Sa limang taon na inakala ni Geo na patay na si Katallea ay namuhay siyang parang zombie. Sementeryo, bahay at trabaho lang ang destinasyon niya. Nawalan ng direksyon ang buhay ng lalaki. Maging ang pag-iimbistiga sa kaso noon ni Katallea ay naging wala ng halaga sa kan'ya. Ngunit ngayong unti-unting natutuklasan niya ang lahat ay lumabas ang pangil na itinago niya sa mahabang panahon. Umuwi si Geo mula sa hospital nang naka-taxi. Umaga na at nawala na rin ang epekto ng alak na ininom niya sa party ng mga Mckay. Nagulat pa si Anastasia ng makita siya. Maging si Geo ay nagtaka rin na nasa pamamahay niya ang pinsan. "Where is your car?" "None of your business. Why are you here?" "Dito muna ako titira kasama ang anak ko. Dahil sa kagagawan mo kaya pinalayas ako ng asawa ko." "Ang kapal

