"Clarise!" Patakbong lumapit si Katallea sa kaniyang kapatid at masaya niyang niyakap ito nang inabutan nilang naghihintay ang dalaga sa may pintuan ng kanilang malaking bahay. Ngunit hindi man lang gumanti ng yakap ang babae. Sa halip ay biglang tinabig nito ang kamay ng ate n'ya. Nawala ang pananabik sa puso ni Katallea. Buong pagtataka niyang tiningnan ang sariling kapatid. Lumapit si Clarise sa asawa ng ate niya. Walang pakialam nitong ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Geo at mariin nitong hinalikan sa labi ang nagulat na lalaki. "What is the meaning of this?!" Halos hindi makapaniwala si Katallea sa nasaksihan niya. Ang buong akala niya ay pinipilit ni Geo ang nakababatang kapatid para makipagniig ito sa kaniyang asawa pero iba ang nakikita niya. "I've told you before, hindi

