Sa kauna-unahang pagkakataon, nakadama si Katallea ng labis na galit para sa lalaking minamahal niya. Lahat ay ginawa niya, hindi siya lumaban kahit sobra-sobra na ang pagpapahirap nito dahil sa pag- aakalang kapag ginawa niya iyon ay makakaligtas ang pamilya niya sa kademonyohan ng asawa pero nagkamali siya. Nag-aapoy ang tingin ni Katallea habang nakatunghay sa cellphone kung nasaan ang pinapanood niya. Video iyon ni Geo at ng kapatid n’ya habang nagtatalik ang dalawa. Sa kaniyang hinuha ay sa loob iyon ng opisina ng lalaki. Ang halinghing ng kapatid niya ay parang unti-unting pinuputol ang natitira niyang katinuan. Muling tumawag ang numero na kanina pa bumubalabog kay Katallea. Pilit pinakalma niya ang sarili sa pag-aakalang kliyente ang tumatawag. “Hello, kumusta ang regalo ko sa

