Parang gutom na leon na sinugod ni Geo ang napatayong si Max. Walang sabi-sabi na inundayan niya ng suntok ang nagulantang lalaki. "Geo!" tawag ni Katallea sa lalaki. "Stop it, please. Nagmi-meeting lang lang kami. It's very urgent dahil may problema kami ngayon." "Urgent, huh?! Kaya pala ang lakas ng halakhak mo!" sigaw ng lalaki. "Geo, calm down. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko." Ngunit parang walang naririnig ang lalaki. Tuluyan na siyang binalot ng matinding paninibugho kahit todo ang pagmamakaawa ng kaniyang asawa. Si Max ay ayaw ring magpatalo. Nakakuyom ang mga kamao nito na handang lumaban ano mang oras. Dahil sa takot ay hindi nagdalawang isip si Katallea na yakapin si Max at iharang ang katawan niya sa pagitan ng nag-aaway na mga lalaki. Iniiwasan niyang mapatay ng as

