Taas-noong pumasok sina Katallea at Sam sa building ng G. Arevalo Real Estate Developer Company. Walang kangiti-ngiti sa mukha ng magkapatid. Ang mga empleyado ng kumpanya ay napatunganga na lang sa dalawang magandang babae. Para silang mga modelo ng isang sikat na brand ng damit. Dahil sanay si Samantha sa marangyang buhay kaya hindi niya kailangang umarte na sopistikada siya. Samantalang si Katallea ay nasanay na sa buhay mayaman sa loob ng limang taon kaya naman madali na sa kaniyang panindigan ang pagiging isang Hajibi. Sa tindig ni Samantha sa suot niyang 5 inches heels na sandals kapares ng isang denim high waist pants at puting polo ay talagang napapatingin ang lahat kahit bahagya lamang ang make-up nito. Si Katallea na nakasuot ng beige chiffon blouse kapares ng isang low wais

