo?" sigaw ng dalaga sa harapan ng pagmumukha ng nagluluksang lalaki. "Sinayang mo ang buhay ng kaibigan namin. Sinayang mo ang mga pangarap niya. Wala kang kwentang tao, wala, Geo!" Manhid si Geo sa lahat ng naririnig niya. Ilang oras na ang nakalip

