KATALLEA CHAPTER 31

1987 Words

Hinalughog ni Katallea ang bahay nila para mahanap ang nawawalang ibang pahina ng kontrata. Hindi na kasi siya naniniwala pa sa sinabi ni Mang Nestor na tinangay ito ng hangin ng magkaroon ng bagyo sa Brgy. Saradama. Alam ni Katallea na may inililihim sa kan'ya ang ama.  "Ang sipag talaga maglinis ng anak ko," sabi ng mama niya ng maabutan siya nito sa kwarto ng mag-asawa. "Sana hindi mo na ginawa iyan kasi may mga katulong naman. Kaya ko ring gawin pa iyan." "Naku, minsan lang po ako umuwi rito kaya pabayaan mo na ako, 'ma." Gusto ni Katallea na tanungin ang kaniyang ina ngunit ayaw niyang magkasamaan pa sila ng loob. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkukunwaring naglilinis siya ng silid. Ngunit natapos na niya ang gawaing bahay pero wala siyang kontratang nakita. Nagpupuyos ang loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD