Nag-excuse si Katallea sa mga kaharap nang makita niya si Geo na madilim ang mukhang nakatanaw sa kinaroroonan nila. Ngunit sa halip na pumayag si Max ay hinawakan nito ang braso ng babae pagkatalikod ng ama nito. "Max, please let me go," pakiusap ni Katallea. Gusto na kasi niyang lumabas at sumakay agad sa sasakyan ni Geo. Alam niyang masama ang gising ng lalaki dahil sa itsura nito. Mukhang hindi pa ito naliligo at ni hindi nakapagsuklay man lang habang matiim na nakatingin sa kanilang dalawa ng kaniyang kausap. Simula ng maging mag-asawa sila ay wala nang sasakyan si Katallea kaya palaging naka-taxi lang siya kapag may mga lakad. Nang mga oras na iyon wala siyang pagpipilian kun'di ang sumakay sa kotse ng lalaking naghihintay sa kan'ya. "May problema ba kayo ni Arevalo? I mean, gaa

