Hindi makatulog si Geo sa silid niya. Pabaling-baling siya sa higaan. Sinisisi niya ang sarili dahil sa kaniyang kawalang-hiyaan ay maaaring mawala si Katallea sa kaniyang buhay. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon dahil ang asawa na niya ngayon ang tanging taong pinakamahalaga sa kaniya. Si Katallea ay palakad-lakad naman sa kan'yang silid. Gusto niyang makausap si Clarise ngunit palaging nakabantay dito si Anastasia. Gulong-gulo ang puso at isip niya dahil kahit galit siya sa asawa ay nasasaktan siya sa isiping makikipaghiwalay na siya rito. "Mahal ko talaga ang ulupong na iyon. Ang sakit naman magbiro ng tadhana," bulong niya habang ikot ng ikot sa nakasaradong silid. Hindi maatim ni Katallea ang kababuyan ni Geo. Sa tuwing nakikita niya ang asawa ay parang multong hinahabol s

