Agad na binusalan ni Anastasia si Katallea. Kinaladkad nila ang babae patungo sa basement. Nagpupumiglas ito ngunit panay ang sapak sa kan'ya ni Clarise. Grabe na ang kalasingan ng dalawa kaya naman tinalo na ng alak at galit ang mga puso at isip nila. Habang pababa sila ng basement ay nakita sila ng nahintakutang si Yaya Adel. Nagmamakaawa si Katallea na tumingin sa matanda. Hilam ng luha ang mga mata niya. Ngunit walang magawa ang yaya ni Geo dahil pinagbantaan siya nina Anastasia at Clarise. Sa basement ay ikinadena ng dalawang babae si Katallea at pagkatapos ay iniwan ito sa madilim na lugar na iyon. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng mga ginawa niyang sakripisyo para sa kaniyang kapatid ay pagdurusa ang igaganti ng huli. Poot at pagkamuhi ang bumalatay sa puso niya habang u

