Sinadya ni Geo na hindi isarado ang pinto para marinig ni Katallea ang lahat mula sa kaniyang silid. Ayaw na niyang saktan physically ang asawa pero gusto niyang iparamdam sa babae kung gaano kasakit ang pagtaksilan. Subalit hindi iyon ang dahilan kung bakit niya iniuwi ang babae. Gusto niyang makita kung magseselos rin ba ang kaniyang asawa katulad ng paninibugho niya kay Max. Nang maisip niya ang pangalan ng lalaki ay biglang dumilim ang anyo niya. "Geo, ano ba ang gagawin ko rito? Pauungulin mo lang ba ako kahit walang ganap?" Inis na sabi ng kasama niyang babae. "Binayaran kita para riyan. Wala ako sa mood ngayon para pumatol sa mga katulad mo," sabi ni Geo. "Tapos na tayo, alam mo iyan." Isa lang ang babae sa maraming naka-one night stand niya simula ng makalaya siya sa kadena

